Nalukot ko ang notes ko sa sobrang inis sa sarili ko. BAKIT KO BA GINAWA YON?! Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at kiniss ko siya sa pisngi. Oo, ginawa ko yun. Huhuhu hindi ko na alam pano humarap sakanya pagkatapos ng ginawa ko kanina. Ayaw ko muna siyang makita! Pero wait.. Speaking of pagkikita...
PANO KO MALALAMAN KAILAN, SAAN AT KUNG PAANO AKO MAGSISIMULA NA MAGTRABAHO SAKANYA?! Puchanggallaks naman o.
Bzzzzt*
Unknown Number
Bukas. 1pm. MOA. - dpSpeaking of. Bukas? Ang bilis naman. 1pm? Mkay. Tsaka wait.. MOA? EH MALL YUN. ARTISTA SIYA. EH PANO KUNG MAY MAKAKAKITA SAMIN?! bahala na nga.
"Teka ano ba susuotin ko?" Agad kong binuksan ang sira-sira kong cabinet at hinablot lahat ng mga damit ko. "Nakakainiiiis!"
****
12am. Oo alas dose na, at HINDI PARIN AKO NAKAKAHANAP NG DAMIT NA SUSUOTIN KO BUKAS! hmm. Teka, di naman date yun. Trabaho. TRABAHO CHANDRIA UMAYOS KA!
"Ito na nga lang susuotin ko." Inilagay ko sa hanger yung puting dress na napili ko.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ayos! Clear. Walang pimples. Mukhang magiging okay ang pagsisimula ko ng trabaho bukas!
Salamat at makakatulog na ako! YES!
Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Wala kaming alarm clock kaya yan nalang muna.
Naligo ako at nagbihis ng uniporme. Weekdays parin no. May klase parin ka-
Bzzzt*
From: Devinee :*
Walang pasok ngayon bes! Kakasabi lang ng principal. Wag kana pumunta dito.Wala naman palang pasok. Edi matutulog muna ako. Pero nireplyan ko muna siya ng Thank you. Bestfriend ko yon. Ano ba naman gawin ko diba?
****
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napatayo agad ako at dali-daling nagbihis. 12:30 na po! Malelate na ako sa usapan namin. Huhu jusko yung trabaho ko tsaka yung gwapo-- este yung boss kong artista.
Natapos na akong magbihis at aayusin ko pa ang buhok ko. Teka, ano ba gagawin ko? Itatali ko ba? Ay hindi. Wala nang oras. Ilulugay ko nalang. Oo tama.
Nag-lalagay ako ng powder sa mukha nang may maramdaman akong mahapdi sa pisngi ko.
HALA! pimple ba to?
OMGGG OO NGA! BAKIT BA NGAYON PA AKO NAGKAPIMPLE. WALA NAMAN TO KANINA AH.
inabot ako ng ilang minuto sa paglalagay ng powder para lang hindi makita yung pimple ko, pero nasolusyunan ko nga yon, ang puti ko naman.
ANO BANG NANGYAYARI SA ARAW NA TO?! Joke lang pala yung sinabi kong magiging maganda ang araw na to.
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang basang towel. Hayaan ko na nga lang yan. Isa lang naman eh.
"Naaay! Alis na po ako!" Naabutan ko ang nanay kong nagluluto sa kusina. Nagugutom ako oo pero mamaya nalang ako kakain. Late na late na late na ako!
"Kumain ka muna anak. Nagmamadali ka ba?" Kumuha nalang ako ng tinapay sa lamesa. Ito na nga lang muna. "Ito nalang po nay. Late na po ako."
Jusko. Umulan pala kanina. Puro putik yung daan. Di bale. Mag-iingat na lang ako. Wala naman sigurong dadaan na kotse dito.
SUCCESS! Yan nalang masasabi ko nang ligtas at malinis akong nakasakay ng jeep papunta sa MOA. hays, mahaba habang paglalakad din yon. Ingat na ingat pa ako sa paglalakad ko.
Lumipas ang ilang minuto at alam niyo ba kung anong nangyari? SIKSIKAN NA HO KAMI SA JEEP. Ang daming pinapasakay ng driver eh wala na ngang space.
GUSOT NA GUSOT NA YUNG DAMIT KO. huhuhuhu nanay tulong.
"Para po manong!" Tumigil ang jeep kaya bumaba na ako. Alangan namang bumaba ako ng umaandar pa. Edi gumulong pa ako sa daan. Tanga ko naman kung ganon.
Ayun! Kitang kita ko na ang MOA. Trabaho koooooo, here we goooo-- SPLASH!
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! NANAAAAAAAY HUHUHU
------------------------------------------------------------------
