Two

54 4 5
                                    

"Paaaaapsi!" magiliw kong tawag sa dyosa kong ama.

"Oh, hija nandiyan ka na pala. Halika, tamang-tama, tapos na akong magluto" Sabi ni Papsi Cardo tiyaka pinaghanda na ako ng plato.

Naglapag na ng plato, kutsara't tinidor, baso at pitsel si Papsi.

"Anak, kain na. Ginisang talong ulam natin. Kain na habang mainit pa ang pagkain" sabi ni Papsi.

"Papsi, may pasalubong ako sa inyo" sabay lapag ng plastic na bitbit ko kanina.

"Ano yan, hija?"

"Balut po hihihi" sabi ko sabay subo ng kanin.

"Ang sarap-sarap talaga magluto nitong Papsi ko" puri ko sa pagkaing niluto ni Papsi Cardo.

"Abay syempre! Reyna ata ng kusina ang Papsi mo" sabay kaway niya pa. Kaway ng isang beauty queen.

Nagtataka ba kayo kung bakit Reyna? Kasi bakla si Papsi. Oo, bakla siya. Paki niyo? Chos! Hahahaha Hindi ako tunay na anak ni Papsi. Nakita niya lang daw ako sa plaza nung three years old pa lang ako. Sabi niya umiiyak daw ako nun. Tinanong niya sa akin kung nasaan raw ang mga magulang ko pero ang tanging sagot ko lang ay tanging iling lang raw.

Pero kontento na ako kay Papsi. p4pzH! kH03 s4pH4t n4H 43ver 29 m4p4gm4H4l. Charot hahahahaha

Hindi ko man kilala ang tunay kong mga magulang, masaya naman ako at si Papsi ang kumopkop sa akin. Sobrang bait ni Papsi sa akin. Pinagtapos niya ako ng pag-aaral sa sarili lamang niyang sikap. Sobrang sipag ni Papsi kaya ngayong may trabaho na ako, ayaw kong magpagod pa si Papsi. Okay na ako sa konting tindahan namin rito sa bahay para naman may libangan si Papsi habang wala ako.

Pagkatapos naming kumain ni Papsi, pumasok agad ako sa aking kwarto.  Kinuha ko ang laptop ko at magsisimula na sanang magtipa sa kwento ko nang may mag pop up na message.

Luke Alvarez: Good evening, Miss Sanchez

Anong trip nitong boss na to?

Aivan Sanchez: Good evening, Sir.

Luke Alvarez: Luke will do.  Hindi naman oras ng trabaho. And you used to call me Luke before, right? :)

Before niya mukha niya. Anong meron sa before? Dzuh! Wala akong maalala.

Luke Alvarez:  Seen? Are you busy, Aivan? Naistorbo ba kita?

Aivan Sanchez: Hindi naman, Sir.

Luke Alvarez: Stop callig me Sir if it's not  working time or tayo  lang ang nag-uusap.

Aivan Sanchez: Okay po.

Ang awkward nito. Shocks! Wala lang ba sa kanya ang nangyari? Ako lang ba talaga ang affected? Well, ang tagal na nun. But still, affected pa rin ako. I just can't forget him. Oo, naging kami ni Sir Alvarez nung college. Ano? Paki niyo? Ang ganda ko kasi kaya nabihag ko yung amo ko.

Luke Alvarez: Aivan? Can we go out? Maybe saturday or sunday?

Pano kung sabihin kong hindi? May magagawa ba siya? Di ba wala? Tsk! Lalabas tapos ano? Papaasahin na naman niya ako? Pagod na ako sa kalokohan nang lalaking iyon.

Aivan Sanchez: Sure.

Eh sa ayaw ko talagang lumabas kasama siya. Masama ba yun? Ayaw ko nang umasa noh.

Luke Alvarez: I'll message you anyway. Good night, Aivan :*

May pakiss mark pa siyang nalalaman. Tadyakan ko yang,mukha niya. Papakiligin na naman niya ba ako sa wala? Basta talaga mga pogi noh? Ka-embyerna!

Inoff ko na ang laptop ko nang hindi man lang nagrereply sa last message ni Luke. Eh sa pabebe ako, ano magagawa niyo?

Thursday ngayon, Friday bukas. Malamang saturday ang susunod sa friday di ba? Anong meron sa saturday at excited kayo aber?

Ano kayang mangyayari sa lakad namin ni Luke? Magiging katulad ba ito nung first hang out namin? Nakakakilig and worth remembering? Or yung last na hang out namin na napaiyak ako. Saan kaya dun? Ah! Bahala na. Lalabas lang naman eh. Di naman yun date. Di naman niya sinabi di ba? Sa totoo lang, hindi naman talaga ako excited. Baka siya. Siya nagyaya eh. Ganda ko talaga eh noh? Grabe talaga alindog ni Aivan Grace Sanchez. Nabihag ko tuloy ang poging amo nako.

-------

"Talaga, Aivan? Sabi niya? Imbento mo lang yata eh noh?" bakla siguro tong si Michael. Huhuhu ang sayang naman kapag ganun.

"Oo nga. Wag kang maniwala, di mo naman kawalan noh!" sabay irap ko sa kanya at bingyang tuon na lang ang pagpoproofread ko. Actually, nakatapos na ako ng story. Apat na lang ang kulang.

"Okay fine! Basta chika ka sa akin Monday ha?" sabay punta niya sa cubicle niya

"Kung ayaw ko? Ano magagawa mo? Wala di ba? Tsk! Bakla yata tong si Michael" bulong ko sa sarili.

Nagbabasa lang ako ng pangalawang kwento na dapat kong iproofread ng may magpop-up na message sa pc unit ko. And guess what sino? Si Luke Ivan Alvarez lang naman. Yeah! Parehas kami ng pangalan pero magkaiba ng spelling.

Luke Alvarez: Hi Aivan :)

Aivan Sanchez: Hello po Sir. How may I help you?

Luke Sanchez: Ano bang sabi ko sayo kagabi? Di ba I told you call me Luke if tayo lang ang magkausap? Or mas gusto mong Ivan na lang since yun naman talaga tawag mo sa akin nung tayo pa, Grace.

Yeah! I used to call him Ivan while he used to call me Grace. Siya nag-isip nun before not me. Mas oa siya kesa sa akin. Dzuh!

Aivan Sanchez: Okay, Luke.

Luke Alvarez: Mas maganda kung Ivan na lang

Aivan Sanchez: Luke will do. I'm fine with it.

Ivan niya mukha niya! Jumbagin ko siya! Di niya ba alam na mas naaalala ko yung dati pag Ivan ang tawag at pag nakikita ko siya? Alam niya bang hanggang ngayon di pa rin ako nakakamove-on? Problema niya ba sa buhay at heto na naman siya at ginugulo ako? Alam ko namang maganda ako pero sige na nga.

Aivan Sanchez: Magtrabaho na ako, Luke

Luke Alvarez: Okay. Take your time, Grace. But please don't forget ha? You'll go with me. Bukas na lang. See you :*

Bakit ba palaging may kiss mark yung pang huling message niya? Nakakainis siya! Nakaka-imbyerna! Nakakagigil! Oo na kinikilig ako! Paki niyo?

Better Than WordsWhere stories live. Discover now