Mula pa noong bata pa lamang ako, alam ko ng hindi patas ang mundo.
Hindi totoong ang bawat tao'y ipinanganak na malaya at may karapatang mamuhay ng ayon sa nais nya.
Sa bawat pagkakataon ay laging may namumuong pagkakahati.
Mayroong mga taong lamang kaysa sa iba.
Iyon marahil ang dahilan kung bakit may isinilang na mayaman at mahirap, maganda at pangit.
Higit sa lahat may mga taong normal at may mga taong sawimpalad na kakamulat pa lang ng mata sa sanlibutan ay may depekto na.
Abnormal. Mongoliod. Retarded. Ilan lamang ito sa mga masasakit na salitang binibitawan ng mga matatalim na dila na may makikitid na utak.
Ito'y mga walang buhay na salita na daig pa ang patalim kung bumaon at makasakit. Hindi tulad ng pisikal na sakit, walang gamot para malunasan ito.
BINABASA MO ANG
DYURASIK
RandomSamu't saring ideyas, komento at opinyon ukol sa mga pangyayari sa paligid na humulagpos sa pamamagitan ng isang masining na komposisyon.