Chapter Four

49 6 5
                                    

Chapter Four

We don't have much time left. Hindi namin alam kung kelan siya magiging zombie. Her name is Alley, kung kelan mamatay na siya ngayon ko pa lang malalaman ang pangalan niya.

Tiningnan ko siya ulit sa itaas nang building. Nakatayo na siya sa dulo ng rooftop."You sure this will work?" tanong nang isang babae mula sa likod.

Wala pa akong balak na kilalanin sila, dahil dagdag stress lamang 'yon.

"Yeah. Basta kapag dumating na ang mga zombies magtago lang muna tayo and if wala nang naiwan sa daan, pwede na tayong pumasok sa mall. But be sure to be very very quiet." sabi ko. Pang ilang times ko na ata to inulit at panay tango lang sila.

Kasalukuyan kaming nagtatago sa loob nang truck. Ang mga lalake ang nasa harapan, para sila ang magbukas nang tailgate ng truck mamaya.

Tumingin sa amin si Alley, she mouthed 'okay?'. Tumango naman ako. 'Di pa rin ako makapaniwala na  sinacrifice niya ang sarili niya sa mga zombies. Sana yung nakakainis na babae na lang ang nakagat. Pero sad to say sumama s'ya kanila Lunari, sana nakagat s'ya.

Maya-maya pa ay nagsimulang tumunog ang mga napakaingay na speakers na malapit sa kanya. Nakuha lang naman namin 'yong mga speakers sa bodega nang building kung saan siya nakatayo. Long story, may muntikan pang makagat ng zombie dahil lang sa pagkuha namin ng mga speakers.

Nagsimula ulit akong pagpawisan at kabahan nang marinig ko ang yapak at ungol nang mga zombies na dumaan sa truck na pinagtataguan namin.

Ni wala akong balak na lumabas sa truck, parang gusto ko lang maghintay dito hanggang sa matapos na ang lahat.

Mula dito naririnig ko pa rin ang mga zombies na nagtatakbuhan papunta sa building na 'yon. Maya-maya pa ay narinig namin si Alley na sumigaw ng napakalakas. Isang lalake naman ang tahimik na umiyak sa sulok ng truck, boyfriend n'ya siguro. Ang lungkot naman, sana bumalik na ang lahat sa dati. Sana panaginip lang ang lahat ng 'to.

Nang wala na masyado kaming naririnig na mga yapak ng mga zombies sa labas ay dahan-dahan binaba ng dalawang lalake ang malaking tailgate nang truck. Sa kalagitnaan nang pagbababa nila sa tailgate ay napahinto sila. Lumingon sila sa amin na para bang nakakita sila nang multo.

Sinenyasan kami ng dalawabg lalake na tumahimik.

Sa sobrang tahimik sa tingin ko ay nabibingi na ako. 'Di ko na marinig yung mga speakers, o baka naman nasira na yung mga 'yon?

Bumilis ang tibok nang puso ko nang makita ko ang ulo nang zombie sa labas ng truck. Nakatagilid ito mula sa amin at mabagal din ito maglakad. Habang naglalakad ang zombie ay pabilis nang pabilis ang tibok nang puso ko. Sa sobrang tahimik ay naririnig ko na ang tibok nang puso ko, feel ko maririnig kami nang zombie dahil sa akin.

Maya-maya pa ay huminto ito at humarap sa amin. Nagsimula na kaming kabahan pero nanatili pa din kaming tahimik.

Kumuha ang isa sa mga lalake nang kutsilyo mula sa sapatos niya. Dahan-dahan nilang binaba ang tailgate at tumambad sa amin ang mukha nang zombie. Katulad nang ibang zombie ay tuyo din ang balat nito. May kagat siya sa ulo niya, at weird ang ngipin niya. Parang nabubulok. Pagalaw-galaw din ang ulo't leeg niya na para bang may sakit siya.

Napatingin naman ako sa mata nito. Halos lahat ay puti at natatabunan nang mala pula at violet na ugat. Eww.

Lahat kami ay muntik nang mapasigaw nang may lumipad na kutsilyo patungo sa ulo nang zombie. Galing ang kutsilyo kay Adri, halos lahat kami ay napatingin sa kaniya.

Last Day on Earth: Zombie Apocalypse (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon