KATHRINA'S POV...
"PROBLEMA MO?" gulat kong tanong kay Ezekiel.
"Yung muka ko." sagot nya.
"Oh? Anong gagawin ko sa muka mo ngayon?" pilosopo kong tanong.
"Pano mo maaalis tong pasa ko sa muka?" inalis nya ang sunglasses nya at napahalakhak ako ng makita ko ang malaki nyabg black eye.
"Tawa ka pa dyan! Halika dito." nagulat ako ng bigla nya kong hinila somewhere. Ewan ko sa kanya.
"Hoy! San mo ba ko dadalhin, ha? Gusto mo dagdagan ko yang black eye mo sa muka?"
Tumigil kami sandali at tumingin sya sakin.
"Pwede ba? Wag ka munang mag salita, masyado kang ma-dada e." sambit nya sakin.
Nagpatuloy na uli kami sa paglalakad at napansin kong tumigil na kami sa harap ng Principal's Office.
"Hoy! Ezekiel, anong ginagawa natin dito ha?" tanong ko sa kanya.
"Basta, sumunod ka nalang sakin." pumasok sya agad sa loob ng office at may ibang estudyante don at mga teachers kasama na si Mrs. Mendoza.
Napakunot ang noo ko.
Ano ba 'to? Anong meron?
"So, ikaw pala?" turo sakin ni Mrs. Mendoza.
"Ha? Ako po?" hanggang ngayon muka pa rin akong tanga at mukang natatae sa harap nila.
Ano ba kasing meron?! Nakakainis na tong Ezekiel na 'to e. PAHAMAK.
"Hoy, Ezekiel! Ano ba 'to?" pabulong na sigaw ko sa kanya.
May ibang babaeng estudyante dito na magkakaibang level.
"Ahm. Excuse me lang po ah, ano po bang meron dito? B-bakit po kasama a-ko dito?" nahihiya kong tanong.
Kasi nga, wala akong alam dito.
"Ms. Mariano, this meeting is all about the Program na gaganapin sa Science Event." sagot ni Ma'am Jane.
"Ahh ok po." now I know.
Kung hindi pa ko magtatanong hindi ko pa malalaman! Letse 'tong Ezekiel na to.
Sarap batuhin ng upuan!
"Now. From Levels 7 to 10 you're here for a meeting and an announcement." panimula ni Mrs. Mendoza.
Taimtim lang akong nakaupo habang si Ezekiel nakaupo sa may couch.
Katabi ko ang ibang estudyante na kasama ko din yata sa Program.
"Now. All of you here is a candidate on the Science Event's Program this June 23. Ngayon, I want you all to know to get prepared. This is not just a Program, this is a pageant. Lahat ng subjects nyo damay dito sa program na 'to. Once na mababa ang points nyo sa Pageant mababa din ang grade nyo. Mabigat ang pageant kaya, sana I'll hope na galingan nyong lahat. Manalo man o matalo, sana mataas ang points." mahabang paliwanag ni Mrs. Mendoza.
"Sige po." sabay sabay naming sagot.
"Next, criteria for judging ipopost nalang sa Campus' Walls mamaya. And yung judges, surprised nalang."dagdag pa nya.
Mayamaya lumapit sa harapan ang Head Professor.
"Good Morning Ladies. I just want to announce lahat ng gagawin nyo. Una, there will be a Model Portion. I expect you girls na gagalingan nyo sa pag rampa. Next, ay syempre ang Question and Answer portion, educational ang mga questions dito kaya sana mag aral kayong mabuti. Next ang Talent Portion, kung saan kailangan nyong magpakitang gilas anuman ang talent na kaya nyo. And last but not the least ang Best in Night Gown Portion, siguro naman alam nyo na kung pano yun diba." sambit ni Prof. Domingo ang baklang head professor ng Campus
---
Pagkatapos ng mahabang meeting, lumabas agad ako at kinausap si Ezekiel.
"Hoy! Ano ba yung ginawa mo ha? Hindi lang ako nakaimik dahil nakakahiya sa Principal!" bulyaw ko sa kanya.
"Ha? Ano ba yung sinasabi mo?" pagtataka nya.
"Anong, anong sinasabi ko? Ang sinasabi ko, di pa naman ako pumayag sa offer mo tapos dinala mo ko don?!" naiinis kong sambit.
"Sorry, dinala lang naman kita don kasi wala akong maiharap sa kanila."
"So, that's the reason? Wtf, Ezekiel! Di pa nga ako pumapayag nangunguna ka na naman! Alam mo masyado ka e! Masyado kang epal!" huli kong sambit bago tuluyang talikuran sya sa gitna ng hallway.
---
After classes, tumambay muna ako sa library para magka peace of mind. Tutal tahimik naman don.
Si Ezekiel kasi e! Nakakaburaot ng araw.
"Good Afternoo Ms. Mariano." bati nubg librarian.
"Good Afternoon po." bati ko.
Umupo ako sa kadulo-duluhan para walang istorbo.
Nag-isip isip lang ako about dun sa program kasi, sabi nga ni Mrs. Mendoza may grades yun, tsaka damay ang grades ko dito.
Ghad, di ko naman kasi era tong mga gantk ganto e, ever since hindi ako sumasali sa ganto.
Ngayon lang, dahil kay Ezekiel bot for him but for my education.
---
Bago ako umuwi, hinanap ko muna si Ezekiel para sabihin ang dapat kong sabihin.
"San na ba yung ugok na yon?" hinanap ko sya sa buong University pero wala sya.
Kailangan kong sabihin sa kanya 'to dahil importante to.
Bwiset sya, ngayon pa sya nawala letse naman oh.
Importante 'to, dahil sabi ni Mrs. Mendoza next week na ang preparation for the Program.
Sa sobrang pagod ko, napaupo nalang ako sa bench malapit sa may Park ng University.
Grabe sa laki ng University parang tinakbo ko yung buong Subdivision namin.
Chineck ko ang phone ko and it's already past 1:00 pm.
San ba kasi napunta yung ugok na yon? Kagigil ha.
Habang nagpapahinga ako sa bench may biglang nagsalita sa likod ko.
"Ako ba hinahanap mo?" napalingon ako sa likod at sa wakas nakita ko na sya!
"Juskooo! San ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap bwiset ka!" napatayo ako ng makita ko na sya.
"Bakit mo ba ko hinahanap?" pareho kaming umupo sa bench.
"Importante kasi yung sasabihin ko. Walang malisya pero..." panimula ko.
"Pero?????" halatang nagaantay sya ng sunod kong sasabihin.
"Ahm ano, kasi pumapayag na ko dun sa pageant." di sya makaimik at ewan ko sa kanya. "Oh, bakit ang tahimik mo?" tanong ko.
Priceless yung expression ng muka nya.
"Ano? Tama ba yung narinig ko?"
"Hala! Bingi ka ba? Sabi ko pumapayag na ko dun sa Program! Ano ba?"
Napangiti sya na parang bata na binigyan ng candy.
Napatayo sya at hinila nya ko at nagtatatalon.
"WOOHOO! YES, PUMAYAG NA SYAAA!"
hala anyare dito? Nakakatakot sya ha.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Destined to be Yours (On-Going)
Teen Fiction"Isang malaking pangyayari ang nangyari sa buhay ko. At yun ay I'm Destined to be Yours." -Kathrina Mariano Welcome! I'm Girly_m16, hope you'll like the story. I'm not a professional author, so don't expect too much from me. Yun lang! Thank you❤ Lov...