@TheCatWhoDoesntMeow

4.7K 55 75
                                    

Stories written by an amazing author, TheCatWhoDoesntMeow 😻

(The following stories are EPISTOLARY novels/series about a 'barkada' called TROLLS 😂 You'll love them!)

1a. Invisible Girl
1b. Invisible Girl (Extra Days)
1c. Invisible Girl: Days to Remember (Day Book)

2a. Goodbye Girl
2b. Goodbye Girl: Days to Forget (Day Book)

3a. Fallback Girl
3b. Fallback Girl (Extra Days)
3c. Fallback Girl: Days to Fall (Day Book)

4a. Girl of Never
4b. Girl of Never: Days to Love (Day Book)

Pare-pareho lang ang comment ko sa mga stories na ito. Lahat kasi nagustuhan ko ng husto. Nung una, nanibago ako kasi chat ang format pero 'di nagtagal napansin ko, kinikilig na pala ako. Na-hook ako bes!

Hanggang sa minsan, wait, madalas na iniimagine ko na ako ang may ka-chat. Na ako yung ka-chat nila. Na ako yung palihim na nagkakagusto kay Marcus-honey (Invisible Girl). Na ako yung naghahabol noon kay Ashton-mylove pero beast mode at maldita na ngayon (Goodbye Girl). Na ako yung unti-unting nahuhulog kay Jeric-darling kahit di naman dapat (Fallback Girl). Na ako yung nangungulit at para-paraan para mabihag si Harry-baby (Girl of Never).

Kung gusto niyo ng #superkelegs (mage-gets niyo ako kung nabasa niyo na 'to 😉), ito talaga yun! Nakakaenjoy basahin. Matatawa ka. Kikiligin (kailangan talaga paulit-ulit). Masasaktan at maiinis at some point. Pero sa huli? Happy pa rin at siyempre #KELEGS! Hahaha.

Mabibitin ka in a good way. Kasi parang ayaw mo tumigil. Ako kasi nung natapos ko, parang di ko kaya maglet go! Minahal ko sila ng husto e! Kaya hanggang ngayon, binabasa-basa ko pa rin lalo na pag gusto kong kiligin or pag malungkot ako para naman gumaan ang mood ko. 💕

May iba pang stories ang napakagaling na author na ito at puro magaganda rin (ang mga nilagay ko lang ay completed at nabasa ko na) :

5. The Hate List

6. Love is Dead

7. The Late Bloomer - Today, March 13, 2018, nire-read ko ang story na ito. Pangalawang beses ko nang natapos ito, pero yung tawa sa bawat kainosentehan, banat, ka-slow-an at kaprangkahan ni Tonya, ganun pa rin. Grabe pa rin. Yung kilig sa moments nila ni Grey, matindi pa rin. Ganun pa rin yung inis sa mga kontrabida gaya nina Carina at bruhang ina ni Grey. Umiyak pa rin ako sa mga linya nung Mama ni Tonya (sa bandang last chapters). Naawa pa rin ako kay Noreen. Natawa sa kalandian ni Grey. Ahhhh! Lahat na!!! Hindi kumupas! I loved them before and I still love them now! 💘

8a. String-Knitted Heart
8b. String-Knitted Heart 2

9. Kiss You (Candy Stories #01) - I loved Iya's devotion and determination. I wish I have a talent like hers. And I also loved Jacob's patience. Compatible talaga sila.

10. Secretly (Candy Stories #02) - I loved Yanyan's strong personality and her soft heart at the same time. She is selfless. She is strong, smart and independent but she is also fragile. She has her own weaknesses. At doon pumasok si Jepoy. My gahd. I love Jepoy! My favorite boy sa compound! He knows what's best for her and does everything good for her. Sana ako na lang ang misis niya! 💖

11. Clueless (Candy Stories #03) - Sa lahat ng babae sa compound, si Mimi ang may pinakamaraming similarities sa akin. Kpop and Wattpad lover. Chubby. Ganern. Pero hindi ako kasing inosente niya. Hindi rin ako kasing cute niya 😂 Pero sana, magkaroon din ako ng Warren. Yung kasama kong tatakbo sa umaga at magbibigay ng cakes o magluluto para sa akin. Yung didiskarte kahit patago basta mabakuran lang ako. Hayyyy... nililito ako ni Warren :( kay Jepoy ako e! Huehue

12. TOTGA (Candy Stories #04) - recently completed. GRABE SI PARENG AYBAN MGA BES! Nakakainlove siya 😭 nakaka-inlove siya no'ng suplado siya, pero mas nakaka-inlove no'ng super sweet at clingy na!!! #MakalaglagPuso 💖 Tapos ang haba ng hair ni Pfi, nakakainggit! Grabe yung effort ni Ivan sa panliligaw e 😭😍 (oops, spoiler na naman ✌). Kung nilito ako ni Warren, parang ninakaw naman ako ni Ivan! Grabe grabe siya 💘

Lahat 'to ay light lang ang drama kaya bet ko lahat. At isa pa, ang author ng mga 'to ay AWESOME kaya ano pa bang aasahan?

Awesome author = Awesome stories 💘

Lahat may kilig feels. Lahat may aral. Lahat mapapasaya ka 😘

Reader's Corner (Best Wattpad Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon