"Aga ata ngayon ah? San lakad mo, hija? Alas sais pa lang ng umaga" sabay lapag ni Papsi ng kape at tiyaka pandesal na may palamang itlog sa mesa.
Hindi lang ako umimik at umupo na sa upuan. Malamang saan ba ako dapat umupo? Sa lamesa? Tsk!
"Pag wala kang pasok, 10 ng umaga ka naman gumigising ah? Pero bat ngayon alas sais pa lang, bumangon ka agad?"
"May lakad ako ngayon, Papsi" malumanay ko lang na tugon sa kanya.
"Ay saan naman? Sinong kasama mo, hija?"
"Si Luke po. Gala-gala lang" sabi ko at tinapos na ang iniinom kong kape.
"Yung ex-boyfriend at amo mo? Teka, anak! Nagkabalikan na ba kayo ha?"
"Si Papsi naman. Hindi po. Kaibigan lang. Amo siya, empleyado ako. Wala lang yun"
"Wala? Baka ligawan ka ulit non ha?" eto talaga si Papsi, seloso
"Hindi naman po ata. May girlfriend na raw yun ngayon eh"
"Hindi natin masasabi anak" sabi nito sa akin
Sa totoo lang, wala lang naman talaga ang lakad na ito di ba? Di naman niya sinabing date ito. As if naman ineexpect ko na date ito. Hindi ah? Hindi ako assumera noh!
"Ano ba oras lakad niyo? Susunduin ka ba niya?"
"Opo,Papsi. Mga 8 raw, nandito na siya" nagchat kasi si Iva---- Luke sa akin kagabi. Sabi niya susunduin niya raw ako tapos mga 8 raw. Susunduin siguro ako nun dahil ayaw siguro niyang i-indian ko siya. Ganda ko talaga hahahaha paki niyo?
Pagkatapos naming mag-agahan, pumasok agad ako sa kwarto ko. I check my phone and may text na ang Ivan ko charot!
From: Ivan ko <3
Good morning, Aivan Grace :) 8 am ha? Wag mong kalimutan. I'll fetch you so be ready. See you :*Paki niyo sa pangalan na nakasave sa phone ko? Ang cute kaya.
Hindi ko nireply si Luke kasi nga maganda ako chos! Naligo agad ako at naghanda na.
Isang peach na dress ang suot ko. Nababagay naman ito sa akin kasi nga maputi at maganda ako. Tiyaka naka flats lang ako na kulay nude.
Tinignan ko ang aking sarili sa malaking salamin na nasa kwarto ko. Bagay naman talaga sa akin. Ang ganda ko lang kasi talaga.
"Aivan, anak" sabay katok ni Papsi sa pinto ng kwarto ko
"Yes, Papsi?" habang sinusuklayan ko ang bagsak kong buhok.
"Nandito na si Luke. Magmadali ka na. Lumabas ka kaagad ha?"
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Nandiyan na siya! Nandiyan na siyaaaaaaa!
Agad naman akong naghanda sa dadalhin kong bag.
Muli akong tumingin sa salamin.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Aivan Grace Sanchez" ngumiti ng napakasweet at lumabas na ng kwarto ko.
Nakita kong nag-uusap sila Papsi at Luke sa sala namin.
"Ang gwapo talaga ng lalaking ito" bulong ko sa aking sarili nang sumilay sa mukha ni Luke ang napakagandang ngiti. Oo na! Ang gwapo niya pa rin. Oo na! Paki niyo ba?
"Ayan na pala si Aivan oh. Halika na anak" sabi ni Papsi.
Agad naman tumayo si Luke nang makita ako
"Good morning, Aivan Grace" sabay ngiti nito ng sobrang tamis sa akin.
Ngumiti lang ako bilang tugon sa kanya.
"Umalis na kayo para makauwi kayo ng maaga. Luke, hijo. Yung bilin ko sayo ha? Ihatid mo yang prinsesa ko"
"Opo, Papsi" ngumiti ito kay Papsi. Lumapit ito at nakipagbeso ito.
Kung makatawag ng Papsi. Bakit anak ba siya? At hindi pa naman kami kasal kaya hindi na muna siya dapat tumatawag ng Papsi sa Papsi ko.
Paki niyo ba? Alam kong maganda ako pero di ako assumera. Alam ko namang sa kasalan rin ang kahahantungan ng storya namin ni Luke noh?
Lumabas na kami ni Luke at agad naman sumakay sa kotse niya.
"Grace, may gusto ka bang puntahan or what?" tanong ni Luke sa akin habang inaayos ang seatbelt ko.
Ang bango talaga ng Bebe Ivan ko. Ang lapit niya kasi sa akin kaya amoy na amoy ko siya. Yung gamit niyang perfume ngayon ay gamit niya ring perfume noon college pa kami. Kahit anong tungkol kay Luke, alam ko. Ganun ko kasi kamahal ang mokong na ito kung hindi lang talaga siya- - - -
"Grace? Anong gusto mo? Gusto mo bang manood ng movies? Pwede tayong pumunta sa condo ko. Mayroon akong mga bagong movies. Yung mga gusto mong genre meron din ako or magluto tayo ng mga pagkain. Or pumunta kaya tayo sa bagong bukas lang na library cafe. Baka may magustuhan kang libro. Alam ko naman kasi mahal mo ang mga libro. What do you think?" nakangiti nitong tugon pero sa daan ito nakatingin.
Kung hindi ba kami naghiwalay, masaya pa rin ba kami hanggang ngayon? Pero hindi naman talaga kami naghiwalay. Bigla lang siyang naglaho ng parang bula. Ewan ko kung san siya nagpunta. Basta ang alam ko lang ay lugmok ako ng ilang taon nun kasi nga iniwan niya lang ako bigla. Pero hindi naman ako bitter sa kanya. Mahal ko pa rin kasi si Luke Ivan kahit na iniwan niya lang ako bigla. Kahit hindi niya pa rin ako binigyan hanggang ngayon ng dahilan kung bakit niya ako iniwan bigla.
"Grace? Are you okay?" napaayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Luke.
"Ah, okay lang ako. Pwede bang gawin natin yun lahat, if you won't mind?" ewan ko ba kung bakit ko yun ang sinabi ko.
"Why not? Sige, Aivan Grace. Gagawin natin lahat yun. Anong una nating gagawin?" mababakas sa mukha ni Luke ang excitement.
"Mahal mo pa ba ako, Ivan? Kasi ako, oo. Mahal na mahal pa rin kita. Kahit iniwan mo ako ng walang dahilan, mahal pa rin kita at tatanggapin pa rin kita kasi nga mahal kita" gusto ko mang sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili kong bibig kasi ayaw kong mahiya noh? Hindi naman iyon ang sagot sa tanong niya. Dzuh!
"Kahit ano, Ivan" ngumiti ako
"It's good to hear you saying my second name, Grace. It's really good to hear. I miss that. I miss the old times. I miss you, Aivan Grace."
I was stunned! Hindi ko ma-explain kung ano na ang nangyayari sa puso ko. Ewan ko ba kung lindol na ba itong nangyayari sa puso ko or malalang delubyo. Ewan basta ang alam ko, kinikilig ako. Kinikilig ako, sobra.
"I miss you too, Luke Ivan" hindi man ako makatinigin sa kanya dahil sa hiya, alam kong ngumiti ito sa akin.
YOU ARE READING
Better Than Words
RomanceWhen Luke Ivan left, I was broken, big time! He left without telling me what's wrong. Ngayon, bumalik siya at nililigawan ako. I love the man so much and even words ain't enough to describe what I feel. Should I let myself fall for him again? Or sho...