Chapter 12: Ex-Girlfriend (Part 1)

1 0 0
                                    

Kathrina's POV...

"Nako. Sinabi mo pa. Ang pagmamahal parang tinta ng ballpen, pag bago maganda-ganda pa maayos-ayos, pero once na maubos ang tinta parang love pag nawalan ng pagmamahal wala na. Tapos na, tapos na rin ang relasyon." sambit ko at nagtawanan kami.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan, napatingin ako sa direksyon ni Ezekiel.

Dahil may babaeng nakatayo sa likod nya at mukang yayamanin naman ang itsura.

"Ahh, Ezekiel pwede ba tayong mag usap?" sambit nung babae.

Nakakapagtaka dahil parang gulat na gulat si Ezekiel at parang di nya gustong makita ang babae na 'yon.

---

Nakakabaliw isipin dahil it was 1 week ago pagkatapos mangyari yon.

Bigla akong hinila ni Ezekiel palabas at muka naman akong tanga na walang alam sa nangyayari.

Ng makita nya yung babae agad nya kong niyaya na umalis na.

Hindi man lang nya pinansin yung babae.

Nakakapagtaka kasi bakit di man lang nya pinansin?

Tinanong nung tao kung pwede silang magusap, tapos magwa-walk out sya? Luh mun-ulol si kuya.

"Hhaayy."

Anyways, nagstart na rin pala yung preparation para dun sa Pageantchuchu ng Science Event.

Todo support si Kuya mong mun-ulol.

"Girls! Come on." si Ms. Jenica yung nagtuturo samin magmodel chuchu.

Hayy, ang hirap naman ng ganto lalo na pag di mo masyadong kina-career.

Pero para naman sa grades to e.

Kaya keri na yan.

Hanggang ngayon nga nag iisip pa rin ako ng talent.

Nyemas.

After ng practice, syempre pahinga dumating si Ezekiel.

"O kamusta practice?" pinilit kong wag mainis sa kanya.

Syempre kung hindi dahil sa kanya wala ako dito.

"Okay naman." pero naiilang pa rin kase ako sa kanya.

Lalo na last week. Yung dun sa babae.

Kaya tanong ko nalang sya mamaya pag may timing na.

"Mukang pagod na pagod ka nga e." biro nya.

Tumawa nalang ako saka uminom ng tubig.

"Gusto mong kumain? Or meryenda?" hala. Food sheyt, I want food.

Syempre di na ko nagpaligoy-ligoy pa pumayag na ko.

Tsaka para matanong ko na rin sa kanya yung about dun sa babae na winalk-out an nya.

"Ano bang order mo?" tanong nya.

"Kahit ano. Basta favorite ko." sagot ko.

"Ano nga? Anong favorite mo?"

"Uhm. Fries tsaka sundae:)"

"Sige."

Ng makarating ang order namin, nag-simula na kaming kumain.

Mukang mas gutom pa sya kesa sakin. hayyys.

"Oy! Kath, bat di ka kumakain? Daya mo." sambit nya.

"Mmm. May tatanong lang ako." panimula ko.

"Ano yon?" seryoso nyang tanong.

"About last week.." mukang nailang sya sa tanong ko kaya nagpatuloy sya sa pagkain.

Destined to be Yours (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon