Five

37 2 4
                                    

"Di nga? Naghalikan kayo?" mahinang bulong ni Michael sa akin. Tumango lang ako kasi nga kinikilig pa rin ako.

Monday ngayon at sariwa pa rin yung nangyari. Sariwa pa rin ang lasa ng matamis na labi ni Luke sa labi ko. Teka? Ang laswa pakinggan, Grace.

"So, ano? Kayo na ulit ganun?" Taray nitong tanong. Awra nitong baklang to. Bakla yata talaga itong si Michael eh. Tsismosa kasi.

"Hindi. Kaibigan. Amo at empleyado pa rin ang set-up ganun. Wag mong bigyan ng malisya"

"Ateng? Anyare? Wag lagyan ng malisya eh naghalikan nga kayo ano yun? Trip lang? Naubosan ng pagkain kaya nilantakan niyo ang isa't isang labi ha? Kaloka ka! Stress ka sa bangs!"

"Teka, Michael! Bakla ka ba ha? Letsy'ng to"

"Tumahimik ka nga, Aivan! Oo bakla ako. Baklush! Binabae! Sirena! Gay! Bading! Ganun! Happy ha? Happy?"

"Okay. Sayang, gwapo mo pa sanang bakla ka!"

"Huwag mo nga ipagsigawan ha? At please satin lang to please"

"Oh siya. Di ko ipagsasabi" ayaw niya pang may makaalam eh halata siya masyado.

Nasa cubicle lang ako at tinatapos ang pagpoproof read. Goal ko talaga na bago matapos ang week na ito, tapos ko nang maproof read ang mga stories na ito.

Tutok na tutok lang ako sa trabaho at hindi namalayan na lunch na pala. ,

"Aivan? Kain na tayo oy"

Tatayo na sana ako nang tumunog ang aking phone.

"Yes?" hindi ko natignan kung sino Ang tumatawag kasi kinuha ko pa ang wallet.

"Grace!" masiglang bati ng nasa kabilang linya

"Where are you? Sabay tayong maglunch" sobrang sigla niya. Para siyang bata

Tumingin ako kay Michael at sininyasan na ma-una na lang. Sumunod naman ito

"Sure! Nasa cubicle pa naman ako"

"Yes! Pababa na ako. Sa labas na lang tayo kumain. What do you think?" sabi nito. Narinig ko pang may tunog na elevator. Baka pababa na nga siguro siya.

Nag-aabang naman na ako sa harap ng elevator para di na mahassle si Ivan.

After awhile, ay bumukas na ang pinto ng elevator at pumasok nako kasi nandon na naman si Ivan.

"Saan mo gustong kumain?" sabi nito ng may ngiti sa labi.

"Kahit saan. Ikaw bahala" sabi ko at tinignan ang aking phone kasi nag-vibrate ito.

Michael: Ate girl? Saan na u? Patapos na ata kami di ka pa rin dumarating.

Me: Sa labas ako kakain. Kasama ko si Sir Alvarez.

Napansin ko naman na dumudungaw sa phone si Ivan.

"Sino ka text mo? Busy mo ata" matabang nitong tanong sa akin.

Is he jealous? Sana naman.

"Si Michael to. Sabi ko sabay tayong mag-lulunch. Naghihintay kasi sila sa baba" paliwanag ko sa kanya. Why am I explaining?

"I see" pagkasabi niya non eh bumukas na ang elevator at naglakad na kami papuntang sasakyan ni Luke.

Umuna siyang naglakad at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thanks" sambit ko at sumakay na sa Chevy ni Ivan.

"I miss this, really" masiglang sambit niya at pinaandar na ang sasakyan

Better Than WordsWhere stories live. Discover now