Kabanata 6

340 45 16
                                    


"YES, Tita? Ah... so far okay po naman... yeah..."

Napakurap si Arianne nang makita niyang sumulyap sa kanya si Jaden. Tumagal iyon nang halos tatlong segundo bago ito muling tumanaw sa bintana at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa telepono. Sa tingin niya ay ang may-ari ng restaurant ang kausap nito ngayon.

"...I'm okay. You don't have to worry  'bout that. Bye." Ibinaba na nito ang telepono at mayamaya ay napalingon ito sa kanya. Hindi niya agad magawang ialis ang tingin dito sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Bagay na bagay dito ang ayos ng buhok nito. Medyo magulo iyon ngunit bumagay naman sa tinataglay nitong kagwapuhan—

"Miss Samonte?" narinig niyang tawag nito sa kanya. Tila naman nagbalik siya sa reyalidad at napapahiyang tumingin ulit dito.

Syet! Nahuli niya pa ata akong tinititigan siya!

"Is something bothering you? Kanina pa kitang tinatawag pero mukhang wala ka sarili," nakakunot-noong tanong nito sa kanya. Dahan-dahan siyang nagyuko ng ulo at saka nagsalita.

"S-sorry po, Sir," hinging-paumanhin niya. Nasa opisina sila ngayon nito. Katatapos lang niyang ayusin ang tambak na papeles na ipinaayos nito sa kanya kanina. Mahigit isang buwan na simula nang italaga siya nito bilang assistant pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya agad na makapag-adjust sa trabaho niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na mula sa pagiging crew at minsan ay kitchen helper ay heto at bigla siyang naging assistant nitong magiging boss nila.

Ang bilis ng mga pangyayari. Isang araw matapos ang unang pagbisita nito sa kanila noong nakaraang buwan ay agad siyang tinawagan ng may-ari mismo ng restaurant na si Ma'am Dennise at pinaki-usapan siyang gawin na lang ang nais ng pamangkin nito. Ipinangako rin nitong dadagdagan ang sahod niya, mas mataas kumpara noong crew pa lamang siya. Sa ngayon nga ay paminsan-minsan na lang siyang nakakatulong sa ibang mga crews kapag walang lakad si Jaden. Madalas kase siya nitong isama sa mga lakad nito.

Syempre, Arianne. Kaya ka nga assistant eh, pangaral niya pa sa sarili.

Nakita niyang naglakad ang binata papunta sa table nito. Hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin. Sa loob ng isang buwan, hindi niya maitatanggi na umusbong ang paghanga niya sa binata. Hindi lamang sa taglay nitong kagwapuhan ngunit maging sa magiliw nitong pakikisalamuha sa mga kapwa niya empleyado. Hindi pa nga nangyayari pero nais na agad ng mga empleyado na si Jaden na ang maging boss nila. Palatawa kase ito at hindi matapobre. Hindi tulad ni Ma'am Monette na madalas silang pagalitan.

"I have a business meeting later, doon kay Ms. Lopez, yung balak mag-franchise ng Dennie's. Be sure na maayos lahat ng papeles. Baka mamaya ay may kulang na naman," biglang sabi nito at pasimpleng sumulyap sa kanya bago umupo at humarap sa laptop.

Nakagat na lamang niya ang labi. Pasimple rin siyang sumulyap sa copy ng schedule nito at nakita niyang mamayang 1pm nga pala ang meeting nito. Muntik na naman niyang makalimutan.

Alam niyang pinaparinggan siya nito sa huling sinabi nito. May ilang mga sirkumstansya kase na nawawalan sila ng suppliers dahil sa kagagawan niya. May isang beses na nag-back out sa kanila yung isa nilang supplier ng chicken meat dahil sa kagagahan niya. Hindi niya kase mai-present dito ang hinihingi nitong papeles dahil hindi niya naisama sa pag-aayos. Ang nangyari tuloy, na-bwisit ata sa kanila yung supplier at nag-walk out pa.

Nagalit sa kanya noon si Jaden. Hindi siya nito pinansin at iniwan din siya nito dun sa restaurant kung saan sila nag-meeting. Nag-commute na lang tuloy siya pauwi. Habang sakay siya noon ng jeep ay hindi niya mapigilang umiyak. Naiinis siya sa sarili. Matalino naman siya pero hindi niya alam kung bakit may mga pagkakataong ang tanga niya. Iyan tuloy nagalit pa sa kanya si Jaden.

Fall For Me Again (Jaden & Arianne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon