@JhingBautista

2.5K 17 25
                                    

Stories written by another great author JhingBautista 👏

Marami na siyang naisulat na stories na tinangkilik talaga ng napakarami. Magaganda kasi. Mula sa one-shots, short stories hanggang sa novels at series.

Pero dahil nga marami, di ko na mailalagay lahat. Ang inilagay ko na lang ay yung mga paborito ko:

1. The Misadventures of Finding Mr. Right - Diary type ito. Stand-alone. (Pati yung TMOFMR 2)

2. The Misadventures of Finding Mr. Right 2 - Hindi ito part 2 nung nauna. Hindi sila related sa isa't isa. Ang pagkakapareho lang ay yung mismong diary at siyempre yung part na paghahanap ng lovelife 😂

3. Mi Primer Amor - Kelvin and Celine

4. The Artist - Cyrus and Lena (she's Kelvin and Celine's daughter)

5. The Second Time Around (The Starving Squad #1) - Una 'to sa series ng magkakaibigan na sina Fresia, Aika, Mona at Brandi. Yung tatlo pa lang ang tapos na. Kaya yun na lang muna ang nilagay ko. On-going pa yung kay Brandi.

6. Write Me A Heartache (The Starving Squad #2) - sa mga mahilig sa KDrama (tulad ko!!!) makakarelate kayo rito at masasabi niyo rin siguro na, "Pahingi naman ng isang Mickey. Yung sasamahan ka sa panunuod ng series na gusto mo at sasamahan kang abangan yung susunod na episode." 😭

7. The Way To His Heart (The Starving Squad #3) - Ito na yung kay Mona! Ang pinakamabait sa apat. Pinakamagaling magluto/magbake. At pinaka-mabigat... magmahal. 😘

8. Music and Lyrics - collection ito ng one-shots na batay sa mga kanta. Puro magaganda! Promise!

9. 13th of February - sa lahat ng one-shots ni Ate Jhing, ito ang favorite ko talaga. Nakakaantig-puso.

10. Karmic Hearts (book version) - (fantasy) Lately ko lang nabasa kaya ngayon ko lang nailagay. May sequel ito, yung "Remembering Cupid," on-going pa lang po. Pero kung ang babasahin niyo ay yung wattpad version, baka di niyo ma-gets yung sequel. Sa book na 'to, napatunayan ko na hindi kailangang may kiss at hug para lang masabi mong mahal mo siya o para lang kiligin ka. Nasa effort yun, besh! Pati rin sa kung paano mo siya pinakaiingatan at pinahahalagahan.

11. The Misadventures of Finding Mr. Right 3 (Ylona) - Ito yung story na hindi mo pagsasawaan. Kasi makakarelate ka. Bawat pagkailang, pagkakilig, pagkainis, pagkahiya... Lahat naranasan na ng marami during teenage years (yung iba nga kahit adult na e). This story made me remember that love takes time. Dapat naghihintay ng tamang tao. Dapat naghihintay ng tamang panahon. Hindi man maging literal na perfect, yung pakiramdam mo naman, mas masaya at mas magaan, pakiramdam mo perfect na, worth it lahat, kasi naghintay kayo. Nag-grow muna kayo. Hindi yung inuna ang puso. Mapandaya ang puso natin minsan kaya dapat may alalay ng tamang pag-iisip.

Reader's Corner (Best Wattpad Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon