Chapter Three
Malakas ang kutob ko na maraming maiiwan at mamatay. And what we are about to do right now is really dangerous, pero wala na 'tong atrasan.
Hanggang ngayon ay suot pa rin namin ang mga uniporme namin. Magiging sagabal 'to. Kahit nagkakagulo na estudyante pa rin ang datingan namin.
Naiilang man pero hinubad ko ang palda ko, napansin ko namang napatingin sa akin ang ibang mga babae pero ginaya din naman nila ako. Mabuti at 'di masyadong maikli ang sinuot kong shorts. Pumunta naman ako sa pinakadulo nang rooftop at tinapon ang palda ko. "I'm sorry but, school sucks."
Napatingin ako sa kabuoan nang siyudad. Halos lahat ng mga matataas na gusali ay nasusunog na, this city used to be beautiful but now it's a disaster.
Mula rito maririnig mo ang mga magkakasunod na pagsabog nang mga bomba mula sa iba't-ibang lugar, at pati na rin ang mga tunog ng mga ambulansya't mga helicopter.
Kung saan ang maingay, doon tumatakbo ang karamihan sa mga zombie. Grupo-grupo pa ang mga ito kung sumugod.
Nanlambot ang tuhod ko nang makita ko ang grupo nang mga zombie na lumabas mula sa isang building. Napakarami nila, sobrang dami.
Bahagyang bumigay ang mga tuhod ko dahil sa nakita. Muntikan na akong mahulog pero buti nalang at kaagad akong natulungan ni Adri na makatayo nang maayos.
Inalis ko na lamang ang tingin ko sa mga zombies at ibinaling ito sa mga ka-team ko.
"Krisha. Wag ka munang panghinaan nang loob ngayon, wag ngayon. Magpakatatag ka muna." sabi ni Adri. Sa totoo lang kanina pa ako pinanghihinaan nang loob, pero tumango na lang ako.
Ayaw kong makita nilang wala nang pag-asa. We might not make it until the end.
Magpakakatatag ka muna.
Tinawag ko na ang iba ko pang mga kasama. Pinaghanda ko na sila, kaya halos lahat kami ay nasa dulo na nang rooftop at handa nang tumalon papunta sa kabilang rooftop. Lahat kami ay kinakabahan, lalo na't may kalayuan ang isang rooftop na tatalunan namin mula rito.
Napalingon ako sa dalawang lalake na humaharang sa pintuan. Mabuti nalang at 'di madaling masira ang pintuan, dahil hanggang ngayon kumakalabog pa din ang pinto dahil sa mga zombies na nasa loob.
Tinaasan ko lang sila nang kilay at nag thumbs up naman sila. This is it Krisha. Kalma ka lang. I tried to calm myself, but obviously i failed.
Pabilis nang pabilis ang tibok nang puso ko. Parang nag s-slow motion ang lahat habang tinitingnan ko ang dalawang lalake na tumatakbo pa alis sa pinto. Parang sasabog ang puso ko nang makita kong kaagad na nabuksan nang mga zombies ang pinto. Oh shook, these zombies are aggressive!
"1...2- Talon!"
'Di na ako nagdalawang isip na tumalon sa kasunod na rooftop kahit na't may kalayuan ito. I thought i wasn't going to make it, but luckily i did! Mabuti nalang at nakakapit ako sa dulo. Kaya inalalayan ko na ang sarili ko para maka akyat.
Ang iba ay nauna nang tumakbo. Susunod na rin sana ngunit nakarinig ako nang sigaw.
"AHHH!!"
Napalingon ako sa rooftop na pinanggalingan namin. Isa sa mga lalake ay nakagat nang zombie sa leeg. Habang ang isang lalake ay nakakapit sa dulo nang rooftop na kinatatayuan ko.
Tutulungan ko na sana siya pero 'di ako makagalaw. Nakatulala lang ako habang tinitingnan siyang naghihirap. I-i can't move. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Bakit di ako makagalaw? Ang lapit-lapit ko lang sa kaniya pero ni isang hakbang di ko magawa. May sinasabi s'ya pero wala akong marinig. Anong nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
Last Day on Earth: Zombie Apocalypse (Under Revision)
TerrorHumanity's newest and deadliest threat. Unknown and unstoppable. No known cause or cure, and in every life there is danger. Survive at any cost, because this is the new battle ground of humanity and its enemy. Survive at the Last day on Earth. Tagli...