Red's POV
Nakita ko si Alena na natutulog na sa sofa. Hay nako! Pupunta lang pala dto para matulog. Tssk. Di nmn tulugan tong office ko eh. Work place 'to, hindi bedroom.
"Alena" sabi ko pero parang ang lalim na ng tulog nya eh.
Binuhat ko na lang sya papunta ng kwarto ko. Dun ko na lang muna sya patulugin. Ang layo pa ng kwarto nya sa office ko, nakakapagod kaya buhatin to. Haha.
Natulog na rin ako katabi nya sa kama ko. Aissh. Na-miss ko katabi tong bunso nmin.
Alena's POV
Morning...
Nagising ako sa sinag nang araw. Tssk. Di ba nasara yung bintana? Tiningnan ko yung paligid at yung kama... hindi akin to kwarto.
Nag-isip ako ng ilang minuto at naalala ko nakatulog ako sa office ni Kuya Red kagabi. Siguro sya na rin nagdala dto.
Agad akong tumayo at niligpit ang kama at plano ko na sanang umalis at pumunta ng kwarto ko pero biglang bumukas yung pinto.... si kuya Red.
"Oh? Gising ka na pala?" Kuya Red.
"Tingnan mong nakatayo at nakadilat, magtatanong ka pa kung gising na ko" sagot ko kay Kuya. Yung pangbabara ko sa kanilang dalawa, normal na yon samin magkakapatid.
"Oo na, nagiging pilosopo ka na naman eh" sabi ni Kuya Red.
"Common sense kasi" sabi ko at tumango na lang sya.
Dumiretso na kami sa kusina at don ko nakita sila Papa at Mama pati na rin si Kuya Grey. Nakita ko rin si Althea na hinahanda na yung pagkain ko. Actually, nagsasawa na ako sa ganitong buhay eh. Gusto ko namang maka-experience ng buhay sa labas netong fields.
(A/N: Para po sa naguguluhan tungkol sa fields. Yun po yung malaking lupain kung saan makikita yung mansion nila saka kung saan din makikita ung bussiness ng family nya. Para po yun sa mga mayayaman na gusto ng mas malaking lupain. Para po sa naguguluhan pa rin message or comment na lang)
Dito na lang kasi ako lagi. Kahit sa pag-aaral home study. Ayoko na. Naupo na ako sa upuan ko at kumain.
-------------
Pagkatapos kong kumain sinundan ko si Papa saka si Mama sa office nilang dalawa. Kakausapin ko sila tungkol sa enrollment ko sa university. Kumatok na ako ng tatlong beses at binuksan nmn yun ni mama.
"Bakit, Alena?" Tanong ni Mama.
"Pwede ko po ba kayo maka-usap ni Papa?" Ako.
"Sure, come in" Mama.
"Bakit, Alena?" Tanong ni Papa pagpasok ko.
"Dad, gusto ko po sanang mag-enroll sa university" diretso kong sagot sa kanila.
"But Alena, we talk about a hundred times and still you don't understand" sabi ni Papa.
"I get your point kung bakit ayaw nyo akong paaralin sa university but Dad, the rest of my life I stay here in the Fields and doing home study. Gusto kong maramdaman kung pano mag-aral sa university" sabi ko kay Papa.
"But Alena..." sabi ni mama.
"C'mon Dad payagan nyo na ako ni Mum. Sila Kuya na-experience nilang mag-aral sa university then me ayaw nyo" sabi ko. Gustong-gusto ko talga mag-aral sa university.
"Fine, in one condition..." sabi ni papa. Excited na ko. Hala!
"What?" Sabi ko.
"Promise me that you will not get close to a boy just be friend with girls. Don't trust anyone on the university unless yourself and last, make sure that your friends are good influence to you. Okay?" Sabi ni Dad. Dun sa una nyang kondisyon, di ako payag but it's okay.
BINABASA MO ANG
Treated Like A Princess (Mafia Story) - COMPLETED
Teen FictionThis story tells about a girl who happened to be the daughter of a Mafia who leads the 1st rank Gang in the country. She belongs to a family who is known because of their businesses, wealth, status, position, and because their family run the widely...