«♢»☆«♢»☆«♢»☆«♢»
"Hi ano ang pangalan mo?" Tanong ko doon sa babae. Ang ganda niya kasi eh cute pa. Parang ako cute dahil sa tingin ko mag kasing edad lang kami. Saka mukang bago lang siya dito sa amin.
"What?" Tugon niya sakin na parang hindi ako naiintindihan. "Sorry I'm just new here." Pahabol niya buti na lang tinuruan din akong mag salita ng english ng mga magulang ko kaya marunong din ako english kasi sa itsura palang niya alam nang hindi ito sanay sa tagalog.
"Can we be friends?, my name is Viviane what is your name?" Pag mumungkahi ko sa kanya."Really you want to be friends with me?!" Wika niya sa akin na may halong pagtataka na tila nagulat siya sa sinabi ko.
"Yes I want to be friends with you is there a problem?" Mukang ayaw yata niyang makipag kaibigan.
"No, Its just I never had a friend before. My name is Alexia and I can be your friend." Masayang tugon niya sa akin.
At ilang araw matapos noong tagpong iyon mas nakilala ko siya at mas nakilala niya din ako. Hanggang sa maging matalik na magkaibigan kaming dalawa. Tapos ang ikinatuwa ko pa ay doon ako ipapasok ng mga magulang ko sa school kung saan din mag-aaral si Alexia.
Kaya mas lalo pang umigting ang aming pagkakaibigan noong mga panahong iyon. Kahit na mayaman siya hindi siya yung maarte at mayabang na tao. Sabagay galing din naman ako sa mayaman na pamilya
«♣»☆★☆★☆★☆★☆★«♣»
"Anak...anak ok lang po kayo?" Iyan ang narinig ko nang nagkamalay ako. Nasa hospital ako ngayon, hindi ko gaano maalala ang nangyari.
"Mommy si Alexia kamusta siya?" tanong ko kay Mommy pero hindi siya agad sumasagot.
"Um...anak hindi parin natatagpuan ang kaibigan mo." nagulat ako sa sinabi ni Mommy dahil base sa na aalala ko si Alexia ang nagligtas sa akin. May sasabihin sana siya sa akin noon nang biglang nangyari ang pagsabog.
"Alexia...nasan ka na akin kaibigan ano ba ang sasabihin mo sa akin noon mga panahong iyon?" bigla namang dumating ang pulis, narecover nila ang bag ni Alexia. Ito na lang ang nahanap nila pero ano ang maitutolong nito sa akin? Bag lang niya iyon.
Matapos ang ilang araw sa ospital naka uwi na rin ako at habang nasa kuwarto ako napatingin ako sa kaniyang bag. Napag isip-isip ko na tignan ang laman niyon. Since pinayagan ng pulis na iuwi ko ang bag minabuti ko na ding inspeksyunin ito. Isang weird na libro ang nakita ko dito,para itong libro na makikita sa mga movies. May letter A sa gitna nang libro pero di ko ito mabuksan dahil naka-lock kasi ito.
Bukod sa libro may iba pang laman ang bag, pero ang weird na libro ang naka kuha ng atensyon ko. Tila ba may clue itong laman, dahil napansin ko na may nakasingit na papel sa libro. Kagaya nga nang sabi ko naka-lock o may lock ang libro,kaya hindi ko makuha ang papel.
Naalala ko na si Alexia ay may susing kwintas na actual na susi yung nasa kwintas. Naalala ko din na may letter A ang susi sa kwintas niyang iyon. Baka iyon na ang susing hinahanap ko,sinabi din naman ni Alexia na may espesyal sa kwintas niya. Pero hindi naman niya suot iyon nang mangyari ang insidenteng iyon. Kailangan kong mahanap ang susi.
♦•♦•♦•♦•♦
"Saan ko kaya matatagpuan ang key necklace na iyon?"
BINABASA MO ANG
The Secrets Of Alexia
Mystery / ThrillerThis story is about sa dalawang mag best friend. Ang isa sa kanila ay nag ngangalang Alexia. Isang araw nang ipag tatapat na ni Alexia sa kaniyang best friend ang sikreto niya. Bigla siyang naglaho may kutob ang best friend niya na may mga tao sangk...