-1-

362 7 2
                                    

"Sir sorry po talaga. Inatake po kasi yung tatay ko kaya nalate po ako. Nabawi po ako. Sorry po talaga."  Naiiyak na ako dito. Pano kasi, inatake yung tatay ko bago paman ako makaalis para magtrabaho. Hindi ko naman pwede iwanan yung tatay ko. Hindi rin ako pwedeng umabsent sa trabaho. Kaya nalate ako.

At eto. Napagalitan agad ako ng boss ko...

"Ms.Gonzales, pang-ilang late mo na to. Nakailang absents ka na din. Sorry pero we might have to let you go. I'm sorry, you're fired."

Nanlumo ako sa narinig ko. Hindi. Yung tatay ko may sakit. Hindi pwede. San na ako kukuha ng pera panggamot sakanya? Kung pwede lang ako nalang yung nagkasakit eh.

Kailangan kong makahanap agad ng trabaho. Pero bago yun uuwi nalang muna ako at gagawa ng mga assignments ko. Oo, working student ako. Mahirap lang naman kasi kami.

Pagkauwi ko sa bahay, pumasok agad ako sa kwarto ng tatay ko para kamustahin siya. "Tay? Okay lang po ba kayo?"

"Naku nak. Okay na okay. Malakas pa ang tatay no! Kaya pa!" Napangiti agad ako sa naging sagot niya. Kaya gustong gusto ko si tatay. Ang lakas kasi ng fighting spirit. Sakanya siguro ako nagmana.

"Tay gawa muna ako ng assignment ah. Pahinga lang po kayo diyan."

Sinarado ko na ang pintuan at pumasok sa kwarto ko. Haaaaaaay nakakapagod. Ang dami ng assignments, nawalan pa ako ng trabaho. San kaya ako makakakuha ng bago?

"Aish! Kahit saan Chandria basta makahanap ka lang!" Napasabunot ako sa buhok ko. Oo, Chandria. Kahit saan basta hindi illegal. Di ko naman ibebenta katawan ko. Pwe kayo.

"Anong hahanapin mo nak?" Napaupo agad ako nang marinig kong magsalita si Nanay. Chandria, mag-isip ng palusot dali!

"A-ano. Y-yung materials po sa p-project namin. Oo tama, project. Hehe."

BAKIT BA AKO NAUUTAL. Chandria umayos ka!

"Ah yun pala. Gusto mo tulungan kita? Ano ba yung project mo?"

Naku naman o.

"Okay na po nay. Nasolusyunan ko na po. Hehe" yan. Di naman siguro siya magpupumilit pa diba? Diba?

I FellWhere stories live. Discover now