Nakakatuwang isipin na hindi panaginip lahat na nangyayari ngayon. Hindi ito isa lang sa mga imahinasyon ko. Totoo lahat ng nangyayari ngayon. Nanliligaw na muli sa akin si Luke Ivan. Nakakataba ng puso, sobra. Lahat ng mga nagawa niyang paraan nang panliligaw noon ay ginagawa niya. Di lang yun, mas sumobra pa nga ang sweetness ng bebe ko, e.
"Haba ng buhok mo girl. May pa-flowers ka na naman oh. Red roses mixed with lovely sunflowers. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan? Kailan kaya ako bibigyan ng ganyan. Haaaay! Swerte mo, Girl! How to be you po?" Pambungad na inggit ni Michael sa akin. Kasi nga, may pa-flowers na naman ang Sir Luke Ivan ninyo.
"Eh ikaw dapat magbigay ng flowers kasi nga LALAKI ka" pang-aasar ko sa kanya.
"Ewwww!!! I can't see myself giving flowers to a girl. Dzuh!" sabay irap niya sa akin.
"Girl, tignan mo yung girl ang ganda!!!"
"Ooooy sino yan? Kilala mo?"
"Hindi eh. Baka bisita ni sir Alvarez"
"Ay baka jowa ni Sir!"
Anong jowa ni Alvarez????
Napatingin ako sa babae na pinag uusapan ng mga tsismosa dito sa office. In fairness, maganda nga. Sosyal, halatang galing sa mayamang pamilya. Ang kanyang ombre long bob na buhok ay nababagay sa medyo oval na mukha meron siya. Her nude trouser and checkered blazer goes well with her black stilettos. Kung titignan mo talaga ay para siyang nasa mga business magazines. Pero hindi maaring girlfriend ni Alvarez yan kasi nililigawan ako nang lalaking yun!!! Langhiya siya pag nalaman ko talagang niloloko ako nang lalaking yun, isusumpa ko tala siya!!!!
"Oy bes! Kita mo yung girl? Ganda no?" sabi ni Michael.
"Oo, maganda nga." mas maganda naman ako. Hmp!
Pinagtoonan ko na lang nang pansin ang aking ginagawang pag poproofread ng mga story. Malapit na naman itong matapos. Ayaw kong matagal ang ginagawa kong trabaho. Ayaw ko ring isipin ni Luke Ivan na nagti-take advantage ako sa panliligaw niya sa akin.
Nagtataka nga ako kung bakit naging boss ko siya. Nung first week ko dito sa trabaho, hindi pa siya yung boss namin. Mas malaki pa ang posisyon niya sa aming editor-in-chief. Pero nautusan niya akong mag-proofread ng mga story. Hindi ko nga alam kung bakit dito siya nagtatrabaho sa publishing house. Management naman yung course niya nung college kami habang ako ay journalism.
Habang ginagawa ko ang trabaho ko ay nagmessage si Luke Ivan sa akin. Sabi niya punta ako ng office niya. Ano naman ang gagawin ko roon? Ginawa ko na lang inuutos niya, tumulak na ako papuntang office niya.
"Aivan, hinihintay ka na ni Mr. Alvarez" bati ng secretary ni Luke pagdating ko sa palapag ng mga boss.
Agad na akong pumunta sa pintuan. Bago ko binuksan ay inayos ko muna ang itsura ko. Sinuklay ko ang maitim at bagsak kong buhok gamit ang aking kamay. Tinignan ko muna ang sarili ko sa glass wall na nasa gilid ng pintuan sa opisina ni Luke Ivan. Ngayon lang ata ako naconscious sa sinosoot ko. Naka black jeans, short-sleeve button up shirt at nakaconverse shoes na galing sa ukay-ukay ang soot ko.
Kumatok na ako sa pintuan at binuksan na ito.
"Good morning, Sir Alvarez. Pinatawag niyo raw ako?" casual kong bati sa aming boss na naka upo sa kanyang swivel chair at may tinitipa sa kanyang laptop. Tinignan niya ako at ngumiti.
"So, this is her?" tinignan ko ang sofa at di ko naman napansin yung magandang babae. Akala ko pa naman umuwi nato. Sino ba to? Ngumiti lang ako sa kanya.
"Hi! I'm Lou! It's really nice to finally meet you, Aivan!" sabay lapit niya sa akin at naglahad ng kamay. Inabot ko na rin ang aking kamay sa kanya.
YOU ARE READING
Better Than Words
RomanceWhen Luke Ivan left, I was broken, big time! He left without telling me what's wrong. Ngayon, bumalik siya at nililigawan ako. I love the man so much and even words ain't enough to describe what I feel. Should I let myself fall for him again? Or sho...