Prologue

232 16 41
                                    

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa eskwelahan. Para akong baliw dahil kinakabahan ako sa 'di maipaliwanag na dahilan. Parang gusto nang magwala nang puso ko dahil sa excitement at takot. Seriously, what's happening to me?

"Krisha? Okay ka lang? Para kang baliw, babasahan nalang kita nang bibliya." napailing-iling ako sa biglaang pagsulpot nang nakakatandang kapatid kong si Trisha. Napakamabait niyang tao, halos kada-araw niya kaming binabasahan ng bibliya.

Paminsan nakakahawa din iyang pagiging makadiyos niya e.

Yung mapapatingin ka na lang sa paligid mo, at makikita mo yung mga taong masaya na para bang walang problema sa buhay, yung mga taong nagmamadali tila naiistress na at yung mga taong pachill-chill lang. Pati na rin yung mga tindera na magbubukas pa lamang ng tindahan, pati na din yung mga naglilinis ng mga pwesto nila. Yung feel mo na kukunin ka na ni Lord kaya tinetreasure mo nalang yung mga nasa paligid mo.

Bumalik ako sa katinuan nang madaanan namin ang mga nagkukumpulang tao. Halos lahat sila ay nakahawak ng cellphone na tila may vinivideohan. Makikisali na sana ako pero pinigilan ako ni ate.

"May magagawa ba 'yang pakikisali mo? May maiitulong ba 'yan? Wala 'di ba? Kaya tara na dahil mahuhuli na tayo sa klase." sabi niya sabay tulak nang salamin niya. Pango problems.

"E bakit? May magagawa ba 'yang pagbabasa mo ng bibliya sa amin?"

"Will the two of you stop fighting? geez." singit nang nakakabata naming kapatid na si Charles.

'Di na siya nagsalita at bumalik ulit sa paglalakad habang hila-hila si Charles. Sumunod na lamang ako. Tahimik kaming nakarating sa eskwelahan, and we separated in our own ways. Hinatid ni ate si Charles sa kanyang room, habang ako naman ay dumiretso sa room ko.

Sinalubong ako ni Adri at Ron pagdating ko sa room. Ang aso't pusa kong kaibigan. Paminsan nagkakasundo 'yang mga 'yan dahil pinagkakaisahan nila ako, o 'di kaya nakalimutan lang nila na magkaaway sila.

"Girl! Sana hindi ka nalang pumasok. 'Di na tayo papalabasin sa school." sabi ni Adri. Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko. "Bakit naman?"

"'Di rin namin alam."

"Pero nakikita mo ba 'yong mga nilalabas at pasok sa gate?" tanong ni Ron sabay turo sa labas. Napalingon agad ako sa bintana at lumapit doon. Hanggang dito makikita mo ang gate ng paaralan sa 'di kalayuan. May mga karitong pinapasok, may kung anong meron sa luob ngunit 'di namin 'yon makita dahil may nakatakip na tela. "Oo."

"Kita din namin pero 'di namin alam kung bakit may mga kariton." sabay tawa ni Ron. Marahan ko naman itong binatukan.

"Baliw, so walang kalse?"

"Sa tingin mo may klase?ㅡ"

"All students, kindly proceed to the gymnasium right now. I repeat..."

Nagkatinginan kaming tatlo bago lumabas at dumiretso sa gym. Napakaraming estudyante ang naguguluhan pero chill pa rin. Nagsisimula na akong kabahan. O baka naman dahil lang 'to sa init? Ang dami kasing estudyante rito.

Napatingin ako sa gawi nila Chelsea. Ang pinakamalditang maldita sa lahat ng mga maldita. Kasama niya ang mga alepores niya. Naiinis silang tinaas-taas ang cellphone nila.

"Ugh! Ba't biglang nawala ang signal?! Bwesit na cellphone."

Napatingin din ako sa phone ko. Walang signal. Kay Ron din wala, samantalang si Adri ay nakatulala sa phone niya habang nanunuod ng video. Nilapitan ko siya para makinuod.

'Di clear ang video kaya masakit sa mata. Ang naririnig ko lang ay nga sigaw ng nga taong nagkakaguluhan. Dumami ang nakinuod hanggang may video ding ipinakita sa itaas ng stage.

Katulad ng sa cellphone ni Adri ganoon 'din ang na sa video. Pero mas may makikita ka rito. Ipinakita sa video ang mga nagkakaguluhang tao at dugo sa kahit saang sulok ng city.

Mga taong kinakain ang kapwa tao, mga taong sinisira ang salamin ng sasakyan gamit ang kanilang ulo, mga taong nakakapit sa bintana na tila may inaabot sa loob, mga taong nakapatong sa harapan dahilan para magkabanggaan ang mga sasakyan. Dahil dito mas nagkakagulo pa ang mga tao sa paligid. Teka mga tao pa ba ang iba sa kanila?

Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok, dahil sa video.

"That's a live footage, and as you can see 'yan ang dahilan kung bakit namin isinirado ang mga gate at may mga kahong pinapasok sa loob ng paaralan. Ang mga kahong iyan ay naglalaman ng mga mababang armas at mga pagkain. Sapat na para mabuhay kayo ng isang linggo." sabi ng emcee.

Lahat ng nasa gym ay nagpapanic, isali mo na kaming tatlo nila Adri at Ron. Tila hindi kami mapakali dahil sa sinabi ng emcee na live raw iyon. So ibig sabihin ay nangyayari na 'yon sa labas ng paaralan. Halos mapatalon ako dahil sa gulat ng may humila sa kamay ko.

"Mga zombies yung nasa video ate." halos mangiyak-iyak niyang sabi. Lumuhod ako para mapantayan siya.

"Calm down Charles, where's ate Trish--"

"AAAHHH!!!" napatigil kaming lahat dahil sa isang malaks na sigaw mula sa isang room. At dahil do'n mas nagpanic pa ang mga tao.

What the hell is happening?!

*****

Last Day on Earth: Zombie Apocalypse (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon