KANINA pa hindi mapakali si Arianne. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan gayong ang mga kasamahan niya nga ay hindi man lang niya kinakitaan ng pagkabalisa. Nagsimula lang ito nang maalala niyang ngayon pala dadating ang magiging bagong boss nila sa trabaho.
"Huy! Ano ba! Bakit kanina ka pang pabalik-balik?" tanong ni Riza na kasalukuyang nakahiga sa sofa. Nakabalik na ito mula sa pagliban ng isang araw. Ani nito ay may inasikaso lamang ito sa kanilang bahay. Nasa boarding house pa sila ngayon at mayamaya pa ang pasok nila sa Dennie's. Halos parehas naman sila ng shift ngayon kaya magsasabay na lang sila sa pagpasok.
Napatigil siya. "H-ha? Ano... w-wala naman! Haha..." tila 'di sigurado niyang sagot. Napatingin tuloy sa kanya ang kasama.
"Ewan ko sa'yo, Arianne! Para ka kayang kiti-kiting hindi matale! Ano gang problema mo?" tanong muli nito sa tonong Batangueña. Napaupo na lang siya sa kalapit na sofa. Maging siya ay hindi alam kung bakit siya kinakabahan.
"A-ano kase... hindi ga ngayon na ang dating ng bago nating boss?" sabi na lamang niya. Tinaasan naman siya ng kilay ni Riza. "O, bakit naman nakataas iyang kilay mo?"
"Seriously, Arianne? Iyan ba ang dahilan ng kaba mo?" tanong pa nito sa kanya. Tiningnan lang niya ito.
"Bakit? Hindi ka ba kinakabahan?" tanong naman niya. Nagulat siya nang bigla na lamang naging mistulang isang kinilig na dalaga ang kaibigan.
"Duh?! Hindi ka dapat kabahan, girl! Balita ko kase ay bata pa naman ang pamangkin ni Ma'am Den! Tapos mabait daw ito at pogi!" biglang sigaw nito. Kinurot niya nga ito sa braso. "Aray naman!" sigaw muli nito bago sumimangot sa kanya.
"Nako, Riza! Basta talaga pogi, ano?" pinandilatan niya ito ng mata. Tinawanan lamang siya nito. Tsk, nahawaan ko na talaga siya, naisip niya na lang. Naalala niyang ganoon nga rin pala siya dati.
Isang mapanlait na babae. Hindi tumatanggap ng manliligaw na hindi pasado sa type niya. Walang pakialam kung makasakit ng iba. Ganyan si Arianne... noong mga panahong iyon.
Bumangon na sa sofa si Riza at dumiretso sa banyo. "Hoy, babae! Mali-late na pala tayo! Mauna na akong maligo, ah?" sigaw pa nito habang pumapasok sa CR. Naiwan naman siyang naiiling na lamang.
C'mon Arianne! Wala naman sigurong dapat ipangamba.
***
SABAY silang pumasok ni Riza sa back entrance ng restaurant. Agad-agad nilang nakita ang mag-nobyo na sina Lizbeth at Marco na nagyayakapan kaya't bigla tuloy siyang napailing.
"Tsk, tsk! Hoy, magsi-ayos nga kayo! 'Wag kayo ritong maglandian na dalawa!" sigaw ni Riza pagkalapit nila. Tiningnan lang ito ng mag-nobyo pero umayos din naman ang dalawa. Napapalatak naman si Lizbeth.
"Sus! Inggit ka lang, teh! Wala ka atang jowa, eh!" banat naman nito. Napalapit tuloy dito ang babae at saka ito pabirong sinapak sa braso.
"Hoy! FYI, may manliligaw ako 'no!... hindi katulad ng iba d'yan..." biglang sabi nito sabay pasimpleng tumingin sa kanya.
Napataas tuloy siya ng kilay. Ako ba ang pinariringgan ng mga babaeng ito?
BINABASA MO ANG
Fall For Me Again (Jaden & Arianne)
Romance[COMPLETED] For Arianne Samonte, Jaden Zade Dela Vega was nothing but an annoying admirer. He was too vocal in expressing his feelings for her and that's what irritates her the most. She hated his guts. Definitely, he was not her type of guy-payatot...