Chapter One

137 14 18
                                    

Chapter One

Matapos naming marinig ang nakakabinging sigaw ay biglang nagkagulo ang mga tao na sa harapan ng gym.

Parang gusto na akong takasan ng puso ko nang makita ko ang mga kakaibang tao. Napakabilis nilang tumakbo halos nagkakabanggaan na ang mga tao, ang iba naman ay nadadapa, buti nalang nasa likod kami.

"A-ate... i-i'm scared." mangiyak-iyak na sabi ni Charles. "Calm down okay? I'm just gonna find your ate Trisha. I'll be back okay? I love you." sabi ko sabay bigay ng halik sa noo niya at Ibinilin siya kanila Ron.

"Huh what? No way! Hindi ako marunong mag-alaga ng bata." sabi ni Ron, napairap naman si Adri at kinuha si Charles. "Nasa ganitong sitwasyon na nga tayo mag-iinarte ka pa." 'Di na ako nag tagal pa at nagpaalam na sa kanila.

"Please take care of him. Magkita tayo sa Rooftop ng Administration office. I'll figure this out and i'm gonna tell you my plans later." sabi ko, sabay naman silang tumango. Patakbo akong lumayo sa kanila para  hanapin si Trisha. Yung babaeng yun talaga, di lang man sinundo si Charles bago pumunta sa Gym.

Habang tumatakbo ay sinisigaw ko ang pangalan ni Trisha, dumaan ako sa gilid kung saan wala masyadong makakapansin.

Kaagad naman akong nakarating sa harapan nang gym kaya ang plano ko ay umakyat  sa stage para hanapin si Trisha, in that way mas madali ko siyang mahahanap, yet it's more dangerous.

Aakyat na sana ako sa stage ngunit may tao na humarang sa daanan ko.

Para itong may epilepsi dahil sa pagkilos niya. Idagdag mo pa ang pangit at nakakatakot niyang mukha. Tuyo at kulubot niyang balat, maduming kasuotan, maugat na mata na kulay pula, at kagat sa kanyang braso. Yung nakikita ko sa mga pelikula. Mga zombie.

Parang pinitik lang ako sa ulo ng realidad. Imposibleng totoo 'to. Zombie Apocalypse is friggin' real! How the heck are we gonna survive this?!

Napalinga-linga ako sa paligid ko baka sakling may makita akong pang hampas dito. Nakita ko naman ang isang mop na nakasandal sa basuraha. Dali-dali akong tumakbo papunta rito at kinuha ito. Pinutol ko ang connector nito para makuha ang down pole na gawa sa makapal na stainless steel. "Sapat na siguro to"

Susugudin ko na sana ang zombie kaso bigla nalang itong nawala sa kinatatayuan niya kanina.

"Shit."

Napalingon ako sa may gilid ko kung saan may lalakeng nakahiga na nadadaganan ng zombie, may hawak siyang kahoy para iyon ang kagating ng zombie at hindi siya. Hindi magtatagal at mababali din yang kahoy na 'yan, kaya nag pasya akong tulungan siya.

"HIYA!!" buong lakas kong pinag hahampas ang zombie sa ulo gamit ang katawan ng mop, hanggang sa mabaling ang antensyon nito sa akin. Agad namang nakabangon akong lalaki at binawi sa akin ang katawan ng mop. "Hoi sa akin 'yan!"

Buong lakas niyang binaon ang stick sa ulo ng zombie, dahilan para pumisik ang malansang dugo nito sa amin. "Agh! Yuck! Disgusting!" sabi ko sabay alis ng dugo sa damit at mukha ko.

Binawi ko ulit ang stick sa lalake at umakyat sa stage. Nagtago sako sa gilid para hindi mapunta ang atensyon sa akin ng mga zombie.

Halos maubusan na ako ng hininga ng makita ko ang kabuoan ng Gymnasium. Lahat ng tao ay umiiyak, may iba naman nakahandusay sa sahig at duguan, yung iba pilit na umaakyat sa gate pero muling nahuhulog dahil hinahatak sila ng mga zombie pababa. 

Last Day on Earth: Zombie Apocalypse (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon