Ezekiel's POV...
nako, It's been a good day for me.
Kasi baka 'yes'ang isagot ni Kathrina para sakin.
And when she finally says 'yes' magpa-party ako.
"Kuya? Ang lalim yata ng iniisip mo? Nakangiti ka pa. Ayieee si Kuya! Pumapag ibig na. Nako, nakalimutan mo na ba agad si Ate Pearl?" natahimik ako bigla ng mabanggit nya yon at natigil sa pag-ngiti.
"Huy! Faith, ssshh." saway ni ate Danryhs.
"Ate." nawala lahat ng nasa utak ko ng mabanggit yon ni Faith.
"S-sorry Kuya." tinignan ko lang sya at hindi umimik.
Bumalik na naman lahat ng alala naming dalawa ni Pearl.
Niyakap ako ni ate. "Ano ka ba, isang taon naman na yung lumilipas e. Kalimutan mo na sya, alam mo namang di sya kawalan e." di ko namalayan tumulo na pala yung luha sa mga mata ko.
"Bat ganon ate? Ang unfair ng mundo." sambit ko kay ate.
"Ganon talaga, Ezekiel. May mga bagay na hindi talaga para satin." sagot ni ate. "Anyways, kakausapin ko nalang si Faithna wag ng banggitin si Pearl, anything related to her." paliwanag nya.
"Salamat ate, for being there kahit na wala na si Mommy.""Oo naman. Sino pa ba magtutulungan? Kahit wala na si Mommy, nandyan pa rin aga always guiding us." sambit nya.
Tumango lang ako.
6 years na ang nakakalipas mula ng mawala si Mommy. Dahil sa car accident.
Tuwing birthday isa samin, dumadalaw kami sa sementeryo.
Nakaka miss ng sobra si Mommy.
Simula no'n hindi na umalis pa ng Pinas si daddy, dati kasi palagi silang naga-out of the country for business ngayon, nagpapapunta nalang sya isa sa mga assistant nya.
Habang kami naman, sa Manila na nag stay, dati kasi sa Bicol.
Tsaka simula din nung mawala si Mommy, madalas mang-babae si daddy.
Nakakalungkot man pero syempre hindi namin hinahayaan na ganunin lang kami ni daddy.
Pero, mayamaya biglang umuwi si Daddy.
"Dad!?" umuwi syang lasing kaya inalalayan ko agad sya at inupo sa sofa.
"Dad! Bakit naman naglasing ka ha? Tignan mo o, disoras na ng gabi!" sermon ni Ate sa kanya.
"Anak. Matulog na kayo sige na." malasing lasing nyang sambit samin.
"Dad naman! Ano na naman ba to?"
---
Kinaumagahan nagising ako, at naalala ko na tuesday pa pala akala ko weekend na.
Pumunta muna ako sa kusina para tignan sila Ate.
Wala pang tao, pero maaga aga pa naman siguro mga 4am palang,
Naghilamos muna ako at naisipang mag-jogging tutal eto naman everyday routine ko e.
Paglabas ko malamig pa ang simoy ng hangin kasi madaling araw palang.
Habang tumatakbo ako napadaan ako sa isang bahay na umakit sa paningin ko at tumigil ako.
Ang laki nung bahay, parang kagaya samin.
Maganda tsaka mukang mayayaman nakatira dun.
Pinagmasdan kong mabuti ang bahay parang may something talaga don e.
Natigil ako sa pag iisip ng makita ko ang taong lumalabas galing sa gate.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Kathrina?" kinilala ko maiigi yung babae.
Sya nga, si Kathrina nga sila pala ang nakatira don.
Ohh, I see.
Mayamaya ay natigilan ako ng maaninag at makilala nya ko.
"EZEKIEL?!" lumapit sya sa direksyon ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.
"A-AHH ANO. AHM NAGJO-JOGGING." nauutal kong sagot kasi kinakabahan ako dahil kaharap ko sya.
"NAG JO JOGGING? SA HARAP NG BAHAY NAMIN? O BAKA NAMAN, PINAG-MAMASIDAN MO KAMI?" banta nya.
"HA!? ano? Ako? Pag mamasidan ko kayo? luh! HOY! gising!" sambit ko.
"Ah talaga? Gusto mo suntukin kita uli? Pasalamat ka, nawala agad yang pasa mo." banta nya pa.
"Sige nga suntukin mo." hamon ko sa kanya.
"Ahh ganon? Gusto mo talaga?" natigil kaming dalawa sandali, pero...
"AWWW!!!" di ko naman akalain na susuntukin nya talaga ko.
Ininda ko yung mata ko at napapikit yung isa kong mata..
"O? see? Ginaw ko lang naman yung gusto mo diba. Sige na alis na ko baka masundan pa yang black eye mo." agad syang umalis at habang ako naman iniinda yung mata ko.
---
"O? Ezekiel? Anong nangyari sayo?" tanong ni ate sakin pagka uwi ko sa bahay.
"Wala wala, humampas lang kanina habang nagjo jogging ako." palusot ko.
"Ha? Halika ka nga, napaka gaslaw mo kasi e." kumuha si ate ng ice cubes at nilagay sa cold bag tapos dinampi dampi sa muka ko.
"A! aray sakit naman ate." inda ko.
"Dapat lang yan! Shunga mo kasi e."
Kahit kelan talaga tong ate ko. Palibhasa.. Nakooo!
Kathrina's POV...
"O? Bakit ang bilis mo naman, nakatakbo ka na non?" pagtataka ni Kuya.
"Tinamad na kasi ko e." sagot ko.
"Sos! pano ka se-sexy nyan? Puro ka katamaran!" pang aasar ni Kuya.
"He! Tumigil ka dyan kala mo naman, bang hot nya." pambabara ko.
"E kung sapakin kita, Kathrina?" hamon nya.
"Edi sapakin mo, bakit kaya mo? Kaya mo?" pang hahamon ko naman.
"Pasalamat ka babae ka!" sa inis ko sa kanya binato ko sya ng unan sa muka.
Napatingin sya sakin at ako naman tumawa, si ate naman biglang umepal.
"Huy! Ano ba yan! Tumigil na nga kayo!"
Sa mga tingin ni kuya sakin alam na alam ko, mamaya mangha-habol na naman yan kaya tumakbo agad ako sa kwarto ko.
Di naman ako nagkamali at hinabol nya nga ako para gantihan.
---
"Ang sakit ng hampas mo sakin kuyaaa!" inda ko habang nasa kotse kami papasok sa School.
"Ikaw ba naman batuhin ng unan sa muka?" pilospo nyang sagot.
"Gusto mo ulitin ko?" pambabara ko naman.
"KUYA! ATE?! ANG INGAY NAMAN OH." reklamo ni Jericho.
Tumigil naman kaming dalawa.
Tahimik kami hanggang sa makarating kami sa School.
"Good Morning Ms. Mariano." bati nung Security Guard.
Mayamaya, ng papunta ako sa Canteen, siguro hindi ako nagkamali sa nakita ko.
"Ezekiel?" napa-tawa nalang ako ng tahimik ng makita kong naka-sunglasses sya.
Malamang, dahil dun sa suntok ko sa kanya. Pasalamat sya hindi masyadong malakas pagka suntok ko sa kanya. Kung hindi bulag na sya ngayon.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi sya pinansjn kahit nadaanan ko sya.
Pero bago pa man ako makababa sa Canteen nahila nya ang kamay ko.
"Problema mo?"
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Destined to be Yours (On-Going)
Fiksi Remaja"Isang malaking pangyayari ang nangyari sa buhay ko. At yun ay I'm Destined to be Yours." -Kathrina Mariano Welcome! I'm Girly_m16, hope you'll like the story. I'm not a professional author, so don't expect too much from me. Yun lang! Thank you❤ Lov...