"NANDIYAN na sina Ma'am Yannie! May kasama siyang lalake!" pabulong na wika ng isa nilang kasamahan pagkasilip nito sa labas ng pinto. Kasalukuyang nasa pantry ngayon si Arianne at naghahanda ng mga orders. Nang marinig niya ang sinabi nito ay muntikan na niyang mabitawan ang hawak na kutsilyo.
"Tsk! Ano ba 'yan..." nasabi na lamang niya habang sinisipat ang kanyang daliri. Sa kitchen siya naroroon ngayon dahil marami pa namang ibang crews na nag-aasikaso ng orders ng mga customer. Sa katunayan kase ay hindi lang siya basta-basta crew sa restaurant. Magaling siyang magluto kaya may mga oras na tumutulong din siya sa kitchen. Dahil sa maganda niyang credentials at referral mula sa kaibigan ay talagang malaki ang ibinigay na tiwala sa kanya ng kanilang amo.
"Talaga?! Nako, baka iyan na 'yung bago nating boss!" sabi pa ng isa.
"Sshh! Malapit na sila!"
Agad silang nagsipag-ayos ng mga sarili. Pati ang mga kagamitan sa kitchen ay kanila ring isinalansan. Mahirap na at baka may masabi pa ang magiging bago nilang amo.
Unti-unting bumukas ang pinto at mayamaya pa ay pumasok na si Yannie. Agad naman nila itong binati.
"Good morning po, Ma'am Yannie!" bati nila sa kanyang kaibigan. Ngumiti naman ito.
"Good morning, guys! Sige ituloy niyo lang ang ginagawa niyo. Pero habang may ginagawa kayo ay may ipapakilala rin ako sa inyo!" masigla nitong anunsyo. Kahit anak ng amo nila si Yannie ay masasabing malapit ito sa mga empleyado. Parang kabarkada nga lang kung ituring nito ang iba kung minsan. Siyempre iba naman ang kaso nila dahil sadyang magkaibigan na sila noon pa.
"A-ah, sige po!" sagot nila habang hinihintay ang ipapakilala nito. Sumilip naman ito sa pinto na parang may tinatawag. Mayamaya pa ay pumasok sa loob ang isang lalake.
Seriously? Talagang dito sa pantry ang deretso?
Nang tuluyan nang makapasok ang lalake ay hindi niya maiwasang pagmasdan ito.
Hindi niya maipaliwanag ngunit parang pamilyar ito sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay nagulat pa siya sa naging reaksyon nito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nakilala siya nito gayong sa tingin niya ay hindi niya naman ito kilala.
Pero pamilyar talaga siya!, sigaw ng kanyang isip.
"Guys, I'd like you to meet your future boss... Mr. Jaden Dela Vega!" masayang wika ni Yannie.
T-teka... Dela Vega?... J-jaden?!
Agad na nanlaki ang mga mata niya at napatitig sa binata. Nahuli niya pa ito na matiim rin siyang tinitingnan.
Siya ba talaga si Jaden?!
Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang binatang sinabihan niya ng masasakit na salita limang taon na ang nakakalipas. Ang lalakeng may gusto sa kanya... noon.
"Good morning po, Sir Jaden!" narinig niyang bati ng kanyang mga kasamahan. Siya naman ay hindi malaman ang dapat na reaksyon. Napaigtad na lamang siya ng sikuhin siya ng katabi niya. "Huy! Ba't 'di mo binati si Sir?" bulong pa nito.
Dahan-dahan niya tuloy na ibinaling ang tingin sa direksyon ni Jaden. Ramdam niya na nanunuyo ang kanyang lalamunan at tila tumigil ang oras at sila lang ang nandoon.
"G-good morning po... S-sir," nauutal niyang bati. Gusto na tuloy niyang sapakin ang sarili nang makitang napataas ito ng kilay.
Lagot kang Arianne ka.
BINABASA MO ANG
Fall For Me Again (Jaden & Arianne)
Romance[COMPLETED] For Arianne Samonte, Jaden Zade Dela Vega was nothing but an annoying admirer. He was too vocal in expressing his feelings for her and that's what irritates her the most. She hated his guts. Definitely, he was not her type of guy-payatot...