MEMA

1.5K 13 7
                                    

Dear readers,

Una sa lahat, ang letter na ito ay para sa LAHAT ng nagbabasa dito sa wattpad.

Nauuso ngayon ang pag-aaway sa mga comment box ng mga stories. Dahil daw ito sa panggagaya kuno ng pangalan ng characters, ng lines, ng description, ng age, at iba pa. Pero tama kaya 'yon? Isang malaking HINDI.

Maaaring may iba na nanggagaya talaga, at masama naman talaga iyon. Pero may iba naman na COINCIDENCE lang. At pwede ring, yun kasi ang naisip nung author so anong paki natin do'n? Nakikibasa na nga lang tayo, magrereklamo pa? Aba matinde.

For example, ang daming may pangalang Jacob sa totoong buhay. Kaya malamang, sa wattpad, ganun din. Pero di ibig sabihin no'n na may nanggaya na. Tapos, yung simpleng lines na "i love you" at i missed you", kapag naulit, nanggaya na rin? Aba matinde. Napaka-generic na nga ng mga salitang yon e! Kainis. Ano bang gusto niyo? Ibahin ang spelling? Parang "i lhubv y0u, bhabesxz" ganon? Wow. Siguro nakaka-kilig nga kapag ganon ano po? 😒

Mga kapwa ko mambabasa dito sa wattpad, kung wala tayong sasabihing maganda o inspiring, kung gagalitin o pasasamain lang natin ang loob ng author ng binabasa nating story, HUWAG NA LANG TAYO MAG-COMMENT! SHUT UP NA LANG POTAYO. Manatiling tahimik na lang sa pagbasa kaysa away awayin ang author o pagbintangang ginaya niya si ano o si gan'to.

Marami akong idolo sa pagsulat dito. Katulad nina jonaxx, TheCatWhoDoesntMeow, kissmyredlips, greenwriter, xxakanexx, JhingBautista, Serialsleeper, at napakarami pang iba! Halos lahat ng stories nila, nabasa ko na. May ibang pareho ng names at lines (na hindi naman talaga nawawala sa story like i love you ganun), pero kahit kailan, di ko naisip na may nanggaya sa ganito o ganiyan. At lalong hinding hindi ako makocomment sa story nila na may ginaya sila. HELLO??? Bawat isa sa kanila, matalino at malikhain! Hindi nila kailangang manggaya! Kaya bakit nila gagawin yon?

Nakakainis lang na sumasama loob ng ibang authors dahil sa mga insensitive "fans" o readers. Hindi naman natin sila pinapasweldo kaya wala tayong karapatan na paratangan sila ng kung anu-ano. Nakakalungkot. At nakakatakot, kasi baka hindi na sila sumulat dito kapag lumala pa yung pambabash ng mga readers na hindi naman tama.

Again, maging CONSIDERATE naman tayo sa feelings ng authors! Tao din sila, may nararamdaman din. Kung walang magandang sasabihin, SHUT UP NA LANG PO.

Maraming salamat sa pagbabasa mga, bes!




P.S. Hindi ako perpekto. Baka naman ma-bash rin ako? Wag naman. Di naman ako sikat para ma-bash 'no.

Reader's Corner (Best Wattpad Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon