- 5 -

141 3 14
                                    


3rd Person's

"Let's all welcome! The King of Hearts, Daniel Padilla!" parang lumindol dahil sa lakas ng sigawan ng mga tao. makikita mong may mga naghahampasan, nagkukurutan, at mga muntik na mahimatay sa kilig. ang dami nyang fans, sobrang dami.





"Hello MOA!" napuno nanaman ng sigaw ang buong lugar nang batiin ni Daniel ang mga fans. napangiti si Daniel sa mga nakikita at naririnig nya. ito ang tipikal na araw nya. hindi naman sa hindi nya gusto ito...





nag'eenjoy sya na makita ang mga babaeng halos maging hugis puso na ang mga mata tuwing lumalabas sya.





matapos ang maikling mensahe na ibinahagi nya, sumenyas sya sa isang staff hudyat na magsisimula na ang kanyang unang kantang kakantahin.





sa kabilang dako naman, tahimik na nanonood si chandria sa gilid ng stage. malalim ang iniisip.


Chandria's POV

halos mabingi na ako sa lakas ng sigawan ng mga tao. kakasimula palang ng show nya at pagod na pagod ako dahil sa dami ng trabaho na ginawa ko.






ilang beses akong tumakbo palabas at papasok sa backstage kanina. ang daming kailangan kunin doon, dito, kahit saan! nakakapagod! kinailangan ko pang sumiksik sa nagkukumpulang mga tao sa labas at sobrang init!







napakurap ako nang may humawak sa balikat ko. "Chandria, pakikuha naman nung isa kong damit." lumingon ako sa hingal na hingal at pawis na si Daniel. kinapa-kapa ko ang bulsa ko at dinukot ang panyo ko.






hindi ko alam kung anong nasa isip ko pero maingat kong pinunasan ang pawis na tumatagaktak sa noo nya. pagkatapos ay binigay ko sakanya ang panyo ko at umalis para kunin yung damit na sinasabi nya.

***


"Chandria, gising!" nagising ako sa paulit-ulit na pagyugyog sa balikat ko. napaupo ako. ang sakit ng likod ko. nakatulog pala ako?





"Tulog ka pagdating ko, kakatapos lang ng mallshow. Kailangan na natin umalis. Let's go." sabi nya habang inaayos ang hoodie nya. kinuha nya ang kanyang sunglasses at cap. sinuot nya ito at lumapit saakin.





may inabot syang hoodie at cap saakin. kinuha ko naman ito at sinuot. "Saan tayo pupunta? Pwede na ba akong umuwi?" hinanap ko ang bag ko ngunit wala ng gamit na natira dito.





"Yung bag ko?" tumingin lang sya sakin at pinatayo ako. "Nasa van na. Tara na." kumunot ang noo ko at magsasalita na sana para magprotesta ngunit hinila na nya ako palabas sa backstage.





bumungad saamin ang nakakabulag na flash ng mga camera at nakakarinding mga sigaw ng ibang fans. yumuko ako at sinubukang itago ang mukha ko.



"Sino sya bes?"

"Girlfriend? Hindi naman siguro, ang panget e."

"Baka ikaw yung panget bakla, tignan mo nga. Ang ganda o."

"Hindi naman sila bagay."

"Oo kasi tao sila, shunga."



nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami. nasa parking lot kami at sinasamahan kami ng mga security guards papunta sa sasakyan. naglakad lang ako at dun ko pa namalayan ang kamay naming dalawa.



namula ako at agad na bumitaw. napatingin naman sya sakin at sa kamay namin. umubo sya at ipinasok ang kanyang kamay sa bulsa ng pants nya.




pagdating sa sasakyan, pinauna nya akong pumasok. sumunod sya at nung okay na ang lahat, umandar ang sasakyan.




"Saan tayo pupunta?" nanatili ang poker face nya at sinagot ang tanong ko. "Kakain."
ipinasok naman nya ang kanyang earphones sa magkabilang tenga nya. napatango nalang ako at hindi na nagsalita pa.




mahaba-habang byahe to.


***



"Waah ang gara!" napanganga ako sa pagpasok namin sa restaurant. ang daming kumikinang at ang mga tao ay maarte na kumakain. mga mayayaman.







"Table reserved for Padilla." tumango naman ang waiter at pinakita samin ang daan papunta sa table namin. table for two lang to. kami lang ba dalawa kakain?






umubo ako. "ahem.. Tayong dalawa lang ba kakain?" tinignan nya lang ako na parang baliw. "Oo, may problema ba?"






lumingo nalang ako. napayuko ako nang makaramdam ako ng sakit ng ulo. nahihilo din ako. pinikit ko nalang ang mata ko at agad na tinignan si Daniel. hindi naman nya namalayan.





inexcuse ko ang sarili ko at sinabing pupunta ako sa cr. naligaw pa ako at nagtanong nalang sa isang waiter kung saan ang daan papunta don. ano ka ba Chandria?!





nanghilamos ako at tumingin sa salamin. muntik na akong mapamura nang maalala kong nasa van pala ang bag ko. naramdaman ko nanaman ang pagkahilo kaya sumandal ako sa may cubicle. bakit ngayon pa to mangyayari?




hinintay kong mawala ang pagkahilo ko bago lumabas sa banyo. pagkabalik ko naman, nakita kong may kausap si Daniel sa table namin. mas sumakit ang ulo ko kaya nagmadali ako papunta don.



"Uhm Sir, sorry. Kailangan ko na pong umalis." naramdaman kong nanghina ang tuhod ko. lord, wag naman ngayon please.





"Chandria? Okay ka lang?" bakas sa mga mata nya ang pag'aalala pero inalis ko ito sa isipan ko.



"O-oo Sir. Kailangan ko lang talaga umalis."



"Are you sure? ipapahatid kita kay manong." winagayway ko ang kamay ko para ipaalam sakanya na ayoko.



"Chandria-" yun na lamang ang narinig ko bago umitim ang paningin ko.



••

double update! it's startinggg!

I FellWhere stories live. Discover now