Chapter Five

71 7 15
                                    

Chapter Five


“Di ba pwedeng tamarin muna yung mga zombies kakahabol?! Kasi ako, pagod na pagod na ako. Charot tara takbo!”

Pati ang iba naming mga kasamahan ay nag hihintay na sa labas ng gun shop.

Kaagad naman kaming tumakbo palabas. Nasa ganitong sitwasyon na kami nakuha pa rin ni Adri mag biro. Ewan ko kung nagbibiro ba s’ya o seryoso.

Kahit mabigat ang dala ko ay binibilisan ko pa din ang pagtakbo. Mahirap na, baka maging isa pa ako sa kanila. I’m still looking forward kung saan tapos na ang lahat ng ‘to. We can live peacefully again, just like how we used to.

Isang butil nang luha ang pumatak mula sa mata ko. Pasimple ko itong pinahid gamit ang kamay ko.

Napatingin ako sa likuran.
Nahuhuli yung lalaki kanina dahil sa tatlong duffle bag na dala niya. Pero kahit papano ay mabilis naman siyang tumakbo. Nabaling ang mga atensyon ko sa mga zombies na nasa likuran namin.

Ang iba ay nasa escalator na, nag rarambulan paakyat. May mga zombies din sa baba na sinusundan kami.

“Hindi na tayo pwedeng bumaba!” sigaw ko.

“May fire exit dito!” sabi ng lalaki. Kaagad akong napahinto at lumiko para makapasok sa fire exit. “Saan ba to patungo?” tanong ko.

“Sa likod ng mall.”

“What?!” napatigil ako sa pagbaba sa hagdanan ng marinig ko ang sagot niya. “Bakit? May problema ba?” tanong niya.

“Oo! Nasa main entrance nag hihintay sila Trisha!” sigaw ko at pinagpatuloy ang pagbaba. Hindi na ako umimik pa hanggang sa makarating kami sa ibaba. Tinulak ko kaagad ang pinto.

Muntik na akong matumba dahil don pero nabawi ko naman ang balance ko.

Bumungad sa amin ang napakainit na sikat ng araw at hindi lang ‘yon. Napunta din ang atensyon ng mga zombies sa amin. Ang iba ay nagsimula nang tumakbo papunta sa amin.

I quickly ran towards the main entrance of the mall. Halos sukuan na ako ng mga paa’t tuhod ko dahil sa pagtakbo.

Sa di kalayuan ay may natatanaw akong bus na humaharurot papunta sa direksyon namin. Napahinto ako sa pagtakbo dahil sa pagod. Ibinaba ko ang duffle bag at mabuting hinawakan ang shotgun na ipinagkatiwala nung lalaki sa akin.

Hindi pa naman ako marunong gumamit nito.

Napatingin ako sa paligid ko. Parami ng parami ang mga zombies na nagsusulputan sa kung saan-saang direksyon. Napakabilis nila, ang ibang mahihina ay nadadaganan ng ibang zombies. Halos tumaas lahat ng balahibo ko ng mas tumindi ang yapak ng mga zombie.

Ba’t ang tagal ng bus?!

Napatingin ako sa bus. Pagiwang giwang ito dahil sa zombie na nakapatong sa itaas. Konti nalang at malapit na ako masasagasaan nitong bus na to. Pinosisyon ko na ang shotgun ko habang dahan-dahan akong nagpapagilid.

Nang malapitlapit na ang bus, ay sinigurado ko munang tatamaan ko ang zombie na nasa pintuan ng bus na. Nag pupumilit itong pumasok. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad na binaril ang zombie.

Nahulog ito sa lupa. Akala ko patay na ‘to kaso gumagalaw pa s’ya. Naririnig ko ang mga buto niyang nag c-crack. Bigla itong lumingon sa akin. Sht.

Dala ng gulat at takot ay hindi ako nakakilos.

Huminto sa harapan ko ang bus at bumukas ang pinto.

Ni hindi ko kayang igalaw ang mga paa ko para makapasok sa loob. Naririnig ko sila Trisha na panay sigaw ng sigaw.

“Krisha! Ano pa bang hinihintay mo!”

Last Day on Earth: Zombie Apocalypse (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon