Chapter Two

112 14 18
                                    

Chapter Two

"So... alam naman nating lahat kung 'yong biglaang kumalat kanina, 'di ba?" panimula ko. Tumango naman ang ilan sa kanila at ang iba naman ay umiling. "Sila ay mga taong patay na-- Ay ewan! Basta mga zombie 'yon. Kung hindi niyo alam kung anong zombie taga bukid kayo."

Tahimik namang napatawa 'yong babae kanina. Tiningnan ko lang siya habang nakakunot ang noo ko. "Sorry." sabi niya sabay ngiti. Kaloka 'tong babaeng 'to.

"Okay so mukhang wala namang mga tagabukid rito, sasabihin ko na ang plano ko. Pwede rin kayong mag bigay nang iba pang mga idea." sabi ko. 

"Napansin ko kanina ang mga Zombie ay na aatract sa mga maingay" sabi ni Ron sabay sulyap kay Adri at ngumiti nang nakakaasar. "Ang landi n'yo. Pero oo, napansin ko din 'yon, napansin ko din na kapag nakakain na sila ay nagiging mabagal sila. Kaya ang plano ko ay pumunta sa mall dahil hindi agressive ang mga zombie ngayon." 

"WHAT?! Are you crazy? If i were you i would just sit down and let the zombies eat me." singit nang isang babae. "But you are not me so feel free to leave. There are many zombies waiting for you outside. "Di mo pa nga naririnig ang plano ko aangal ka na diyan," sagot ko.

"What's the point? Mamamatay rin naman tayong lahat." sabi niya. 

"Alam mo, nakakainis ka rin e. Diba sabi ko pwede kang umalis anytime. Edi umalis ka, gets?" pagmamataray ko. Napatahimik naman siya kaya muli akong bumalik sa pagsasalita. "Okay. So, Kaya tayo pupunta sa mall kasi 'yong mga ibinigay ng school na armas sa atin ay hindi pwedeng pang long range, unless kung itatapon mo 'tong mga 'to sa mga zombies, kaya kukuha tayo ng mga baril don. Take a look at these."

Ibinaba ko naman ang backpack at binuksan ito.

 "Hindi ko naman alam na ganito pala kayo karami kaya kaonti lang ang nadala kong mga pagkain at weapons," sabi ko. Ipinakita ko sa kanila ang mga kinuha ko. "Okay na 'yang mga 'yan. Let's split into two groups, group 1 and group 2. Yung group 1 ay pupunta sa mall at kukuha ng mga weapons at kung mga ano-ano pa. At ang group 2 naman ay lalabas at maghahanap ng sasakyan. 'Cause we need to leave this city as soon as possible. Dahil 'di magtatagal ay magiging agressive nanaman ang mga zombie" suhestyon nang babaeng chismosa. May utak din pala'tong isang 'to? tch.

"Brilliant! Ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Ron sa babae. "I'm Lunari Historia. Call me luna or riri for short, and yes you are Ron. So stop the chit chat."

Sabay kaming napairap ni Adri dahil sa kalandian ni Ron. Natawa naman si Trisha dahil sa ugali ni riri, nako baka mahawa si Trisha sa ugali ni riri. 

Sang-ayon naman ako sa plano niya. Kaso masyadong mapanganib, pero talagang tama siya dahil kung magtatagal pa kami dito ay maaring mas marami pa ang mamatay. At sa totoo lang, mas bagay siyang maging leader kesa sa akin. Teka sino bang nagsabi na ako ang leader?

Inabot ko sa kanya ang bag at ngumiti. Sandali siyang nagulat at nagtaka pero maya-maya ay ngumiti rin siya pabalik sa akin. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong ipahiwatig dahil kinuha na niya ang backpack mula sa akin. 

"Walang aangal dahil ako ang maglelead sa group two while si Krisha naman ang sa group one. Sinong sasama sa akin?" tanong niya. si Ron lamang ang tumaas ng kamay.

"Seryoso 'to. Kung gusto niyong mabuhay hanggang sa huli kaylangan ay manalo tayo laban sa mga zombie. This is war, war against the undead" sabi niya. May ibang lumapit sa kan'ya ngunit ang iba ay nanatili sa puwesto nila.

"Yung mga gustong sumama sa akin sino sa inyo ang marunong gumamit ng mga 'to?" panimula niya. Hinati na niya ang mga armas, binigay niya ang iilan sa akin. Tinawag ko ang iilan na natira na hindi pinila si Lunari, katulad niya nagsimula na din akong mag bigay ng mga tanong at tips, pero 'di ko sinabi sa kanila yung excited na part dahil baka aatras.

Last Day on Earth: Zombie Apocalypse (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon