Rule 009

263 22 11
                                    

MGA PATAPON
Kwon Eli, Choi Minki and Hirai Momo

12:01PM

MOMO:
Ok ok wait

MOMO:
So basically, he wants you to help
him fit in?

ELI:
GANOON NA NGA

REN:
Bakit niya naman gugustuhin mag
fit in sa atin? He's obviously not in
our league

REN:
Not in a negative way ha. Gets niyo
naman 'di ba?

MOMO:
Siya 'yung nakakataas tapos tayo
ang aliping saguiguilid at aliping
namamahay ganoon ba

ELI:
GAGA HAHAHAHAHAHAHAHA

ELI:
Pero ayan din ang iniisip ko noong
una. Kaso pinaliwanag niya sa akin
ang sitwasyon nila ni Mr. Hong

ELI:
Nakakaawa rin pala si Pres. Gusto
niya lang naman maging normal na
estudyante for once kaso hindi niya
magawa dahil sa tatay niya

REN:
Sobrang taas siguro ng expectations
sa kaniya ni Mr. Hong. Buti na lang
pala hindi mahigpit ang parents ko

MOMO:
Shet, I'll never take my freedom for
granted again

MOMO:
Lulubusin ko pa ang pagpunta sa
canteen kahit class hours

REN:
Akala ko noon kapag mayaman at
makapangyarihan ka sagot na agad
lahat ng problema mo

ELI:
True. E parang mas problemado
pa ata sila kesa sa atin

ELI:
Ngayon lang ako naging thankful
sa pagiging pipitsugin ko

MOMO:
So magkaibigan na kayo ni Joshua?

MOMO:
PASABI ILAKAD AKO KAY WONWOO

ELI:
Hindi pa 'no

REN:
Sounds like friends to me

ELI:
Sabi ko naman sa inyo, I feel so low
kapag kausap ko siya (。ŏ﹏ŏ)

ELI:
At ano na lang ang iisipin ng mga tao
kapag nalaman nilang kaibigan niya
ako? Nakakahiya para sa kaniya 'yon

MOMO:
Hoy gaga bakit naman

ELI:
Duh, kasi bobo ako at laging mainit
sa mata ng mga teachers. Malayong
malayo sa kaniya na halos perpekto
sa lahat ng bagay

ELI:
Hindi ako worth it maging kaibigan
ng isang kagaya niya

REN:
Huwag ka nga mag-isip ng ganiyan.
Worth it ka okay?

REN:
At sa palagay mo ba lalapitan ka ni
Joshua para magpatulong kung 'yan
ang iniisip niya

ELI:
Lumapit lang naman siya sa akin
dahil sa detention na 'yan e

REN:
Hindi lang 'yan coincidence. Lahat
naman ng bagay may dahilan kaya
nangyayari

MOMO:
Iniisip mo pa rin ba ang nangyari
last year, Eli?

12:34PM

ELI:
:)

ELI:
Lagi naman e

REN:
Alam mong karamay mo kami 'di
ba? Makakaya natin 'tong tatlo

MOMO:
Tama! Tayo pa ba e mga masamang
damo tayo

ELI:
Thank you guys

ELI:
At tama kayo, kaya natin 'to

MOMO:
Magfocus ka na lang sa mga positive
sides ng pagkaka detention niyo

MOMO:
Una, pinahawak mo sa kaniya 'yung
bag na laman ang project natin kaya
hindi nasira. Pumasa pa tayo

ELI:
True

MOMO:
Pangalawa, magiging close kayo at
mailalakad mo na ako kay Wonwoo
sa wakas hehe

REN:
Wala ka na bang ibang bukambinig
kundi Wonwoo

MOMO:
HEH SELOS KA LANG

REN:
At bakit naman ako magseselos

ELI:
OK OK

ELI:
Pero paano ko ba kasi uumpisahan
'to? Anong sasabihin ko kay Pres?

REN:
Tell him to loosen up a bit. Ayan ang
una niyang dapat gawin

MOMO:
Oo nga, huwag siya kamong maging
pressured na sumunod lagi sa rules
at maging perpekto

MOMO:
The rest will come naturally. Sooner
or later maiintindihan niya rin lahat
ng bagay na nami-miss out niya

ELI:
Linawin ko lang ha

ELI:
Sinasabi niyong sabihin ko sa kaniya
na suwayin si Mr. Hong ganoon ba

REN:
Ganoon na nga hehe

ELI:
DAPAT TALAGA NAGLINIS NA LANG
AKO NG CAFETERIA

THE PRINCIPAL / joshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon