Sa kabila ng nga negatibong bagay na napapansin ko ngayon, may ilan pa rin namang positibo na talagang hahangaan mo.
Sa 12 years na pamamalagi ko sa sektor ng edukasyon, tunay na kabilib-bilib pa rin na malaman na may mga estudyante pa rin na patuloy na nangangarap at nagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan.
May iba naman na sa kabila ng kakulangang pisikal, naitaguyod ang pag-aaral at nakatapos.
May iba rin na hindi naging sagabal ang edad para makuha ang minimithing diploma.
Pero meron din naman na ginagamit ang kahirapan for some lame excuses.
Naaalala ko pa noon, may estudyante ako sa Grade 7, kund di ako nagkakamali Grade 11 na sya ngayon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ko ang sitwasyon nya sa buhay. Siya yung tipong maglalakad papunta ng paaralan at naglalakad para makauwi sa hapon. May pagkakataon rin na pumapasok sya ng walang baon.
Sino ba naman ang hindi maaantig sa kwento nya at dahil may paraan naman para matulungan ko sya, ginawa ko yung nararapat.
Tinulungan ko sya sa financially. Bawat linggo ay may nakahanda na akong envelop para sa kanya. Allowance for the whole week.
Lumipas ang ilang buwan na ganoon ang set-up. Pero ng minsan na hindi ko sya nabigyan on time, aba, panay na ang papansin sa akin. Yung tipong pabalik-balik ng faculty room, para mapansin ko. Yung tipong pinapaalala sakin ung obligasyon ko sa kanya. Sa bandang huli, na realize ko na ay, oo nga, di ko pa nga pala naibigay ung baon nya.
Pinalampas ko yun. Pero dumating ung point na sinadya ko ng hindi sya bigyan. Napapansin ko na kasi ung pagbabago nya. Buti sana kung positibong pagbabago, pero hindi naman. Hanggang sa tuluyan ko ng pinutol ung pabaon ko sa kanya weekly.
Feeling ko sya pa ang galit sakin. Kahit nasa isang paaralan lang kami, mula ng hindi na nya ko maging guro, hindi na sya bumabati ng usual na Good morning or Good afternoon.
Napapailing na lang ako pag nakikita ko sya. Lalo na yung mga selfie nya sa Facebook.
Ang bangis nya!
Sana ginagamit nya ung kabangisan nya katulad ng mga estudyanteng hindi nakakitaan ng pagsuko sa hamon ng buhay.
Mabangis pa rin kahit masukal ang daan na kanilang tinatahak.

BINABASA MO ANG
DYURASIK
AcakSamu't saring ideyas, komento at opinyon ukol sa mga pangyayari sa paligid na humulagpos sa pamamagitan ng isang masining na komposisyon.