Aminin mo man o hindi, sa araw-araw mong pakikisalamuha sa iba't-ibang uri ng nilalang, may ilan talaga sa kanila na nakakasira ng iyong araw.
Yung tipong makita mo pa lang ung tuktok ng ulo nya, beastmode ka agad.
Lalo na kapag nagkaroon kayo ng tinatawag na close encounter. Unang buka pa lang ng bibig eh bagyo na agad! Alam mo yung ganon, parang ewan lang!
Pinaglihi siguro ng ina niya sa kayabangan! O kaya ng magsabog ang Diyos ng kayabangan sa mundo, sinalo lahat. Selfish, sinarili lahat, 'di nagshare!
Mas nakakabadtrip pa yung magyayabang in expense of others. Eh di wow! Napakabulaklak ng dila, kulang naman sa gawa. Ang dami-daming sinasabi tapos iuutos sa iba. Like a boss ang peg, kung makautos, wagas! At the end, sa kanya ang credit! Nasaan ang hustisya sa bayan ni Juan?!
Puro plano. Plano dito, plano doon. Ang ganda ng suggestions, impressive. Yun pala, puro sa ganun lang magaling. Sa bandang huli, ayun, naiwan sa kangkungan!
Pwede bang tawagin rin silang parasite? Salot naman sila talaga sa lipunan ng maliliit na tao na gaya ko at gaya mo. Ultimo maliit na bagay ginagawang big deal. Gusto laging may eksena para mapag-usapan.
Totoo na ang buhay ay isang malaking pelikula, ikaw ang bida at sya ang kontrabida!
Hindi lang naman sa paaralan may mga bully. Nagkalat lang sila sa paligid. Parang mga detective, uuriratin ang kaliit-liitang detalye na nakalap nila para makabuo ng bagong istorya. Certified Story Maker. Ang worst pa dito, hindi lang isahan ang galawan, isasama pa yung tropa nya na katulad din ng likaw ng bituka nya! Kaawa-awa yung mapagtitripan, lalamunin nila ng buhay at walang kalaban-laban.
Madalas akong saksi sa mga insidenteng ganyan. Isang piping saksi sa mga walang kwentang gawain ng mga taong hayok sa dalawang P: publicity and power.
Hindi lang mga pulitiko ang hayok sa kapangyarihan at publisidad, maraming karaniwang tao ang nag-aambisyon din katulad nila. Kaya nga panay ang pakita ng kayabangan. Akala nila sikat na sila ng ganon.
Natatawa na lang ako sa kanila. Napapalatak na rin paminsan-minsan. Naaawa rin ako kasi di sila mapapansin kung di sila magpapasikat.
Ikaw, anong masasabi mo?
Hay, parang ewan lang noh?
BINABASA MO ANG
DYURASIK
RandomSamu't saring ideyas, komento at opinyon ukol sa mga pangyayari sa paligid na humulagpos sa pamamagitan ng isang masining na komposisyon.