ㅡ
JOSHUA PLACED HIS PHONE DOWN. Lumingon siya sa pwesto ni Eli at nakitang naghahanda na itong lumabas. Pasimple siyang sumenyas kay Joshua na siya muna ang mauunang tumayo para hindi sila mahalata. Dahan-dahan namang umalis si Eli sa lamesa nila ni Momo, trying her best not to wake her up dahil mahimbing ang tulog nito.
Inilibot muna ni Joshua ang tingin niya sa kabuuan ng classroom nila. Wala ang subject teacher nila ngayon dahil may emergency meeting daw na naganap. Nag-iwan lang ito ng seatwork pero mukhang may kaniya-kaniyang ginagawa rin naman ang mga kaklase niya. Hindi naman siguro nila mapapansin 'di ba?
Also, his friends are busy playing UNO na hindi malaman ni Joshua kung paano nila naipuslit considering na bawal ito sa loob ng classroom. Rinig na rinig niya rin ang reklamo ni Junhui dahil dinadaya daw siya ni Jeonghan. Good, they're distracted.
ㅤ7:41AM
ELI:
Tara na!
ㅤPagkabasa ni Joshua sa chat ni Eli ay pasimple siyang tumayo bago pumunta sa pinto. Mukhang hindi naman napansin ng mga kaibigan niya dahil hindi siya pinigilan ng mga ito para magtanong. Pagkalabas niya ng classroom ay bumungad sa kaniya si Eli na ngiting-ngiti habang naghihintay sa may lockers.
That smile. It made Joshua feel at ease somehow.
"Ano Pres? Step one pa lang tayo kabado ka na agad d'yan," natatawang sabi ni Eli nang makita ang itsura ni Joshua na parang hindi mapakali. Joshua fixed his hair and uniform by reflex. "Malamang, first time ko lang 'to gagawin ano. Ikaw parang sanay na sanay na ah."
"Masanay ka na rin dahil kapag natikman mo ang first batch ng beef bulgogi ni Ms. Kim ay hindi ka na makakabalik pa sa dati!" sabi ni Eli bago nagsimulang maglakad. Joshua innocently followed her.
To be honest, his heartbeat is ringing to his ears. Syempre naman, unang beses niya lang kayang gagawin 'to. Sanay na siya kila Seungcheol na madalas din magcutting pero never in his entire life did he imagined doing it himself. Takot niya na lang kay Mr. Hong.
But this time, he's not around. Kakaiba ang nararamdaman ni Joshua ngayon. He felt so light the moment his dad stepped out of their house last night. Kaya naman kagabi, tinawagan niya kaagad ang mga kaibigan niya para lumabas. Ito ang pakiramdam ng kalayaan na matagal na niyang hindi naranasan.
And he's planning to make the most of it while it lasts.
"Teka, bakit d'yan tayo dadaan? Hindi ba mas mabilis kung doon sa kabila?" tanong ni Joshua kay Eli nang mapansin na nasa west wing na sila. Sa may classrooms ng Juniors. Dapat kanina pa sila lumiko kung gusto nilang mapabilis papunta sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
THE PRINCIPAL / joshua
Historia CortaThe principal, where's the principle? K-12 SERIES #3: JOSHUA THE PRINCIPAL ㅡa Hong Jisoo epistolary © 2019 SALTYPASTRY