Chapter 08: Science Event

8 1 0
                                    

Kathrina's POV...

Ang bilis ng weekend grabe, parang isang araw lang, monday uli.

UGH, NAKAKAINIS.

Maaga akong nagising, kasi wala lang trip ko lang. Ewan ko ba, maaga akong ginising ni Lord e.

Bago ako tumayo ng kama chineck ko muna ang phone ko, and It's too early kasi 4am lang pala.

Naghilamos ako at naisipang mag-jogging sa labas ng bahay.

Medyo paakyat na ang araw kasi medyo maliwanag na e, pero may halong dilim pa rin, kasi 4am palang e.

Habang nagjo-jogging ako ay naka headset ako, wala lang kasi mag isa lang naman ako.

Pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagjo-jogging, may isa akong lalaki na naaaninag na tumatakbo din.

"Aray!!!" sa sobrang bilis nya tumakbo nabangga ko sya. "Nyeta naman!" ininda ko ang hita ko at ang balakang ko dahil napaupo ako.

"Nako! Miss, pasensya na." teka.

Pamilyar yung boses nya.

Inaninag ko ang muka nya at napatakip ako sa bibig ko ng makilala ko sya. "Jusme."

"Kathrina?"

Pareho pa yata kaming nagulat.

Tumayo ako at sinigawan sya.

"Ano ba yan! Tanga mo talaga! Tatakbo ka nalang mandadamay ka pa!"

"Sorry na sorry. Di ko naman sinasadya." tumayo sya at parang bata na nagmamakaawa.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka dyan." tumalikod ako at hinabol naman nya ko.

"Uy! Kath! Sorry na." mukang seryoso sya pero di nya ko madadaab sa ganon ganon nya.

Letse sya nakakasira ng araw.

Tamang tama pag harap ko sinalubong ko agad sya ng sapak sa muka.

"AWWW!" napahawak sya sa mata nya na tila may black eye yata.

Napatawa nalang ako ng mahina at umalis na nag tuluyan at umuwi.

---

"OY! KATH? san ka nanggaling? Kinakatok ka ni Jericho sa kwarto mo kanina wala ka." bungad ni ate sakin.

"Wala nag-jogging lang. Maaga kasi akong nagising kanina, e wala akong magawa so naisipan kong lumabas." sagot ko.

"Bilisan mo na magse-seven am na, mabagal ka pa naman kumilos. PAGONG." umakyat na si ate at ako naman hindi sya sinunod.

Pumasom muna ako sa kwarto ko para mag punas ng pawis dahil napagod ako, lalo na dun sa Ezekiel na yon. Bwiset sya.

Habang nagf-facebook ako, nakita ko ang post ni Ezekiel. Yeah, kahapon ko lang sya in-accept tutal wala namang malisya.

Nakalagay sa post nya:

'Ezekiel Manzano posted a photo.'
"Grabe, hirap masapak ng babae, doble black-eye pa."

Napangisi ako sa post nya at hindi ko nalang pinansin.

---

"Good Morning, Class." bati ni Ms. Jane.

"Good Morning Ma'am." magulo nilang sambit.

"Everyone, go back to your seats." narinig kong sabi ni Ms. Jane pero walang nakinig sa kanya.

Pero biglang pumasok si Mrs. Mendoza.

Natahimik ang buong paligid.

"Good Morning, Mrs. Mendoza." malinis at maayos nilang sambit.

"I've been observing you a while ago. Nung si Ms. Jane ang pumasok ang gulo nyo syang sinalubong at binati. But when I entered this room natahimik kayo, unfair right?" napansin kong napayuko ang buong klase except me.

Wala lang, naguluhan lang ako. Kasi newbie lang naman ako.

"Well, anyways dapat marunong kayong gumalang sa Teachers! They need to be respected by the students! At sa susunod na mangyari to, lahat kayo suspended." dugtong pa ni Mrs. Mendoza. "So, Ms. Mariano, can you follow me?"

Habang kasama ko si Mrs. Mendoza na naglalakad sa hallway, di ko alam kung san kami tutungo, nagisip ako ng pwedeng maitanong sa kanya. Kasu medyo awkward e.

Di naman kami close, tsaka mahiyain ako.

Then, biglang may nag-pop out na salita sa utak ko.

"Ah, Mrs. Mendoza?"

"Yes, Ms. Mariano?" sagot nya.

"Ahm. Si Ezekiel Manzano ba, akala ko po suspended sya for one week?" tanong ko.

"Well, Ms. Mariano, hindi natuloy dahil ang daddy nya ang may ari ng school, kaya wala kaming ibang nagawa dahil mas mataas ang position nya kaysa sa amin." paliwanag ni Mrs. Mendoza.

"Ahh." maikli kong sambit. "E, pero Mrs. Mendoza? Bakit nyo po pala ako pinatawag?" dagdag ko.

"Well, pinapatawag ka sakin ni Mr. Manzano." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang apelyido na yon.

"Seriously, Mrs. Mendoza? Bakit daw po?" di na muling umimik si Mrs. Mendoza at tuluyang pumasok sa library sumunod nalang ako para wala ng kung ano.

"Ehem. Mr. Mariano, nandito na si Ms. Mariano." napalingon sa direksyon namin si Ezekiel at tumayo.

"Salamat po." umalis na kaagad si Mrs. Mendoza at iniwan kaming dalawa sa loob ng Library room kung saan walang estudyante, kundi yung librarian lang ang nandon at kami.

"Bakit mo 'ko pinatawag Mr. Manzano?" madiin kong sambit.

"Ahh, well as the president of the Science Subject, gusto sana kitang ayain--"

Hindi ko tinuloy ang sinabi nya at agad kong sumabat. "Ah, hindi! Nako busy ako mamaya, di ako pwedeng lumabas."

"Teka, Kath. Di pa ko tapos, pwede patapusin mo na muna ko?" pangiti ngiti nyang sambit.

"Sige. Ano ba yon?" medyo mataray kong tanong.

"Sa, june 23 kasi may Science Event na gaganapin, e may program para sa mga candidates, I don't know that program pero gusto sana kitang ayain na sumali sa Program na yon." paliwanag nya.

Natahimik ako sandali at nagisip ng isasagot.

"Well, pag-iisipan ko muna ha. Tsaka, bakit ikaw ang nagtatanong sakin? Diba dapat mga Staffs ang pumipili ng Candidates?" pilosopo kong sambit.

"It's obvious, kasi ako ang president ng subject, The Head Principal approved that ako na dapat ang pumili ng candidates para sa Program." sagot nya.

"Ahh. Sige, tutal tinanong mo ko. I'll decide for it. Okay?"

"Sige. I'm hoping for your agreement."

itutuloy...

Destined to be Yours (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon