KUDA

25 1 0
                                    

Naranasan mo na ba yung gisingin ka mula sa iyong masarap na pagkakaidlip, hindi ng tilaok ng manok, kundi ng mga walang humpay na ratrat ng bibig ng kapitbahay mo?

Inunahan pa sa pagtunog yung alarm clock mo.

Minsan ka na nga lang makatulog ng mahaba dahil sa wakas Sabado o Linggo na, maaantala pa yung bongga mong pahinga!

Nakakayamot di ba?

Daldalan ang almusal. Sa pananghalian at hapunan ganun din. Nakakaumay.

Bakit di kaya nila isipin yung ibang tao na naaapektuhan sa ginagawa nila? Papaano naman yung ibang tao na katahimikan ang gusto?

Dumadating din sa punto na kahit sa gabi ng araw ng Linggo, mag-uumpukan pa sila habang kaulayaw ang ilang bote ng serbesa. Dumadagunot na ang kwentuhan. Walang humpay na ang tawanan na akala mo sila lang ang existing sa mundo! Sasabayan pa ng nakakabinging tunog  ng videoke at sintunadong boses ng mga feeling singers!

Kung pwede lang isound-proof ang bahay!

Hindi ba nila naisip na may pasok na kinabukasan? Na kailangan ng gumising ng maaga ng mga batang papasok sa eskwela at iba na magsisimula na uling kumayod kalabaw para sa pamilya?

Ganito na ba talaga ang kalakaran sa mundo? To hell I care na ba ang bagong motto ng mga taong sarili lang ang iniisip nila?

Peace of mind, where are you na ba ang peg ko?

Hindi ako kill joy na tao. Natural lang na makipagkwentuhan at magsaya. Pero ang lahat ay dapat ilagay sa tama. Individual difference nga di ba? Hindi lahat ng tao ay magkakatulad ng gusto.

Kaya kung nakatira ka sa isang compound kasama ang mga kamag-anak mo, be ready for the consequence. You ready everything. You ready for the worst.

Kumuda lang pag kailangan.

Gets mo?

DYURASIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon