pinunasan ko ang imaginary sweat sa noo ko. mabuti at hindi ako nabasa. ayokong maging madumi sa araw ng pagkikita namin ng bagong boss ko.
tinignan ko ang relo ko, sampung minuto nalang natitira. patakbo akong pumasok sa mall. nilibot ko ang tingin ko sa paligid. ang daming tao, magulo, nagsisigawan ang lahat.
san ba sya dito? kinuha ko ang cellphone ko sa ba- teka.. ang cellphone ko?! naalala kong nilagay ko yun sa bag bago pa ako makaalis sa bahay. wag mo namang sabihing nanakawan ako. hindi. hindi pwede! pano ko itetext si Daniel?
paiyak na ako habang hinahalungkat ang bag ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. sigh. tanga Chandria. nasa bulsa mo pala!
From : Daniel
asan kana? naiinip na ako.
To : Daniel
nasa loob na ako, wer na u?
From : Daniel
jeje. starbucks. nakahoodie na black at sunglasses.
di na ako nag'abala pang magreply sakanya. tumakbo ako papunta starbucks. pero syempre mahirap din kasi sobrang dami ng tao. pagkapasok ko, nilibot ko ang paningin ko sa lugar. nakahoodie na black at sunglasses. san kaya sya?
"Psst!" napalingon ako sa pinanggagalingan ng tunog at nandun, si daniel. nakaupo sa isang gilid at umiinom ng kape. naglakad ako papunta sakanya.
"Hi! So, kelan ako magsisimula?" tinaasan nya ako ng kilay at umirap. may kinuha sya sa bulsa nya at inabot sakin.
ano to? rules? mga dapat gawin? instructions? ganun? kontrata?
"Kontrata yan. Nandyan ang mga dapat mong tandaan at gawin pag nagtrabaho ka na sakin. Pagkatapos mong basahin yan, pipirmahan mo lang yung nasa dulo. Pagkatapos, maaari ka nang magsimula ngayon." tumango-tango ako sa mga sinabi nya. binasa ko ang mga nakasulat don. kumunot ang noo ko.
"Once you fall inlove with your boss, you will be fired." binasa ko ng malakas ang pinakahuling nakalagay sa papel. tumingin sya sakin kaya napatingin din ako sakanya.
"Pang 69th kana na naihire ko. Lahat ng dating PAs ko, nasesante dahil nahumaling sa kagwapuhan ko. Kaya kung may feelings ka sakin, sabihin mo na agad para di na ako mag'aabala." napatawa ako sa sinabi nya. ako? may feelings sakanya? e di ko nga sya kilala e!
"Sir, una sa lahat, ang yabang nyo po. Pangalawa, sisiguraduhin kong ako ang pinakahuling magiging PA mo. Hinding hindi ako maiinlove sa isang katulad mo at wag ka nang umasa pa na-" naputol ang sinabi ko nang ibagsak nya ang ballpen sa harapan ko.
"Pirmahan mo na. Bilis, may mallshow pa ako." napairap ako sa inasal nya at agad na pinirmahan ang papel. nakasabi din sa kontrata na hindi ako pwedeng mag'resign sa trabaho unless gumawa ako ng makapagpapaalis saakin at kung si daniel mismo ang magpaalis saakin.
tsaka sinabi nya sakin na may mallshow sya. dito ba yun? kaya ba maraming tao? "Tara na. Pupunta tayo sa backstage. Alam mo naman siguro ang mga gagawin diba?"
tumango ako sakanya. sigh. magiging mahabang araw to.
••
hi! So i updated alreadyyyyy. it's really short so i'm so sorryyy. please spread this story, vote, and comment! if anyone wants to be dedicated, please comment or message me! thank you so much for the readers! byee, love youu.