Rule 015

222 12 6
                                    

MGA PATAPON
Kwon Eli, Choi Minki and Hirai Momo

8:00PM

MOMO:
GRABE ANG GWAPO NI JOSHUA
SA ICON NIYA

REN:
Mas gwapo sa akin?

MOMO:
Syempre hindi hehe 'yung jokbal
ko boss ha

REN:
Wonwoo o ako muna

MOMO:
TINATANONG PA BA 'YAN

MOMO:
Syempre Wonwoo hehe

REN:
Wala kang jokbal manigas ka

ELI:
Hoy mga bading

ELI:
Akalain niyong never pala nagpalit
ng icon sa Clique si Pres?

MOMO:
Hah, samantalang si Ren araw-araw
ata nagpapalit

ELI:
AYAN DIN ANG SINABI KO

REN:
Kapag inggit, pikit

ELI:
Kaya ayon, kinuhanan ko siya ng
bagong icon at tinuruan ng tricks
sa paggamit ng Clique

MOMO:
Kaya naman pala may photoshoot
na naganap bigla

REN:
Unang kita ko pa lang sa pictures
ni Joshua alam ko nang ikaw ang
kumuha 'non

ELI:
Kasi maganda? (๑ơ ₃ ơ)

REN:
Pipitsugin

ELI:
WALANGHIYA KA

REN:
HAHAHAHAHAHAHA JOKE LANG

REN:
Saulo ko na kasi ang photography
style mo kaya alam ko agad

MOMO:
Sumali ka kaya sa school paper club?
Balita ko naghahanap sila ng bagong
photographer

MOMO:
Keri mo na 'yon, may incentives pa

ELI:
Hindi ako bagay sa mga ganiyan.
Mapapalibutan lang ako ng mga
matatalino doon

ELI:
Tsaka requirements nga sa klase
hindi ko magawa e, school paper
pa kaya (。ŏ_ŏ)

REN:
Matatawa sana ako pero same

ELI:
Pero alam niyo guys

ELI:
Tinawag niya akong kaibigan

MOMO:
Nino?

REN:
Ay baka si Jeonghan kasi ang topic
natin ngayon

MOMO:
BA'T BA LAGI MO AKONG INAAWAY
(。ŏ_ŏ)

ELI:
Crush ka niyan hindi ba halata

REN:
So tinawag kang kaibigan ni Joshua.
Anong issue?

MOMO:
Bilis maka change topic ah

ELI:
Gaya nga ng sinabi ko sa inyo, 'di
ako bagay na maging kaibigan ng
isang kagaya niya

MOMO:
At gaya nga ng sinabi namin sa'yo,
walang pakialam si Joshua sa mga
ganiyan kaya huwag kang nega!

REN:
Ang kulit mo rin e

ELI:
SORRY NAMAN KUNG SOBRANG
BABA NG SELF ESTEEM KO

ELI:
Nagpapaturo rin siya sa akin ng
mga pinagbabawal na technique

MOMO:
OMG

REN:
Ituro mo 'yung sa hotteok hahaha

MOMO:
Shet gusto ko pa naman sa lalaki
'yung bad boy

ELI:
Ayan si Ren oh kahit anong subject
tinutulugan n'yan

MOMO:
Bad boy nga

REN:
Pero teka, mainit ang mata sa'yo ni
Mr. Hong 'di ba? Baka pagalitan ka
na naman

ELI:
Sabi ni Pres aalis daw si Mr. Hong
ng isang buwan e

ELI:
Kaya daw gusto na niyang sulitin at
gawin ang mga bagay na hindi niya
pa nagagawa

MOMO:
OMG WEH

MOMO:
KAILANGAN 'TONG MALAMAN NG
LAHAT

REN:
Gago makakapaghikaw na ulit ako!

REN:
Kaso sayang ang mga na-confiscate
kong hikaw noon 'di na binalik gago

ELI:
Medyo kinakabahan pa rin ako sa
mga mangyayari

MOMO:
Lubus-lubosin mo na Eli, minsan
lang mawala si Mr. Hong

MOMO:
Ituro mo na kay Joshua ang mga
dapat ituro. Iparanas mo na ang
mga dapat iparanas

REN:
Don't be shy, dominate him

MOMO:
OMG REN HAHAHAHAHAHAHA

ELI:
BAKIT KO KAYO KAIBIGAN

THE PRINCIPAL / joshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon