-6-

143 1 2
                                    


nagising ako sa mahimbing na tulog ko. tumambad saakin ang kulay puting paligid. nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang nanay ko na inaayos ang mga prutas sa gilid.



"Nay?" pagtawag ko sakanya. lumingon naman sya at agad na yumakap saakin. tumingin ako sa mga mata nya at nakikita ko ang lungkot, awa, at pag'aalala dito. ngumiti sya ng malungkot saakin.



"Okay na ba ang pakiramdam mo anak?" tumango na lamang ako bilang sagot.




"Nay? Sino pong nagdala sakin dito?" tanong ko at bumalik naman sya sa lamesa upang balatan ang mansanas na nandoon.




"Hindi ko kilala kung sino anak. Basta may tumawag lang saakin at sinabing nandito ka. Humihingi ng pasensya kasi kailangan na daw niyang umalis." napaisip naman ako. si Daniel kaya yon?




"Anak. Alam mo namang hindi mo pwedeng gawin yung lahat ng gusto mo. Alam mo naman na may-" pinutol ko si nanay bago pa nya ituloy ang sasabihin nya.




"Ayoko po munang pag'usapan yan ngayon nay. Magpapahinga po muna ako ulit." tumalikod ako sa kanya at nagsimula nang bumuhos ang mga luhang pinipigilan kong lumabas.




(a/n : parts with this "font" are all flashbacks. Val is the name of Chandria's mom)




tahimik akong naglalaro sa sala ng paborito kong barbie. nanonood din ako ng tv at aliw na aliw sa ginagawa ko.




"Val! Alam mo namang maagang ipinanganak si Chandria kaya maraming komplikasyon ang nangyayari sa katawan nya!" narinig kong sigaw ni tatay sa kabilang kwarto.




"Pero gusto kong normal syang mamuhay, gaya ng ibang bata! Hindi natin pwedeng kunin sakanya ang karapatan na iyon!" dahan dahan akong naglakad palapit sa kwarto nila.



"Val.. Wala tayong magagawa. Lalo na kung mahina ang puso nya." nanlaki ang mga mata ko. dahil sa pagkagulat ko, aksidente kong nabitawan ang hawak kong barbie.



"Nay? Ano pong nangyayari?" nagulat ang mga magulang ko dahil di nila inaasahan na makita akong nakikinig sa pinag'aawayan nila.



"A-anak.. Halika dito." lumapit naman ako sa nanay ko at agad nya akong niyakap ng mahigpit.



"Hindi pa sana namin sasabihin sayo pero mukhang ito na ang oras. Alam kong bata ka pa at hindi mo pa masyadong maiintindihan to. Pero Chandria anak, may sakit ka sa puso. 7 months ka palang nung ipinanganak kita at doon naging komplikado ang lahat. Nabuhay ka ngunit may naging problema. Nalaman naming mahina ang puso mo. Hindi namin gusto na maging ganito ka anak at patawarin mo kami. Wala kaming magawa." pareho kaming umiiyak ng nanay ko. hindi ko inakala na may sakit ako. naramdaman ko ang takot at sakit dahil sa nalaman ko. wala akong nasabi, humikbi na lamang ako ng humikbi.



(End of flashback)



inalis ko ang mga memorya na bumabalik sa isipan ko. pinikit ko ang mga mata ko at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog.






-------------

ang ikli nito haha naisip ko lang sya nung gumagawa akong ng gawaing bahay so yaaaaaas. sorry for the late and short update. please wait for my update sooooon. ily guys. thankyou for 600+ reads. i am so happy! xoxo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I FellWhere stories live. Discover now