Chapter 18

2.3K 39 0
                                    

Alena's PoV

Nakauwi na ako ng bahay at nasa loob na ako. Naabutan ko sila Kuya na nakaupo sa sofa pero di ko sila pinansin.

"Bakit ka nag-ditch ng class?" Tanong ni Kuya Red. Nag-ditch nga ako ng buong klase, pagkatapos kasi ng away nmin ni Kaye dumiretso ako ng rooftop at pagkatapos naman nun, pumunta ako sa mall.

"Maupo ka dito, mag-uusap tayo" utos ni Kuya Grey sabay turo sa isa pang sofa. Sumunod na lang ako para matapos na kasi alam kong pipilitin lang nila ako.

"Bakit ka nag-ditch?" Pag-uulit ni Kuya Grey sa tanong.

"Like you care" sagot ko at tumayo na.

Dumiretso na ako sa kwarto at natulog na lang.

****

"Young Lady, gising na po. Pinapatawag na po kayo nila Master"

Napamulat ako sa boses ni Althea. At ano daw? Master? Ibig sabihin andito na sila Dad galing sa business trip.

"Sige, sunod na ako" bumango na ako at pumunta sa dining.

"Hi Dad--" dudugtungan ko pa sana yung sasabihin ko nang makita ko na mga seryoso yung expression nila.

"Let's eat" sabi ni Mom kaya naupo na ako.

"Why did you ditch your class, Alena?" Tanong ni Dad habang kumakain "Sabi mo gusto mong mag-aral sa normal school para maka-experience ng iba, eto ba yung ibang tinutukoy mo?!"

"N-no--" di ko na naman natapos yung sasabihin ko ng magsalita ulit sya.

"Then what?! Una sinigawan mo ang Kuya Red mo! Pangalawa inaway mo sila Kaye at Abby! Pangatlo nag-ditch ka ng whole class! At pang-apat sinagot mo ang Kuya Grey mo!"

Yung ekspresyon kong gustong nagpaliwanag, naging cold at emotionless. Parang di naman nila ako kilala, ganito ako kapag gusto ng space at may bagay ako na ayaw munang sabihin.

"Nawalan na ako ng gana" sambit ko at tumayo na sa kainan.

"Kung makatalikod ka samin at sa pagkain akala mo may naii-ambag ka na sa pamilya na to! Akala mo ikaw yung nagbibigay ng sustento!"

Gusto ko ng sabihin yung tungkol kay.. ano. Pero sa tuwing nababanggit yung pangalan nya, naalala ko yung mukha at katawan nyang duguan at ang itim ng mata. Natatakot at nanginginig ako.

"Stop shouting. Let our daughter speak, kaya nga tayo andito dba?" Mahinahong sabi ni Mom "Alena, tungkol ba ito kay--"

"Mom, please. Wag mong sabihin yang pangalan na yan. Pakiramdam ko andito sya kapag nababanggit yang pangalan nya at nakikita ko rin yung itsura nya"

Nararamdaman kong may luha ng tumutulo sa mga mata ko at nanginginig na ako, literal. Konti na lang at babagsak na ako.

"Bunso, bakit?" Tanong ni Kuya Grey na nag-aalala.

"W-w-wala lang to. Kung pwede don muna ako sa kwarto ko"

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Kuya Red at tumango na lang ako.

Dumiretso na ako sa taas, sa kwarto ko. Pumunta ako sa pinaka-sulok ng kwarto ko at naupo. Inangat ko ang tuhod ko at niyakap ko yun ng dalawa kong braso at kamay sabay sinandal ko ang ulo ko dun.

Bakit ba yun yung nakikita ko sa mga oras na to. Nakikita ko yung mukha at katawan nya na puro dugo, pati na rin yung gilid ng mata nyang nangingitim yung gilid.

Ayoko na!

Pumunta ako ng banyo at kinuha yung blade ko.

Siguro ito yung dapat kong gawin para maalis na sya sa isip ko. Siguro kailangan rin na mamatay na ako para matigil na to. Hindi ko na kaya. Hindi na... hindi na..

Isang sakit lang naman to eh tapos kapag natapos na to, wala na.

1..

2..

"ALENA!"

May narinig akong sumigaw pero di ko yun pinansin at tinuloy ko pa din.

Siguro naman, matatahimik na ako.

"Bunso, bunso.. wag kang pipikit ah. Dadalhin ka namin sa ospital"

Naramdaman kong umangat ako pero di ko alam kung sino yung may dala sakin.

Then..

BALCK OUT

*END of chapter 18*

I apologize kung hindi ako nakapag UD kahapon. May exam lang kasi kami kaya hindi ako nakapag-UD kahapon. Sana maintindihan nyo. Thank you.

Treated Like A Princess (Mafia Story) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon