Viviane
♥•♠•♥•♠•♥•♠•♥Naan dito na ako ngayon sa classroom. Naging usap-usapan ngayon yung nangyari kakaiba kanina at ang pagiging scaredy cat ni Terry sa bayod. Nakaka pagtaka nga kung sino ang pumatay sa mga hayop na iyon. Pero papaano niya napapunta lahat ang mga hayop na iyon sa campus at papaano niya nabuksan ang gate.
Lima ang kandado ng only gate papasok ng campus at kada susi noon ay nasa limang guard. Yung isa sa mga guard na iyon ay kapitbahay namin. Kabubukas palang daw nilang lima ng gate ay tumambad na sa kanila ang mga patay na hayop.
"Hi Vivs."
"Clarus...h-h..e-e-e...llo...w." this is very weird. Weird na nga siya,pero mas weird na nabatiin niya ako ng hi. May time talaga na sobra ang pagiging weird niya.
"Ok ka lang ba? Bakit para kang nakakita ng multo."
"Kasi....eh...ano yung....hindi lang ako sanay na binabati mo ako."
"Ah yoon ba,pasenya na ah. Sorry na din."
Anong nangyari sa kanya nabasbasan ba siya ng holy water,kaya siya nagkakaganyan. Very unusual na may kausapin siya. Siya kasi ay iniiwasan ng lahat at nagsasalita siya ng mag-isa.
"Hi would you like to go on a date?"
"Yes I would love to."
Well back to normal na naman siya,kaya ok na uli ang lahat. Kinakausan na naman niya ang sarili niya. Habang nagsusulat sa diary niya,diary nga ba yoon o nagsusulat siya ng story?
"Um...Clarus ano ba yan?" baka kailangan lang niya ng tunay na taong makakausap.
"Eto ba? Um..."
Bigla na lang siya lumapit sa akin at may ibinulong.
"Dito ko sinusulat lahat nangyayari sa amin ng crush ko. Para na siya story ngayon,story naming dalawa."
So yoon pala naman eh. Si crush ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Ang love talaga nakakabaliw.
"Sino ba yung boy?"
"My dear Kain."
"Sino?" sino kaya itong Kain na ito wala namang istudyante na may pangalang Kain.
"Si Kain."
BINABASA MO ANG
The Secrets Of Alexia
Mystery / ThrillerThis story is about sa dalawang mag best friend. Ang isa sa kanila ay nag ngangalang Alexia. Isang araw nang ipag tatapat na ni Alexia sa kaniyang best friend ang sikreto niya. Bigla siyang naglaho may kutob ang best friend niya na may mga tao sangk...