Chapter 3

0 0 0
                                    


NAPAHALAKHAK si Rico habang pinapanuod ang mga videos ni Meili sa kanyang cellphone. Nasa loob siya ng kanyang cabin at nakahiga sa kama. Tila buo na ang araw niya. Hindi niya maiwasang maluha sa sobrang tawa - tears of joy. Napuno ng dalaga ang memory storage ng kanyang cellphone. Puros baliw-baliwan na dubsmash at pagpapa-cute na selfies ang naka-save rito. Hindi niya maikakailang naaliw siya sa kakaibang personality ni Meili - pleasing and charming.
"Grabe, napaiyak talaga ako," aniya sabay punas sa namuong butil ng luha sa gilid ng mga mata.
He had fun seeing her different facial expression. Iba ang impact nito sa kanya kumpara sa mga babaeng nakilala niya. Simple lang si Meili. Parang wala itong kaartehan sa katawan. He had to admit, she was effortlessly beautiful. She had the eyes of the youth - bright and rounded, rosy white glow cheeks, plum lips and middling nose. Enough to make her even more attractive.
Meili did not deserve his cold treatment awhile ago. Batid niyang, nakumbinsi siya nito. He was just testing her. And he could not help it.
Pakiramdam niya, there was something special about her that makes him want to know her more.





PASADO ALAS-SIYETE na ng gabi nang lumabas si Meili mula sa Delight. Pakiramdam niya, parang mabigat ang kanyang buong katawan. Nagpapasalamat siya at wala siyang pasok ng araw na iyon. Hindi naman niya inakalang marami ang customer na darating sa Delight. Ni hindi siya magkandatuto na asikasuhin ang order ng mga customer.
Bahagyang inunat niya ang kanyang balikat.
"Sarado na kayo?"
Napakurap si Meili nang makita si Rico. Nakapamulsa ang binata.
"Oo."
Mayamaya ay humakbang ito palapit sa kanya.
"Bakit?"
Ngunit imbis na sagutin siya ni Rico ay biglang hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Nakaramdam siya ng kakaibang pakuryente na dumaloy sa kanyang buong katawan. Ngunit hindi niya magawang bawiin ang mga kamay mula rito.
"Teka, saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta. Huwag ka lang munang maingay."
Napaawang ang bibig ni Meili sa sinabi ni Rico. Gayunpaman, sinunod niya ang sinabi nito, nanatiling tahimik lamang siya.
Sa isang alley dinala ni Rico si Meili. Ramdam niya ang malamig na semento sa kanyang likod nang mapasandal siya roon. Kinabahan agad siya. Tahimik siyang nanalangin. Hindi niya alam ang gagawin. Kulang ang lakas niya para ipagtanggol ang sarili laban sa matipunong katawan nito.
Malapit na sila sa isa't-isa at na nalalanghap niya na ang oriental and citrus woody scent na pabango nito. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng backpack bag. Tumingala siya kay Rico. Bakas ang pakabalisa sa kayumangging mata nito. At hindi niya maiwasang magtaka at mangamba.
Ngunit mas lalo pang nagwala ang puso niya ng maramdam ang mainit na pisngi nito na dumapi sa pisngi niya. Napapikit siya. Buong buhay niya ay iyon palang ang unang pagkakataon na may isang lalaking ganun kapisikal na napalapit sa kanya. Buong buhay niya! At hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya.
"Teka, bakit mo ba 'to ginagawa? Hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinasabi ko. Sina-"
Napahinto sa pagsasalita si Meili nang takpan ni Rico ang bibig niya gamit ang kanang kamay nito. Mabango ang mga palad ng binata. Amoy mentol.
"Ssh. Just keep quiet."
Napadilat ang mga mata niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ni Rico sa kanya. Ang alam niya, hindi naman ganuon kalaki ang kasalanan niya. Ibinalik na niya ang mamahaling cellphone dito kaya ano pa ang gusto nitong makuha mula sa kanya?
Kumurap siya kasabay ng pagdaan ng anino ng isang matangkad na babae at may mahabang buhok. Ilang minuto lang, inilayo na nito ang sarili sa kanya. "Thank God, she left," saad nito kapagkuwan.
"Ano bang problemo mo? Bakit mo 'yun ginawa? May pinagtataguan ka ba?" asik niya.
Napahagod sa batok si Rico. "May nakita kasi akong tanod kaya naisipan kung itago ka. Baka kasi mahuli ka. Alam mo naman di'ba, bawal ang mga minor na pakalat-kalat sa daan kapag tulad nitong lumalalim na ang gabi?"
Napatingin si Meili sa relong pambisig. Napangiwi siya. At muling binalingan si Rico. "Sa tingin mo, maniniwala ako sa'yo? Sevent forty five pa lang, hindi ten pm. Tsaka, nineteen na ako, hindi ako minor." Naasar siya rito. Pagkamalan ba naman siyang minor?!
"Hindi ba? Akala ko kasi. Pasensiya na, mali pala ako."
"Talagang mali ka, dahil kahit pa mapagkamalan akong minor, hindi pa rin nila ako huhulihin dahil may kasama akong matanda. Hindi ka ba nanunuod ng balita sa TV? Alam mo, hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa mo kanina. Hindi magandang biro 'yun. Natakot ako ng sobra."
Napakunot-noo si Rico. Sa tingin niya ay tila napikon ito sa sinabi niya kaya agad niyang binawi ang tingin dito. "Uuwi na ako," wika niya kapagkuwan ay tinalikuran ang binata.
"Teka."
Muling nilingon ni Meili si Rico. "Bakit?"
"Akin na ang kamay mo."
"Ha?"
"Sabi ko, akin na ang kamay mo."
Nagtataka siya. "Bakit ko naman gagawin 'yun?"
"Basta sundin mo na lang."
Inilahad niya ang kanang kamay dito. At biglang kumabog ang pintig ng puso niya ng hawakan ni Rico ang kamay niya. May kinuha ito sa bulsa at inilagay sa mga palad niya. Nang tingnan ni Meili kung ano, nakita niya ang sim card niya.
"Nakalimutan mong kunin."
"May tumawag ba sa number ko?"
Saglit na nag-isip ito. "Hmm...oo"
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko, wala ang may-ari kaya tumawag na lang uli bukas."
"Sino raw ang tumawag?"
"Mama mo."
Namilog ang mga mata niya. Paano niya ipapaliwanag sa mommy niya ang nangyari? Paano kung iba ang isipin nito?
Pumalatak siya.
"Bakit mo naman sinagot?"
"Aba'y malay ko ba? Akala ko naman kasi sim ko ang naka-insert sa cellphone ko. Di'ba nga sabi mo hindi mo pinakialaman? 'Yun pala ginamit mo."
"Hindi ko ginamit ang cellphone mo. Naki-insert lang ako sandali. Ni hindi nga ako marunong gumamit 'nun."
Bahagyang napatawa ito. 'Talaga?"
"Oo 'no. Nagsasabi ako ng totoo."
"Eh, paano nangyari na may mga videos at pictures ka sa memory ko? Anong tawag mo 'dun, magic?"
Nagulat siya sa sinabi nito. Bigla niyang naalala ang mga pinagagawa niya sa mamahaling cellphone nito. Bakit ba nakalimutan niya 'yun? "Teka, nakita mo?"
Tumango si Rico.
"Burahin mo 'yun."
"At bakit ko naman gagawin?"
"At bakit mo naman hindi gagawin?"
"Oo na. Buburahin ko."
"Talaga?" paniniguro niya.
"Oo sabi."
"Kung ganun, nagkakaintindihan na tayo. Tapos na ang usapan natin kaya aalis na'ko."
"Teka, hindi pa tayo tapos 'no, saan ang sim card ko?"
Nag-isip siya sandali. Saan ko ba nailagay 'yun?
Napabuntong-hininga siya. "Ibabalik ko sa'yo bukas. Alam mo naman kung saan ako makikita di'ba? Sige, mauna na ako sa'yo."
Hindi na sumagot si Rico. Hinayaan na lang siya nito. Kaya nauna na siyang umalis dito. Hindi niya mapigilang mabusangot. Iniisip niya kung saan niya itinago ang sim ni Rico. Saan ba yun?, bulyaw nalang niya sa sarili.


GAYA NG INAASAHAN ni Meili, muling bumalik si Rico sa Delight kinabukasan. Pansamantalang natigil siya nang masilayan ang guwapong mukha ng binata. Nakasuot ito ng simpleng itim na plain t-shirt, faded jeans, rubber shoes at white rain coat. Umaga pa lang, malakas na ang buhos ng ulan.
Napahalukipkip naman ito nang makapasok.
"Grabe, nabasa na talaga ako," mayamaya ay wika nito ng makalapit sa counter.
"Binabaan ko na nga ang temperature ng aircon eh, pero ang lamig pa rin," aniya. "Nga pala, heto na 'yung sim card mo." Binigay niya ang sim card ng binata. Buong gabing hinanap ni Meili ang sim card sa bawat sulok ng boarding house niya. Kaya laking pasalamat niya nang makita iyon sa loob ng isang kahon sa drawer niya.
Gayunpaman, hindi naging kumportable si Meili nang maramdaman ang mainit na kamay ni Rico. Naglapat ang mga kamay nila nang abutin ng binata ang sim card mula sa kanya.
Tumikhim ito. "Salamat," matipid na sagot ni Rico.
Bahangyang napangiti si Meili.
"Sige, aalis na ako."
"Teka, huwag ka munang umalis, hayaan mo munang tumila ang ulan kasi sa tingin ko, hindi kakayanin ng rain coat mo ang lakas ng ulan. Siguradong mababasa ka pa rin."
"Siguro nga. Dito muna ako magpapasilong." Nakiskis ni Rico ang mga kamay sa kanyang magkaliwang balikat. "Ang lamig naman," patuloy pa nito.
"Gusto mo ng kape?"
"Meron ka? Libre ba?"
Sunod-sunod na napatango si Meili.
"Kung ganun, sige," anito.
Saglit na pumasok si Meili sa kitchen. Ipinagtimpla niya ng kape si Rico. Ilang sandali pa, lumabas na siya na may dalang tasa. Umuusok pa ang kape. "Heto, para sa'yo."
Napangiti si Rico at kinuha ang tasa na inilagay ni Meili sa counter. Sandaling nilanghap pa nito ang mabangong aroma ng kape na kumalat sa kabuuan ng Delight.
"Ang pait ha," mayamaya ay puna ni Rico matapos makahigop ng kape.
"Hindi kasi mabuti ang sobrang sugar sa katawan," sagot niya.
"Kahit na, mas okay pa rin kung matamis ang kape. Mas masarap."
"Kung ganun, bumili ka na lang ng cake kung gusto mo ng matamis. Kasi alam mo, sila talaga 'yung magkapares. Ano? Bibili ka na ba?"
Pumalatak si Rico. "Nah! Siguro sinadya mo talaga 'no?"
Bahagyang napangiti si Meili. "Hindi naman sa ganun, pero, alam mo kasi, may mga bagay talaga sa mundo na nilikha para magkapares. Tulad nalang ng bread and butter, alamang sa pinakbet, ketchup sa french fries at marami pa. Ganun din ang cake sa kape. Ang tamis ng cake ang mas nagpapasarap ng mapait na kape. At ang mapait naman na kape ang mas nagpapatamis ng cake. Ibig sabihin, kailangan nila ang isa't-isa. Kaya ibigay mo na sa kape 'yung bagay sa kanya. Sige ka, magtatampo 'yang kape mo sa'yo."
Natawa si Rico sa sinabi ni Meili. "Iba ka rin ha."
"Talaga 'no. Wala akong katulad," aniya na inangat pa ang isang sulok ng labi niya.
"Sige na nga, ano ba ang masarap kainin na cake ngayon?"
Lumarawan ang malapad na ngiti ni Meili. Natutuwa siya. Sa wakas, may benta na siya para sa araw na iyon.
"Raspberry Cheese Cake ang masarap ngayon. Kukunin ko na ha. Wala ng bawian 'yan"
Ngiti lang isinagot ni Rico. May magagawa pa ba ito?



ALWAYS REMEMBER na sa pastry, dapat magaan lang 'yung mga kamay mo sa pagmamasa ng harina dahil kapag nasobrahan, nagiging tough 'yung pastry. Hayaan mong makahinga ang dough para hindi siya tumigas. Nakukuha niyo na ba ang ibig kong sabihin? Sa pastry, dapat sakto lang."
Napatango-tango si Meili habang pinakikinggan ang pagtuturo ni Ma'am Jessica. Nalilibang siya. Ngunit naghihinayang siya nang bigla na lang namayani sa buong building ang isang mabilis na tugtugin - hudyat na tapos na ang oras ng klase. Kaya naman ilang segundo lang, isa-isa ng nagliligpit ng mga gamit ang mga kaklase niya. Kasama na rin siya.
"Meili!"
Eksaktong palabas na si Meili ng classroom nang marinig niya ang pagtawag ni Ma'am Jessica sa pangalan niya. Lumingon agad siya rito.
"Bakit po Ma'am?" tanong niya.
Bahagyang ngumiti si Ma'am Jessica. "Meili, about 'dun sa scholarship mo, natutuwa akong sabihin na nakapasa ka."
"Kung ganun, next year po sa Australia ko na tatapusin ang pag-aaral ko, Ma'am?" Masaya siya.
"Maaring mangyari 'yan. Kaso nagkaroon ng problema sa host school. Hindi ko matukoy kung ano talaga ang buong pangayayari, pero sa ngayon, kailangan muna nating hintayin ang approval ng isang eskwelahan. Nagpadala na ako ng letter. At kapag okay sa kanila, baka matuloy na talaga ang pagpunta mo.”
Bumangon ang isang magandang pag-asa sa puso ni Meili. Sa isang iglap, maaaring magbago ang takbo ng buhay niya. Makakasama na niya ang ina at makakapag-aral na siya sa ibang bansa. Malaking bagay para sa kanya iyon. Kaya saglit na palihim siyang nanalangin. Hinihiling ni Meili sa mga anghel sa langit, pati na sa kanyang ama, na sana dinggin ang dasal niya. Batid niyang kaunting hakbang na lang, maabot na niya ang pangarap. At buong puso niya itong tatanggapin at yayakapin.
"Salamat, Ma'am Jessica," tanging na usal niya.
"Huwag ka munang magpasalamat sa akin, Meili. Kapag okay na ang lahat, diyan ka na lang magpasalamat."
"Para na po 'yun sa lahat ng kabutihan niyo sa akin, Ma'am Jessica. Tatanawin ko po itong utang-na-loob."
"Hindi naman kailangan. Nga pala, puwede mo ba akong tulungan?"
"Saan po?" magiliw na tanong niya.
"Malapit na kasi ang birthday ko, balak ko sanang magpagawa ng cake sa Delight. Kaso pinag-iisipan ko pa ang design. Matutulungan mo ba ako?"
Ngumiti si Meili. "Sige po Ma'am Jessica."

Just in Time (Completed)Where stories live. Discover now