Chapter 11: Pagbabalik

1 0 0
                                    

ezekiel's POV...

"Hala! Bingi ka ba? Sabi ko pumapayag na ko dun sa Program! Ano ba?"

Napangiti ako sa sinabi nya. Jusko, tama ba yung narinig ko?

Tumayo ako at hinila sya at tumalon-talon.

"WOOHOO! YES, PUMAYAG NA SYAAA!"

Para akong bata na tuwang tuwa nung pumayag na sya sa wakas.

"Hoy! Anyare sayo?" pagtataka nya.

Nakangiti pa rin ako sa tuwa habang sya nawe-weirdohan pa rin sakin.

"SALAMAT NG MARAMI, KATHRINA! Tara libre kita?" hinila ko sya palabas ng University at nag-punta ng Coffee Shop.

"Hoy! Bat mo ko dinala dito ha? Ano bang meron sayo? Bakit parang tuwang tuwa ka nung punayag ako para dun sa Program?" pagtataka pa nya.

"Wala lang kasi syempre, inalok kita tapos pumayag ka. Syempre ikaw iche-cheer ko tsaka dapat ikaw mananalo." confident kong sambit sa kanya.

Nakatingin lang sya sakin habang nakakunot ang noo.

"Sige payag ako sa ginagawa mo ngayon, yung panlilibre mo. Pero, syempre salamat din kasi ni-recruit mo ko para sa Pageant." aba parang nagiba ang ihip ng hangin ah.

"Wala yon, Kathrina basta ikaw." ngumiti ako sa kanya at ngumiti din sya sakin.

Halatang pilit ang ngiti nya dahil syempre naiilang pa rin sya sakin panigurado.

Ng dumating ang order namin tahimik lang kami hanggang sa nagsalita sya.

"oy, Ezekiel. Salamat uli ha? Alam mo siguro kung hindi mo ako nirecruit for the pageant iba ang mapipili." sambit nya.

"Wala yon. Tsaka isa pa deserve mo na makasali ka don, kasi maganda ka na matalino ka pa."

Natawa nalang sya ng onti at nagsalita uli.

"Pero, anyways siguro iba yung mapipili non kung hindi ako yung pinili mo." sabi nya.

"Nako, malakas ka naman sakin Kath e. Hahahaha." napatawa kaming dalawa ng konti uli.

"Ezekiel."

Tumingin ako sa mga mata nya, parang seryoso kasi sya e. "Ezekiel. Bakit mo ba ginagawa to? Kasi newbie ako?" tanong nya.

"Nope. Wala lang gusto lang kasi kita." diretsa kong sambit.

"Ako gusto mo? Seryoso?" matawa tawa nyang sambit.

Tumango lang ako.

"Nga pala, may boyfriend ka ba?" tanong ko.

"Wala wala wala." sagot nya.

Parang di nya nagustuhan ang tanong ko.

"Ahh, masama ba yung tanong ko? S-sorry."

"Nako! Okay lang hahaha. Kumain ka nalang dyan." sambit nya. "E ikaw? May girlfriend ka?" tanong nya.

"Ha? Ako?" nagisip isip muna ako dahil naalala ko na naman si Pearl.

"Ahh, Ezekiel? Sorry sa tanong ko, bakit? May ex ka ba na sinaktan ka at iniwan ka din sa ere?" tumpak yung sinabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Pano mo alam?"

"Ahm, kasi ganon yung ex ko dati e. Iniwan ako sa ere." hala pareho pala kami.

"Parehas pala tayo." sambit ko.

"Ha? Bakit? Sino ba yang ex mo? At iniwan ka sa ere? Sorry ah bitter na kasi ako ngayon sa mga taong nang-iiwan sa ere." medyo diniinan nya pa yung salitang yon ha.

Bitter nga sya. Hahahaha.

"Ahh, si Pearl yung ex ko dati 1 year ago nung iwan nya ko, para sa ibang lalaki."

"Ahhh." sambit nya habang umiinom ng Frappe.

"E ikaw? Bakit ka naman iniwan ng boyfriend mo sa ere?" tanong ko naman.

"Nung J.S. Prom namin, that night nakipag break sya sakin. I don't know, pero sobrang sakit para sakin non." sagot nya.

"Iniwan ka nya? That night? Nako, parang si Pearl hindi naman sa iniwan nya ko pero, never na syang nagpakita sakin uli, wala ng bali-balita." sambit ko.

"Talaga? Grabe naman sya. Pero, eto ngayon anong pinaka ayaw mong mangyari sa Lovelife status mo ngayon?" tanong nya.

"Ako? Tss. Simple lang, magi-ingat na ko sa pagmamahal hindi yung sobra." sagot ko. "E ikaw?"

"SUS. di na lang ako magbo-boyfriend uli." at tumawa kaming dalawa.

"Ayaw mo ba kong maging boyfriend?" biro ko.

"Jusko. Wag na. Baka gumuho ang mundo pag nangyari yon." sabay uli kaming tumawa.

"Pareho pala tayong bitter pa rin." sambit nya.

"Ang hirap palang magmahal ano? Madaling magmahal, oo pero pag nasaktan ka na? Wala na." sabi ko.

"Nako. Sinabi mo pa. Ang pagmamahal parang tinta ng ballpen, pag bago maganda-ganda pa maayos-ayos, pero once na maubos ang tinta parang love pag nawalan ng pagmamahal wala na. Tapos na, tapos na rin ang relasyon." at sabay kaming nagtawanan.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan, napatingin sa may likuran ko si Kathrina.

Kaya napalingon din ako.

"Ahh, Ezekiel pwede ba tayong mag usap?"

ha? Bakit? Bakit ngayon ka pa bumalik? Bakit?!

itutuloy...




[Short update izz real.]

Destined to be Yours (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon