One

162 6 7
                                    

"Papsi, trabaho na po ako. Wag magpapapagod, papsi. Love you po" sabay halik ko sa aking ama.

"Mag-ingat ka aking,prinsesa. Yung mga bilin ng dyosa mong papsi, wag mong kalimutan ha? Magtext agad kung may nararamdaman kang hindi maganda or tawag ka lang. One call away lang si Papsi mo. I love you too anak" mahabang speech ni papsi para sa akin.

"Bye, papsi" Sabi ko at lumabas na ng aming tahanan.

"Aivan! Sakay o lakad?" Tanong ni Mang Mario sa akin.

"Itatry ko pong gumapang, Mang Mario. Baka makaabot ako ng opisina na fresh at dyosa pa rin. Ano sa tingin mo?" sarkastiko kong tugon sa kanya.

"Ito talagang si Aivan oh. Lakas magpatawa. Tara, sakay na. Malilate ka na nyan"

"Ay nagpapaiyak po ako, Mang Mario. Try niyo po. Naisip niyo po pa lang ipasakay ako? Akala ko mag-chichikahan lang tayo" sabi ko sabay pasok sa pedicab ni Mang Mario.

Ewan minsan nitong si Mang Mario, ang slow. Di niya ba alam ang word na sarcasm? Geez!

"Hija, dito na lang tayo ah? Ang traffic na masyado eh. Ang tagal mo kasing lumabas sa bahay niyo" sabay kamot ni Mang Mario sa kanyang ulo. Uso pa pala sa mga gorang ang kuto? Jusko!

"Sige, Mang Mario. Dito na lang ako. Alam ko naman talagang pagod na kayo sa pagtindak eh. Heto! Bente oh!" sabay abot ko sa kanya ng aking pamasahe

"Eh ba't bente lang? Di ba trenta ang pamasahe mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Mang Mario pero inabot naman yung bente pesos na binigay ko.

"Umabot po ba tayo sa kanto ng opisinang pinagtatrabahuan ko? Di ba po wala? Kaya wag na pong mag-inarte. Chika nito! Alis na po ako,Mang Mario. Bukas ulit" aalis na sana ako ng maalala kong may sasabihin pa pala ako kay Mang Mario.

"Mang Mario, pakicheck nga po si Papsi ha?"

"Suhol mo?"

"Heh! Parang di naman tayo magkakilala oh"

"Wala nang libre ngayon, hija" napaka practical talaga nitong si Mang Mario oh

"Oh siya sge. Sa sweldo ko po, bibilhan ko po kayo ng pancit at pandesal. Okay na po ba yun?" Sabay thumbs up ko at nagpapacute. Sana umepekto wahaha

"Sige sige. Aasahan ko yan, hija"

"Check niyo po si papsi ha?" paalala ko kay Mang Mario at agad tinahak ang daan papuntang opisina na pinagtatrabahuan ko.


"Aivan, mabuti naman at dumating ka na. May ensaymada ako rito oh. Gusto mo,bes?" pamungad ni Michael sa akin ng makarating ako sa gusaling pinagtatrabahuan ko.

"Oy sarap niyan ah! Sige ba" sabay kuha ko sa ensaymada

"Kahit ano pa yang ibigay  mo sa akin, Michael tinatanggap ko naman. Malakas ka sa akin eh" pabebe kong bulong sa aking sarili at tiyaka kinain na ang ensaymadang bigay ni Michael sa akin.

"May sinabi ka, bes?"

"Sabi ko masarap ang ensaymada" sabay kain uli.

Crush ko tong si Michael. Nung magsimula na akong magtrabaho dito. Siya ang unang bumihag sa aking puso. Charot! Pero ang sakit mga bes kasi best friend niya lang daw ako. Kaya nga bes tawagan namin di ba? Nabasa niyo naman siguro. Pero para siyang bakla hahaha gwapo sana.

"Good morning, Mr. Alvarez" nabalik ako sa aking ulirat ng marinig ko ang pagbati ng aking mga katrabaho sa aming boss, si Mr. Luke Alvarez

Tumango lang ito at dumiretso na sa kanyang opisina.

Better Than WordsWhere stories live. Discover now