Kabanata 5

637 28 14
                                    

'Saksi ang liwanag na hatid ng buwan sa ating walang hanggang pagmamahalan'

Kung nakamamatay lang ang labis na pagtinggin, sigurado akong kanina pa ako bumulagta sa lupa. Pero hindi e, buhay pa rin ako. Buhay na buhay at humihiling na sana ay bumuka ang lupa at kainin ako ng buo upang matakasan ang nakakatunaw na tinggin sa akin ng gwapong lalaki na diretsyo pa ring nakatunghay sa akin. May kung ano itong sinasabi na hindi ko marinig dahil ayaw itong iproseso ng aking isip dulot ng mabagal na pagtakbo ng oras.

Kaya naman palihim kong inilagay ang aking kaliwang kamay sa aking dibdib. Sabi kasi ni lolo noon, 'Kapag naramdaman mong tumigil ang takbo ng oras, pakiramdaman mo lang ang pagtibok ng iyong puso at malalaman mo kung ano ang dahilan.' At tama nga siya, dahil sa mga oras na ito, tangging ang nakabibinging pagtibok lamang ng aking puso ang s'yang musikang paulit-ulit kong naririnig habang nakikipagpalitan ng tinggin sa kanya.

Bakit?

Bakit ganito ang aking nararamdaman?

Pamilyar, ngunit hindi ko pa naman nararanasan sa loob ng mahigit dalawampu't isang taon na pag-e-exist ko sa mundo. Nagkaroon naman ako ng mga crushes noon, pero hindi dumating sa puntong ganito kabilis ang pagtibok ng aking puso na parang gustong kumawala sa aking dibdib.

Tangging ngayon lang.

Ngayon habang pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata na nagsasabing huwag kong puputulin ang pagtitinginang ito, at ang kanyang prensensyang dulot sa akin ay kakaibang ligaya na nabuo sa kailaliman ng aking puso na hindi ko alam kung bakit nag-uumapaw at wala akong mapagsidlan.

Ito ang unang beses na nagtagpo ang aming mga landas, ang unang beses na siya'y aking nasilayan, hindi sa modernong panahon kundi sa nakaraan. Pero bakit pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala at konektado sa isa't-isa?

May kung ano rin sa aking sarili na nagsasabing alam ko kung ano ang kakaibang pakiramdam na ito, subalit ayaw itong tanggapin ng aking isip kahit isinisigaw na ito ng aking puso.

Tinggin ko ay may gustong ipahiwatig ang tadhana, ngunit hindi ko mapagtanto kung ano ito. Ang alam ko lang, komportable akong pinagmamasdan siya, ang kanyang perpektong mukha na hindi ko alam kung saan ko nga ba nakita.

"Ayos ka lang ba, Binibini?" Nag-aalalang tanong ng gwapong lalaki na pumukaw sa lumilipad kong isip. Humakbang pa ito palapit sa kinatatayuan ko na nagpaatras sa akin ng bahagya.

"A-e, Oo. A-yos lang a-ako." Tugon ko na nagpahinto sa kanya. Nakita kong tumango tango ito na parang kumbinsido sa aking sagot bago bumaling kay Mercedes. Buti na lang talaga natabunan ng nagulo kong buhok ang aking mukha mula sa pagkakabunggo namin ni Sandoval kanina, dahil kung hindi, nakatitiyak akong kanina pa niya nakita ang mukha kong kasing kulay na ng kamatis sa sobrang pula.

Paano ba naman kasi ay hindi ko parin mapigilan ang aking sarili na hangaan siya sa ilalim ng buwan. Tunay ngang hindi maitatago ng dilim ang kagandahan ng isang bagay sapagkat nangingibabaw pa rin ang kanyang kagwapuhan at kakisigan. Dumagdag pa ang unipormeng kanyang suot at ang dami ng medalyang kumikinang kinang na nakasabit sa kanyang dibdib, mas marami sa medalyang meron si Sandoval.

Naks! Ang lakas niyang makakain ng insecurities!

Kung nasa modernong panahon lang siguro siya, nakatitiyak akong nagkukumahog na ang mga kababaihan mapansin niya lamang.

"Maaari mo bang ipaliwanag ang kaguluhang nangyayari rito, Mercedes?" Tanong nito kay Mercedes.

Teka...magkakilala pala sila ni Mercedes?

Kung sabagay, malayang nakikihakubilo si Mercedes sa mga tao sa bayang ito kung kaya't hindi na nakapagtataka. Hindi naman siya katulad ko na tanging pamilya Abainza lamang ang nakakaalam ng existence ko. Ay mali! Hindi rin pala alam ng aking mga ninuno ang totoo kong pagkatao, na ako ang kanilang pinakamagandang apo na ipinanganak sa modernong panahon at sa kasamaang palad ay napunta sa nakaraan at nagpanggap bilang Ezperanza ng taong 1870.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Picture Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon