Rule 003

450 32 29
                                    

MGA PATAPON
Kwon Eli, Choi Minki and Hirai Momo

6:01PM

ELI:
Nasaan kayo mga hampaslupa?

ELI:
ITAGO NIYO AKO

MOMO:
Nasaan ka ba gagita

REN:
Nandito kami sa Mcdo malapit sa
school

ELI:
OTW NA

ELI:
Kakagaling ko lang ng detention

MOMO:
Why am I not surprised

REN:
E bakit ka namin kailangan itago?
Ano na namang kalokohan ang
ginawa mo

ELI:
Bale ano, na-detention rin si Pres
dahil sa akin hehe

ELI:
BAKA MAMAYA BALIKAN AKO

MOMO:
WHAT

REN:
Tanga ka talaga kahit kailan Eli.
Never pa na-detention ang isang
'yon!

ELI:
Kaya nga nagtatago ako 'di ba?

MOMO:
Hindi ka aanuhin n'on gaga. Hindi
nga makabasag pinggan 'yon

MOMO:
'Yung mga kaibigan niya pwede pa.
Sa kanila ka magtago

ELI:
Salamat ah :D

MOMO:
Aba pero kung si Wonwoo lang din
naman ang maghahabol sa akin
magpapahuli na ako hehe

REN:
'Yan ka na naman sa kaka-Wonwoo
mo e wala ngang pakialam 'yon sa
mundo

ELI:
True ka d'yan sis. Sa drama club
lang 'yon may pake

REN:
Sa drama club kung saan na-reject
si Momo HAHAHAHA

MOMO:
TSE MAY SOONYOUNG AT DANCE
TROUPE PA NAMAN

MOMO:
Bakit ko ba kayo kaibigan

ELI:
PERO KASI NAMAN GUYS

ELI:
Back to the main character aka me

REN:
Nasaan ka na ba kasi

ELI:
Naglalakad pa rin ako Choi Minki
huwag kang excited

ELI:
So ayon nga, maghapon ko nang
iniwasan si Joshua at hindi ko na
'to kayang ipagpatuloy pa bukas

MOMO:
HINDI KA NGA AANUHIN N'ON

REN:
Start with the obvious. Mag-sorry
ka at ipakita mong sincere ka

MOMO:
Tama lalo na kung gusto mo pang
mauto siya ulit na huwag na ilista
ang mga tardy mo in the future

ELI:
E kasi naman nahihiya talaga ako
kausapin 'yon kahit sa klase

REN:
May hiya ka pa pala HAHAHAHA

ELI:
SERYOSO AKO

ELI:
Tignan mo naman si Pres, ang ayos
ng itsura palagi tapos mukha pang
respetadong tao

ELI:
Tapos tignan mo naman tayo, parang
pipitsugin na walang patutunguhan
sa buhay

REN:
Gago ka dinamay mo pa kami

MOMO:
KAKAUSAPIN MO LANG NAMAN ELI
MY DUDE HINDI MO LILIGAWAN

MOMO:
Atsaka ano naman kung ganito lang
tayo? Pare-parehas lang naman tayo
ng binabayad na tuition fee ah kaya
pantay lang hmp

REN:
Nagbabayad rin ba si Joshua?

MOMO:
Huy shady

ELI:
HINDI NIYO AKO NAIINTINDIHAN

ELI:
I feel so unprivileged kapag kausap
siya you know

MOMO:
Mukha mo

REN:
E ano nga ba ulit ang nangyari

ELI:
Bale hinabol ako ng guard kasi wala
akong ID. Alam niyo namang favorite
ako n'on. Sa kakatakbo ko natanggal
sintas ng sapatos ko

ELI:
Kaya pinahawak ko muna kay Pres
'yung bag na laman ang project natin.
Alangan namang ilapag ko lang basta
e pinaghirapan natin 'yon

ELI:
Tapos ayon, nakita kami ni Ms. Son.
Akala late din siya kasi may bitbit na
bag. Boom detention

REN:
Peak katangahan talaga e 'no

MOMO:
Peak Eli culture

6:06PM

ELI:
NANDITO NA AKO SA MCDO GUYS

ELI:
Hoy bakit wala naman kayo dito?

REN:
2nd floor kami

MOMO:
HOY REN ANG TANGA MO HAHAHA
NASA JOLLIBEE KASI TAYO

REN:
Ay puta oo nga 'no

ELI:
MGA TARANTADO PINAGLAKAD
NIYO PA AKO

ELI:
NASA KABILANG DULO PA 'YUNG
JOLLIBEE

REN:
Exercise 'yan tutal lagi ka naman
nakaupo sa detention room

MOMO:
Pag-isipan mo na rin 'yung mga
sasabihin mo kay Joshua otw hehe

ELI:
ANAK NG TOKWA TALAGA KAYONG
DALAWA

Ren + Momo, weird combination but their personalities are a perfect match (♡˙︶˙♡)

THE PRINCIPAL / joshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon