Chapter 11

13.6K 274 7
                                    





Nandito kami ngayon sa mall together with my best friend, Amora. Napagdesisyunan kasi namin na pumunta dito since pareho naming day-off ngayon sa trabaho.


The twins have a class today kaya hindi sila kasama ngayon sa amin gano'n din ang anak ni Amora na si Cheena.


Dalawang taon ang tanda ni Cheena sa mga anak ko. Mag-isa rin siyang pinalaki ni Amora dahil iniwan din siya nang dati niyang kasintahan.


"So, you mean is, tuluyan na talaga kayong nagkita ni Timothy?" Tumango ako sa kanya. "At ang mas malala pa doon ay ikaw pa talaga ang naging secretary niya!" Hindi makapaniwalang sabi niya.


Bumuntong hininga ako sa kanya at tipid siyang nginitian. "Hindi ko din kasi alam na siya pala ang magiging boss ko kaya kaagad kong tinanggap ang offer ni Sir Perez. Wala na kasi akong maisip no'ng mga araw na 'yon, eh. Tanging mga anak ko lang ang nasa isip ko at malaking tulong iyon sa akin at sa mga anak ko kapag tinanggap ko ang offer niya. "


"So, nagsisi ka ba ngayon kung bakit mo tinanggap? My god, Cassy! Alam mo naman na sa Villa-mir Empire ka magtatrabaho pero tinanggap mo pa rin! Hindi ko tuloy alam kung bobo ka ba talaga o sadyang tanga ka lang!"


"Oo na tanga at bobo na ako! Malay ko ba naman na siya pala ang CEO nang Villamir Empire. Ang dami ba namang Villamir sa mundong ito kaya hindi ko na naisip na siya iyon!" She raised her brow and shook her head as if she can't believe of what I said.


"Parehas naman nating alam kung sino talaga ang tagapagmana nang mga ari-arian ng mga Villamir, Cassy! Alam mong si Timothy na iyon kaya hindi ko alam kung bakit na isip mo na may iba pang tagapagmana nang Villamir Empire!" Ngumuso ako sa kanya at umiwas ako nang tingin.


Maging ako ay hindi ko din alam kung bakit hindi ko 'yon naisip! Para bang sinadya ang lahat nang pangyayaring ito.


" Alam ko naman iyon, eh! Sadyang hindi lang talaga kaagad nag process iyon sa utak ko! Ang tagal ko na kasing walang balita sa kanya kaya hindi ko na naisip na pwedeng siya iyon atsaka hindi na ako umasa na babalik pa siya dito sa Pilipinas. Tanging kapakanan lang nang mga anak ko ang naisip ko no'ng mga araw na 'yon kaya hindi mo ako masisisi, Amora." Saglit siyang natahimik doon at bumuntong hininga.


"Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa kambal?" Ani Amora.


Hindi ko din alam kung anong gagawin ko kapag nalaman niya ang tungkol sa kambal.


Alam kong malalaman na malalaman niya ang tungkol sa kambal dahil wala namang sekretong hindi nabubunyag. At natatakot ako sa oras na malaman niya ang tungkol sa kanila ay baka bigla niyang kunin ang kambal sa akin.


"May plano ka pa bang sabihin sa kanya ang tungkol sa mga anak niya? Remember, Cassy, may karapatan siya sa mga anak niya." Napayuko ako dahil doon.


Alam ko naman iyon, eh. At kahit kailan ilang beses ko nang pinag-isipan iyon.


"I don't know, Amora. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang tungkol sa mga anak namin. Hindi ko alam kung paano, ayaw ko namang guluhin ang buhay niya gayon nakikita kong masaya na siya sa magiging pamilya niya."


"Alam mong mas malaking problema kapag hindi mo sinabi sa kanya ang totoo, Cassy. Habang maaga pa ay kailangan mo nang sabihin sa kanya bago pa niya ito malaman sa iba."


"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, nahihirapan din ako. Paano kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa mga anak namin ay baka bigla niyang kunin sa akin ang mga anak ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang mga anak ko sa akin, alam mong sila nalang ang mayroon ako ngayon kaya natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo." Nanginginig na sabi ko.


The Billionaire's Owned My Heart (Villamir Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon