Rule 020

223 17 0
                                    

JISOOS NO MORE
Choi Seungcheol, Yoon Jeonghan,
Hong Jisoo and 4 others

8:03AM

JEONGHAN:
Hoy Wonwoo

WONWOO:
Ano na naman

JEONGHAN:
Ano 'yung narinig kong tumunog
sa bag mo

WONWOO:
Libro ko 'yon tanga makinig ka na
lang sa reporter sa unahan

SOONYOUNG:
TULONG!!!!!!!!!!!!

SOONYOUNG:
I'M IN SHOCK I'M IN PAIN!!!!!!!!!!

JIHOON:
Ang sakit mo sa mata Soonyoung

SOONYOUNG:
PLEASE LANG JIHOONIE MAMAYA
MO NA AKO AWAYIN

SOONYOUNG:
NAWAWALA SI JOSHUA HYUNG!!!!

JEONGHAN:
Kumalma ka nga baka naman nasa
banyo lang 'yon

WONWOO:
It's unlikely for him to leave without
saying a word though

SOONYOUNG:
PAANO AKO KAKALMA E KAMING
DALAWA NA ANG NEXT REPORTER

SOONYOUNG:
Sabi niya ako lang ang maglilipat ng
slides!

JEONGHAN:
Ayos ka rin e 'no

JUNHUI:
Pwedeng next time kami naman ang
mag-partner? Hehe

SEUNGCHEOL:
Kung nasaang lupalop man si Joshua
gusto kong sumunod. Nakakatamad
ang subject na 'to

JOSHUA:
GUYS PAKIHANDA NG LAPTOP AT
PROJECTOR

JIHOON:
Pucha hyung right on time aatakihin
na ata sa puso si Soonyoung

JOSHUA:
Shit sorry talaga, nawala sa isip ko
'yung oras

JOSHUA:
Pabalik na ako!

SOONYOUNG:
KANINA PA NAKAHANDA HYUNG
IKAW NA LANG ANG HINIHINTAY
NG SANLIBUTAN

JEONGHAN:
Saan kaya galing 'yon

WONWOO:
Kakarating lang rin ni Eli oh. May
dala pang banana milk

JUNHUI:
Ayan na rin si Shua, ngumunguya
pa ata HAHAHA

JIHOON:
Halatang galing sa cafeteria ang
dalawang 'to amp

SEUNGCHEOL:
Halatang cutting e. Gago hindi man
lang nagsama

JUNHUI:
Ayan na umpisa na ng report nila
i-backstab na natin sila dali!

JIHOON:
Junhui. . .

JEONGHAN:
Nagmura at nagcutting sa isang araw
tapos kagabi nagyaya gumala. Grabe
seryoso ba talaga 'to

JUNHUI:
I told you, midlife crisis kahit hindi
pa midlife

SEUNGCHEOL:
Makinig ka na lang sa report Junhui

WONWOO:
I'm glad to see him finally living his
life though. Iba ang nagagawa ng
pagkawala ni Mr. Hong

WONWOO:
At sa wakas nakagala na rin tayo
nang kumpleto kasama ang tropa
nating juniors

JUNHUI:
Weh miss mo lang si Mingyu e

WONWOO:
Gago anong connect

SEUNGCHEOL:
Alam naman naming baklang-bakla
ka doon hahaha

WONWOO:
Baka siya kamo ang baklang-bakla
sa akin

JEONGHAN:
Hay nako pare-parehas lang kayo ano

JIHOON:
Iba rin ang nagagawa ni Eli e

SEUNGCHEOL:
Hardcore din ang isang 'yon. Tignan
niyo natutulog naman ngayon

JUNHUI:
Ang isang hindi mabuting ehemplo
kagaya niya ang babalanse sa boring
na buhay ng tropa natin

JUNHUI:
O diba meant to be. Wonwoo gawin
mong theme 'to para sa next play ng
drama club

JIHOON:
Don't bother, High School Musical 3
daw ang gagawin nila haha

SEUNGCHEOL:
Troy Bolton si Wonwoo? HAHAHAHA

JEONGHAN:
Gago kailangan ko 'tong masaksihan
HAHAHAHA

WONWOO:
Asa kayo. Direktor ako this year

JUNHUI:
Ano nga palang club si Shua?

JEONGHAN:
Wala. Busy 'yon sa SSG

JIHOON:
He seems interested in joining the
music club though. Ilang beses ko
siyang nahuli na sumisilip tuwing
may rehearsals kami

JIHOON:
Ilang beses ko na rin siyang inalok
na sumali sa amin pero lagi niyang
tinatanggihan

WONWOO:
What's stopping him?

SEUNGCHEOL:
Tinatanong pa ba 'yan e si Mr. Hong
lang naman ang dakilang kontrabida
sa buhay n'on

JEONGHAN:
Kaya sulitin natin ang isang buwan
na 'to para kay Joshua. Hindi ko na
kayang makita na malungkot 'yon

JUNHUI:
Nandiyan na rin naman si Eli para
iparanas sa kaniya ang mga bagay
na hindi niya pa nararanasan

WONWOO:
Let's just hope nothing goes wrong
this time

JIHOON:
You guys know na mababasa niya
'tong usapan mamaya 'di ba. . .

JEONGHAN:
Pero kasi may narinig talaga akong
tumunog sa bag ni Wonwoo e

JUNHUI:
Parang narinig ko rin hehe

SEUNGCHEOL:
Chichirya 'yan ano

WONWOO:
INYO NA MGA PATAY GUTOM

THE PRINCIPAL / joshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon