Sa bawat pagguhit ng pluma sa isang papel, kung saan maiiwan ang marka nito, nagaganap ang pagtatalik ng puso at isip ng isang manunulat.
Matapos ang proseso ng pagniniig, ipagbubuntis niya ang mga titik na gigising sa kamalayan, mga tinig na nais magsiwalat ng katotohanan, mga matang saksi sa dahon ng buhay at mga bisig na sandigan para sa minimithing katotohanan.
Mukhang madali ngunit mahirap.
Ganito ang pagsulat.
It takes process, wika nga ng iba.
Hindi pwedeng madaliin. Hindi pwedeng agad-agad. At lalong hindi pwede yung pwede na.
BINABASA MO ANG
DYURASIK
RandomSamu't saring ideyas, komento at opinyon ukol sa mga pangyayari sa paligid na humulagpos sa pamamagitan ng isang masining na komposisyon.