Seven

8 0 0
                                    

Dumadalaw nga palagi si Miss Lou dito sa opisina gaya ng sabi niya sa akin. Pag-nandito siya, palagi akong pinapapunta sa opisina ni Luke Ivan. Palagi niya akong kinakamusta kahit na sinasabi sa kanya ni Luke na okay lang ako. She keeps telling me not to accept Luke Ivan as my boyfriend again. Kahit na alam ko naman na inaasar niya lang ang kanyang kapatid. I know that Miss Lou will be happy if sasagutin ko na ulit si Luke Ivan. Wala pa sa isip ko na sagutin ulit ito. Gusto ko naman na bagalan muna ang desisyon ko at ayaw kong masabihan dito sa kompanya na malandi. Alam ko naman na maraming nagkakagusto kay Luke dito sa opisina na workmates ko at sa ibang tao na kilala sa industriya ng business kahit na sa publishing house nagtatrabaho itong si Luke Ivan.

"I want you to be in my birthday party, Aivan. Mom and Dad will be excited about it, for sure." masiglang sambit ni Miss Lou sa akin kasi nandito ulit siya sa publishing house. 

"Naku wag na, Ate! Nakakahiya naman po" sabay inom nung pineapple juice na nasa coffee table.

"No! I want  you to be there. Lahat naman ng  empleyado dito sa publishing house ay invited. Alam ko naman kasi na mahihiya kang pumunta kaya I decided to invite everyone. Would it be fun? OMG! I'm so excited. I started the preparations last month and I know in a few days now it will be done!" excited niyang sabi sa akin. She keeps on telling me na kailangan ko talagang pumunta kasi ipapakilala na nila ako sa parents nila. Hindi ako excited! Natatakot ako! Baka ayaw nila ako para kay Luke Ivan, para sa anak nila. 

Kahit na sabihin ni Miss Lou at Ivan sa akin na mababait ang magulang nila, hindi talaga mawala yung takot at kaba na nararamdaman ko. Ramdam ko naman ang acceptance ni Miss Lou sa akin. Alam ko na gusto niya ako para sa kapatid niya pero yung parents nila, e! Natatakot ako. 



Mamaya na ang birthday party ni Miss Lou kaya half-day lang kami ngayon para makapaghanda mamaya. May binigay sa akin na damit si Miss Lou kahapon. Yun daw ang isusoot ko mamaya. 

"Girl! Excited na ako mamaya. Bumili pa talaga ako ng mamahaling suit and tie. Mayroon ka na bang dress?" tanong ni Michael habang nagliligpit na ng cubicle niya. Uuwi na kasi kami dahil nga half day lang. 

"May binigay sa akin si Miss Lou kahapon pero hindi ko pa yun natignan. Nakakahiya kasi!" nakaupo na ako sa table  ko at naghihintay kay Michael matapos para sabay na kaming umuwi.

"Char! Kainggit naman ng babaeng ito. Sigurado akong maganda ka mamaya, girl! Uwi na tayo, magpapaganda pa ako para mamaya" at naglakad na kami papuntang elevator ni Michael para makababa na sa gusali.

Pagdating sa bahay ay naligo agad ako para makapagbihis na.

Pagkatapos kong maligo ay blinow dry ko muna ang aking buhok. Wala na akong gagawing ka-artehan sa buhok ko. I just want it to be natural. Maganda na naman ito dahil sa sobrang bagsak at sa ka-itiman nito.

Tinignan ko na yung box na binigay kahapon sa akin ni Miss Lou. Binuksan ko na at nagulat sa ganda nito. It is a white lace bodycon dress na mayroong gold sequin sa may bandang tiyan at nagmumukha itong belt sa dress. The gold sequin in it is not that dark or bright. Maganda ito sa mata.

Sinoot ko na ito at tinignan ang aking sarili sa aking full-length mirror. The dress have a slit in it, just enough to show a little peak of my thigh. Ang spaghetti strap ng dress ay hindi maluwag, sakto lang talaga. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kasi nagkasya sa akin. Medyo revealing sa taas na part kasi ito ay v-neck pero hindi ka naman mabubusohan.

Mayroon na ring kasama na heels ang dress. It's a black strappy heels and it's just around three-inches. Nagmadali na akong mag-ayos kasi susunduin ako ni Luke Ivan. I just put a lip stick para hindi ako maputla tignan. Hindi  ko na rin kasi kailangan ng eye make up since makapal at mahaba naman na ang aking mga pilik mata at hindi naman ako sanay na may  makapal na make-up. Kinuha ko na ang maliit kong pouch, sakto lamang paglagyan ng lip stick, phone at maliit na wallet. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Better Than WordsWhere stories live. Discover now