"Artista ka ba talaga?" Kanina ko pa siya tinatanong ng ganyan. Sa tingin ko nga naiinis na siya sakin. Hehe, di ako makapaniwala eh.
Buti nakaalis na kami sa eskinita na yon. Grabe, ilang minuto ata kaming naghintay doon kasi andami paring tao. Baka dumugin nanaman siya, ako pa kawawa. Baka matapakan ako ng mga tao. Huehue.
"Oo nga! Paulit ulit? Talagang hindi mo ba ako kilala? Ako ang pinakagwapong artista dito!"
Psh. Yabang.
"Hindi nga kasi kita kilala. Tsaka bakit mo nga pala ako hinila?" Inis kong sambit sakanya. Aba! Hindi ko nagustuhan yung ginawa niyang paghila saakin ha!
"Ewan ko." Nagkibit balikat lang siya at naglakad papalayo sakin.
Pero syempre hindi ko hahayaang umalis siya ng hindi niya nababayaran ang kasalanan niya! Mwehehehe.
"Hep hep hep. At saan ka naman pupunta aber?!" Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa paglalakad.
"Uuwi na! Makilala pa ako ng mga tao baka magasgas ang gwapo kong mukha." Umirap siya at tinanggal ang pagkakahawak ko.
"HINDI! HINDI PWEDE!" Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya. Hmp. Kala niya di ako malakas?
"Kailangan ba sumigaw? At bakit naman hindi pwede? Nanay ba kita? Ikaw ba nagpapakain sakin?"
"Kumagat ka nga muna." Sinubo ko sakanya ang isang barbeque. Kung tinatanong niyo saan ko nakuha yon, hindi ko alam. Hehe.
"Ano ba? Kanina pinipigilan mo akong umalis, tapos ngayon sinusubu--" sinubo ko na agad sakanya ang barbeque bago pa siya matapos magsalita.
"Ayan! Pinapakain na kita! Ngayon, hindi ka na pwede umalis. Dahil sa paghila mo sakin, nagkapasa ang kamay ko. At bilang pambayad mo sa kasalanan mo, sasamahan mo akong maghanap ng trabaho!" Masaya kong sabi. Kumunot agad ang noo niya at umirap ulit.
Bakit ba ang hilig umirap nito? Bakla ba siya?
"Ang corny mo. At hindi. Hindi ako sasama sayo." Tumalikod ulit siya para maglakad. Sumunod naman ako.
