Rule 012

257 20 11
                                    

4:45 PM

ELI:
Wala kang kahit isang post? Wow

ELI:
Samantalang ako parang pinost ko
na buong talambuhay ko sa Clique

JOSHUA:
Nagre-react ako at nagre-reply sa
posts ng mga kaibigan ko minsan
if that's counted

ELI:
Hindi 'yon counted (。ŏ_ŏ)

ELI:
Bakit kasi hindi ka nagpopost kahit
kaunti? Magandang outlet kaya ng
thoughts ang Clique

JOSHUA:
Messenger lang talaga ang habol ko
dito gawa ng tropahan ko. Minsan
ko lang binubuksan 'yung app

JOSHUA:
I don't have time for such things

ELI:
Well, ngayon dapat magkaroon ka
na ng time

ELI:
Halos lahat kaya ng estudyante sa
GMA ay gumagamit ng Clique. It's
a great tool para magfit in gaya ng
gusto mong mangyari

ELI:
Tsaka para hindi ka rin mahuli sa
mga balita at chismis sa school

JOSHUA:
Sabagay

ELI:
Sabi sa akin nila Momo, you need to
loosen up. Ito ang pinakamadaling
paraan na naisip ko

ELI:
Ang magbabad sa social media kahit
tambak ang school works! Ayan ata
ang pinaka natural na ginagawa ng
lahat ng estudyante

ELI:
Baby steps lang tayo Pres

JOSHUA:
Ano namang ipo-post ko?

ELI:
Kahit ano lang! 'Wag mo pag-isipan
masyado

ELI:
Palitan mo rin kaya 'yung icon mo?
Kailan ka ba huling nagpalit?

JOSHUA:
Ayan na ang icon ko ever since I
created my account

ELI:
SERYOSO KA BA

ELI:
Samantalang si Ren araw-araw ata
nagpapalit ng icon!

JOSHUA
Hindi ko magets kung anong point
ng pagpapalit ng icon regularly

JOSHUA:
Ang purpose lang naman ng icon ay
para malaman na ikaw ang may ari
ng account. Wala namang nagbago
sa mukha ko

ELI:
Tapos 'yung username mo. . .

JOSHUA:
May mali ba? Full name ko lang 'yon
at birthdate ah

ELI:
Pucha this is a lot harder than I
expected (。ŏ_ŏ)

ELI:
Auditorium, ngayon na

JOSHUA:
Ha?

ELI:
Uwian na naman 'di ba? Magkita
tayo sa auditorium

ELI:
Hindi ako papayag na matapos ang
araw na wala kang bagong icon!

JOSHUA:
Sigurado ka bang kailangan 'yan?

ELI:
Itakas mo na rin pala ang DSLR
ni Wonwoo!

ELI:
UNA NA AKO BYE

JOSHUA:
Good grief

THE PRINCIPAL / joshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon