Walang forever. Period wala ng kasunod.
May forever. Tignan mo si Mang Delfin at Aling Tacing, kakacelebrate lang nila ng kanilang golden anniversary kahapon. Take note, nagpakasal silang muli to renew their vows- "in sickness and in health, 'til death do us part."
Araw-araw na lang, nakukulili na ang eardrums ko sa mga famous lines na yan. From all walks of life, matanda o bata, may asawa o wala, naging usual expression na yan ng bawat isa.
Minsan tuloy tinatanong ko na rin ung sarili ko kung may forever nga ba talaga.
Walang Forever
➡ Habang nagpiprint ako ng 15 page- reaction paper, kung kelan nasa last page na ko, saka naman naubos ung A4 na bondpaper; wala talagang forever, kahit ung papel sinukuan yung printer. Napabuntunghininga na lang ako at dali-daling bumili ng bondpaper sa pinakamalapit na school supply shop.
➡ Ganadong-ganado akong magturo. Obvious naman dahil sa mga visual aids kong ginawa the previous day. Ang ganda naman kasi talaga ng topic. 100% confident akong pumasok ng room. Pinihit ko na yung on button ng lapel ko. Muntik na kong mapamura- lowbat pala! Paasa! Ako naman umaasa at nasaktan! Ayun, napilitan akong imaximize ung lakas ng boses ko. Hay buhay!
➡ Ilang araw na rin ung cravings ko sa Maling (luncheon meat brand), pag-uwi ko ng bahay from work, diretso ako agad sa tindahan para bumili. Abot hanggang tenga na yung ngiti ko, naiimagine ko na yung amoy as in. The usual steps: open the can and cut the meat into pieces. Kinuha ko na yung non-stick pan, binuksan ang stove. Nang kukunin ko na yung mantika, nyek, ubos na pala! Yung kain na kain ka na tapos epic fail pala. Sa asar ko, pinagtyagaan ko na lang kainin yung sardinas na nakita ko sa food cabinet!
May forever
➡ Isa sa mga pampalipas oras ko ang pag-aalaga ng halaman. Kahit busy sa trabaho, pinipilit ko pa ring madiligan yung mga halaman ko, especially yung welcome plant ko. Imagine, 3 years na sya sakin pero still it grows evenly. Feeling ko, iba na yung attachment namin sa isa't-isa. Kumbaga, the feeling is mutual between us.
➡ Sa dami na ng naging estudyante ko, minsan nga di ko na matandaan yung pangalan nila, meron pa rin talaga na kahit ilang taon na ang nagdaan, never silang nakalimot. Hindi man sila makapagparamdam personally, but through social media, they bridge the gap. Yung simpleng 'kamusta na ma'am' ay patunay lamang na distance is not a barrier to someone who really cares.
➡ Family first. Ano man ang mangyari satin, masama man ito o mabuti, walang makakatanggap at yayakap satin ng buong-buo kundi ang ating pamilya. Mawawala ang lahat, but never sila.
Kung lilimiin nating mabuti, ang sagot ko sa tanong kung may lehitimong forever nga ba, ay depende- depende sa sitwasyon at sa desisyon. Ang lahat ay nagbabago at hindi natin kayang panghawakan. Sabi nga the only permanent thing in this world is change. So expect a roller coaster kind of life and be amazed on how it will help you to become the best version of yourself.

BINABASA MO ANG
DYURASIK
RandomSamu't saring ideyas, komento at opinyon ukol sa mga pangyayari sa paligid na humulagpos sa pamamagitan ng isang masining na komposisyon.