Kabanata 3

567 27 13
                                    


"Naniniwala kaba sa muling pagkakatawang-tao?"

"Hindi."

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil pagnamatay na tayo hindi na tayo mabubuhay pa."

"Paano kung mabuhay tayong muli?Maniniwala ka na ba?"

"Hindi parin"

"Bakit naman?"

"Dahil hindi pa naman nangyayari ang sinasabi mo."

"Wag kang mag-alala manyayari rin 'yun."

"Bakit mamamatay na ba tayo?"

"Hindi pa naman. Gusto ko lang malaman kung maniniwala kaba o hindi."

"Bakit naman?"

"Para alam ko kung gugustuhin ko pa bang bumalik sa oras na mamatay na ako."

"Babalikan mo ako?"

"Oo naman. Basta ipapangako mong hihintayin mo ako."

"Paano kung hindi magkatotoo ang sinasabi mo?"

"Wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan basta hintayin mo lang ako."

"Sige na nga, hihintayin kita. Basta siguraduhin mong darating ka."

"Oo naman. Pangako iyan."

"Maligayang pagbabalik, Apo."Anang matandang boses na sumingit sa panaginip ko dahilan para magmulat ako ng aking mga mata. Bumangon ako sa pagkakahiga at sinapo ang aking noo. Haist! Pati ba naman sa panaginip ko e gino-good time parin ako ni Lolo. Sinabi ng kahapon pa ako dumating e. "Mag-iingat ka. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Wika pa niya sa isip ko. Marahan na lang akong napailing. Si lolo talaga hindi ako tinatantanan. Muling nagflash sa isip ko ang mga imahe sa aking panaginip. Malabo man ang mga ito, alam kung isang babae at lalaki ang nag-uusap. At ang kanilang pinag-uusapan ay ang tungkol sa muling pagkakatawang tao na hindi ko naman pinaniniwalaan.

Sino kaya yung dalawang taong yun at napanaginipan ko sila?

Tss. Nevermind!

Inayos ko na lang ang pagkakatali ng mahaba kong buhok bago tumayo, pero bigla rin akong napaupo sa higaan ng may humawak sa aking pulsuan.

"Sandali Seniorita, hindi ka pa maaring tumayo." Pigil sa akin ng isang babaeng hindi pamilyar sa akin ang mukha. Siguro isa siya sa mga bagong katulong dito sa Mansion. Napansin ko ring nakasuot siya ng kupas na baro't saya katulad ng mga lumang damit noong 19th century na nakita ko sa pinuntahan kong Museum noon.

"Sino ka? At bakit ganyan ang suot mo? Sa pagkakaalam ko September na ngayon at tapos na ang buwan ng wika." Kunot noo kong sabi habang pinagmamasdan ang kanyang magandang mukha. Nai-insecure tuloy ako sa ganda niya.

"Ako po si Mercedes, Seniorita. Ang bago ninyong tagapagsilbi." Magalang na pagpapakilala nito. "Ganito po ang suot ko sapagkat mahirap lang po kami. At saka, ano po ang buwan ng wika?" Naguguluhang tanong nito.

Napa face palm na lang tuloy ako. Saan bang lupalop nangaling ang babaeng ito at hindi niya alam ang buwan ng wika?

"Mercedes, imposibleng hindi mo alam ang buwan ng wika. Ilang beses kaya itong binabanggit ng mga guro sa paaralan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto." Sabay flip ko ng hair ko.

"Ipagpaumanhin po ninyo Seniorita subalit hindi po ako nakapag-aral sapagkat ang mga mayayaman at makapangyarihang tao katulad ninyo ang may kakayanan lamang makapag-aral sa panahong ito."

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko. Medyo hindi ko kasi gets ang mga sinabi niya sa lalim ng kanyang pagsasalita.

"Ang ibig ko pong sabihin ay wala pong karapatan kaming mga indio na makapag-aral."

The Picture Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon