Chapter 11

0 0 0
                                    

Two years later...

ARAW NG SABADO. Nagpasya si Meili na mamasyal. Nasa Campbell’s Cove siya sa eastern shore ng Sydney. At kanina pa niya nililibang ang sarili sa paglalakad sa light walk – na may animnapung nagagandahang iba’t-ibang mga ilaw at may nakakaagaw-pansin na 3D-mapped building projections – na nagpapa-ilaw sa Sydney’s waterfront. Ang disenyong iyon ay sinadya para makalikha ng post-modern at ribbon-shaped hotel.
. Gayunpaman, off duty niya sa trabaho. At maliban sa bukas iyon para sa lahat, libre rin ang pamamasyal sa lugar.
She smiled in great pleasure. She never thought she would be in that place in her entire life. For a short time, she closed her eyes and savor the moment. Matagal na siya sa Australia. Ngunit hanggang ngayon tila nasosorpresa pa rin siya sa ganda ng bansa.
Nang makatapos siya ng pag-aaral, ay doon na rin siya nagtrabaho – nakapasok siya sa Stargazer Cruise Ship bilang isang assistant pastry chef. At labis siyang nagpapasalamat. She believed. At dahil iyon sa isang tao na naiwan niya sa Pilipinas. Her heart knew who.
For  two years, she felt homesick. Ngunit pinipilit niyang patibayin ang sarili sa bansa ng mga banyaga. It seemed to be her destiny. At unti-unti na rin siya nasasanay sa bagong paraan ng pamumuhay. She worked in lengthy shifts and extensive working days. Umaabot sa labindalawa hanggang labing-apat na oras sa isang araw ang trabaho niya sa loob ng isang linggo.
Bagamat ng mga sandaling iyon, nais muna niyang aliwin ang sarili sa nagagandahang tanawin. She wanted to enjoy life.
Sa pagkamangha, naisipan niya na kunan ng litrato ang sarili. She took her cellphone out and after a minute, she flashed a hearfelt smile.
Ngunit nang makita ang litrato, parang tinamaan siya ng malakas na kidlat. The back of the man – that was behind her – was so familiar!
Rico?
Awtomatikong napalingon siya sa likuran, ngunit nawala na ito roon. Was she just mistaken? Hindi kaya si Rico ang lalaking iyon?
Hindi na siya nag-isip pa. Agad niyang hinanap ang lalaki kung nasaan man na sulok ito nagpunta. She needed to know. Tila hindi siya matatahimik hanggat hindi nasasagot ang mga tanong niya.
Sa loob ng dalawang taon ay hindi ito kailanman nabura sa isipan at puso niya. Pag-aari pa rin ni Rico ang puso niya. At sa mga araw na nagdaan, sinikap niyang ibalik uli ang lahat sa dati ngunit tila may kulang na talaga sa buhay niya.
She was hoping. Kung saan-saan na napadako ang mga tingin at paa niya makita lang ito, subalit there was no trace of him.
Was it you, Rico? Nandito ka nga ba? Magpakita ka naman, oh. Please, magpakita ka naman sa akin, oh.
Somehow, she felt restless.
Sa halip na tumigil ay mas lalo pa niyang inigihan ang paghahanap. Wala siyang pakialam kung pawisan na siya kakatakbo o kung ano pa man. What she wanted was to be sure if it was really Rico, he just saw.
Baka wala ng ibang pagkakataon pa.




“WHAT’S with that face?”
Napasinghap si Meili nang bigla na lang tumabi si Ron sa kanya. She was solicitously gazing at the Sydney harbour bridge habang nakatayo mula sa isang sulok ng cruise ship. Iniisip niya ang hindi inaasahang nangyari kahapon.
Umiling siya. “Wala naman. Pagod lang ako.”
“Talaga? Ang aga pa, ah. Bakit? Eh, kagagaling mo lang sa day off di’ba? Tsk. Huwag mo’ng sabihin na ayaw mo ng magtrabaho?”
“Hindi.”
“Eh, bakit parang pinagsukluban ‘yang mukha mo ng langit at lupa?” usisa nito. Napakamot siya sa ulo. Kahit kailan, hindi pa rin talaga nababago ang ugali nito. Hindi lang niya mantindihan kung bakit sa rami-rami ng cruise ship sa Australia, ay doon din ito nakapagtrabaho. Tuloy, kinukulit siya nito ngayon.
“Wala lang,” wala sa loob na sagot niya.
Napabuga ito ng hangin sa ere. “Sa lagay mo na ‘yan? Siguro iniisip mo na naman siya ‘no?”
“Ha?” Napalingon agad siya rito. Paano nito nalaman?
“Halata ka naman kasi masyado. Alam mo ba na simula ng umalis tayo ng Pilipinas, ganyan ka na? Bigla-bigla ka na lang natatahimik at parang lumilipad ‘yang isip mo. Ibang-iba ka na sa dating Meili na nakilala ko. At dahil iyon sa lalaking may edad? Iyong Rico? Tama ako di’ba?”
Napahugot siya ng malalim na hininga. “Nagkakamali ka. Sa buhay, wala talagang permanente. Lahat ng bagay nagbabago. Maliban lang siguro sa’yo,” pagdadahilan niya. Kapag tungkol sa puso na ang pinag-uusapan, hindi siya kumportabe. Ni hindi nga siya nagkukuweto pagdating sa paksang iyon kahit sa Mama Belinda niya. Mas gusto niya na manatiling pribado ang usaping puso.
Napatawa ito ng pagak. “Nagbago na rin ako ‘no. Mas naging mature na ako ngayon at guwapo. Hindi mo ba napapansin, pinaghahabol na ako ng magagandang mga babae.”
Umismid siya. “Ewan ko sa’yo. Makaalis na nga.” Tinalikuran niya ito.
“Teka, saan ka naman pupunta?”
“Maghahanda.”
“Maghahanda? Para saan?”
Napalingon siya kay Ron. “Nakalimutan mo na agad?”
Pumalatak ito. “Tama. May welcome party pala ngayon.”
Napabuntong-hininga siya. Tila nakalimutan yata nito ang magaganap na party. Tuwing may mga bago kasi na empleyado ang Stargazer ay nagkakaroon ng malaking pagsasalo para sa lahat ng departamento. Paraan iyon ng kompanya para magkakakilala ang lahat. Na kung sakaling magkaroon man ng problema ay mayroong koordinasyon at pagtutulungan. Isa pa, mahalaga din sa Stargazer ang personal na relasyon ng bawat isa tulad na lang kung gaano rin nila pinapahalagahan ang pagpapanatili sa kaayusan ng bapor.
At kahit nakagawian na ang ganuong pagsasalo ay inaabangan pa rin iyon ng karamihan. Sa taas ba naman ng standards ng Stargazer, masasabik talaga ang mga dati ng empleyado na makilala ang mga bagong makakasama sa trabaho na talagang dumaan pa sa butas ng karayom para makapasok.
Gayunpaman, binuksan niya ang pinto sa kanyang silid at pumasok. Kahit pa abalahin niya ang sarili o libangin sa ibang mga bagay, hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang pamilyar na malapad na likod ni Rico.
Imposible naman siguro talaga. Baka hindi na rin ganun ang tindig niya. After two years, marahil malaki na rin ang pagbabago sa katawan niya. Hay naku Meili, kalian ka pa ba kasi makaka-move on? Baka nga nakalimutan ka na niya, eh. Siguro masaya na siya kung nasaan man siya ngayon... o siguro may sarili na siyang pamilya kasama si Ma’am Jessica.
Napahilot siya sa sentido. At napahiga sa kama.
Simula ng mabalitaan niya na umalis na si Ma’am Jessica sa Mindanao University ay wala na siyang narinig na balita tungkol dito. At wala na rin siyang naging kontak sa Pilipinas.


BAHAGYANG napangiti si Meili sa samu’t-saring pagkain, alak at magandang musika na sumalubong sa kanya nang makarating siya sa malawak na bulwagan – na pagdarausan ng welcome party. Malamang na sino man na baguhan ay siguradong masosorpresa sa ganuon kainit na pagtanggap.
It was a night of a spectacular celebration. Tila thanksgiving party na rin iyon para sa lahat. And everyone seemed to be joyful and thrilled – to finally meet the new employees of Stargazer – the highlight of the evening’s event.
She sailed her eyes off in every corner at biglang napatda ang puso niya nang mapansin ang isang pamilyar na tindig ng nakatalikod na lalaki suot ang itim na amerikana nito.
All of a sudden, she felt trembled. Namamalikmata ba siya? Tila ito rin kasi ang lalaking nakita niya sa Campbell’s Cove.
Is it you, Rico?
Akmang hahakbang na siya palapit dito nang biglang may umakbay sa kanya. Si Ron.
“Ang ganda mo ngayon, ah.”
He cheerfully looked at her. Nakasuot siya ng laced peach dress and pastel pink heels. Ang kanyang buhok naman na hanggang dibdib ay hinayaan lang niya na nakalugay.
Binalingan niya si Ron na nakasuot ng royal blue amerikano and gray slacks. “Wala akong panahon para makipagkuwentuhan sa’yo Ron. May kailangan akong puntahan,” aniya kapagkuwan.
“Teka, saan naman?”
“Basta. Maiwan na muna kita.”
Kinuha niya ang mga kamay nito na nakasukbit sa balikat niya. At muling nilingon ang ang kinaroroonan ng lalaki ngunit wala na ito roon.
Nasaan na naman ba siya?
Kasabay ng paghahanap niya rito ay biglang umalingawgaw sa buong bulwagan ang isang pamilyar na tinig ng isang lalaki.
Napalunok siya.
Rico?
Nang kumpirmahin niya ang may hawak ng mikropono, tuluyan ng nagtambol ang puso niya. Her world suddenly stopped. Mistulang naglaho ang mga taong nakapaligid dito at ito na lang ang natira.
Ikaw nga!
He was ten times even more handsome now. Guwapo naman talaga ito kahit noon pa. Yet his looks seemed different. Parang may kung anong kakaibang emosyon sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag.
Base sa pagpapakilala ni Rico, ito ang magiging bagong kapitan ng barko.
And after his short speech, ibinalik na nito ang mikropono sa host at nagtungo sa isang pub table.
Bahagya siyang nagpakawala ng malalim na hininga and then walked towards his direction.
Tumikhim muna siya. “R-Rico?” nauumid na wika niya.
Bumaling ito sa kanya. At ganun na lang ang kaba niya nang makaharap na ito. His oriental and citrus woody manly scent reminded him of the past. At napatitig siya sa guwapong mukha nito. Ngunit bakit tila hindi man lang ito nagulat kagaya niya? His expression was cold as ice. And it seemed to freeze some part of her. Ngunit bakit?
“Yes?” he said in a casual voice.
Hindi agad siya nakaimik. Mukhang lumabod ng paurong ang dila niya. At hindi niya maiwasang magtaka. Did he not recognized her na hindi man lang siya nito binati bilang dating kaibigan? Pero light make-up lang naman ang in-apply niya kaya imposible. Tsaka, sa dalawang taon, hindi naman ganuon kalaki ang ipinagbago ng facial features ng mukha niya maliban sa nag-mature lang siya ng kaunti.
Yet she didn’t want to be bothered by those. Ang tanging nais lamang niya ay makasama ito. Thus, she choose to smile sa kabila ng kaguluhan sa isip niya. “Ako ‘to, si Meili,” sagot niya.
“Oh, I almost forgot.”
Natigil siya. At parang napako siya sa kinatatayuan. Akala niya, hindi lang siya nakilala nito, hindi pala. He almost fail to remember her at iyon ang biglang nagpabigat ng damdamin niya.
“Ahm, kumusta ka na?” pagsisimula niya.
“I’m alright. How about you? I bet you are happy now,” tugon nito.
Tumango siya. “Oo,” sagot niya. Sino ba naman ang hindi liligaya kung mismong nasa harapan muna ang lalaking matagal ng sinisigaw ng iyong puso?
Then a brief minute of silence filled the air.
He nodded and stooped for a while. “I see. That may be the reason why you look so great tonight.”
Saglit na natahimik siya. She blushed. And in her surprise, muli niyang nakita ang kinang sa mga mata ni Rico. Ngunit agad naman nag-iwas ito ng tingin.
“Ah, salamat. Ikaw rin, bagay sa’yo ang suot mo.”
“Thanks. I did it myself this time,” sagot naman nito na muling tumingin sa kanya.
She suddenly felt nostalgic. Bigla niyang naalala ang nakaraan.
Napatikhim siya. “Talaga?” Sinikap niyang hindi maging emosyonal.
“Yeah. A lot of things really changed and, so do we,” malamig na tugon nito.
Sa narinig, parang natisud ang puso niya. Ano ba ang talaga ang gusto nito na ipabatid?
She felt drifted away. Naguguluhan siya kung bakit ganun na lang katabang ang pakikitungo nito sa kanya ngayon. What have I  done?
Hindi pa man siya nakakasagot, nagsalita na naman uli ito.
“I’m a bit tired. Would it be okay to you if I head on first?” biglang tanong ni Rico.
And for that second, she felt weak. Parang tuluyan ng nausig ang puso niya dahil sa bulag niyang kamalayan. Yet, she still managed to flare a smile.
Wala sa sariling napatango siya. At sa pagtalikod nito sa kanya ay kumawala ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.
Muli.


“MAGLALASING ka?”
Napakurap si Meili nang magsalita si Ron. Kanina pa ito nasa tabi niya. At tila dinadamayan siya. Kasabay kasi ng pag-aalis ni Rico ay ang pagdating naman ni Ron kaya nakita nito ang pagluha niya.
She didn’t have to explain. Batid na nito ang nararamdaman niya.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa wine glass at napakunot-noo na tiningnan ito. “Hindi ako maglalasing, iinom lang.”
Pumalatak ito at umiling. “Kailan ka pa natutong uminom ng alak? Meili, nakakalimang lagok ka na, ano ang tawag mo ‘dun? Tigilan mo na nga ‘yan,” saway nito.
“Aish. Ayoko.”
Bumuntong-hininga ito. “I’m just a friend and a brother here, okay. Concern lang ako sa atay mo.”
Bahagyang natawa siya. “Sira ka talaga!” Ngunit agad din naman na sinalakay ang dibdib niya ng lungkot. “Bakit ganun, Ron? Bakit kakambal ng pagmamahal ang pagkabigo? Hindi ba puwede na masaya lang?” aniya kapagkuwan. Lasing na siya.
“Ganyan talaga ang buhay. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan, pero ang mahalaga lumalaban ka. Kaya tigilan mo na paglalasing diyan, magiging maayos din ang lahat.”
“Saan galing ‘yun?” Napataas ang isang sulok ng labi niya.
Sa ilang taon na pinagsamahan nila ni Ron bilang magkaibigan, ngayon lang niya ito nakausap tungkol sa pag-ibig at kahit langu-lango na siya ay hindi niya maiwasang manibago at matawa. She had to admit, that part of him was new to her. He was always a good friend at kahit kailan hindi namarkahan ng malisya ang pagkakaibigan nila na iyon. Tinuring na nila na pamilya ang isa’t-isa. Lalo pa at sila-sila lang din ang nagdadamayan kapag mayroong problema.
Tumawa ito. “Stop asking, okay. Mabuti pa ihatid na kita sa kuwarto mo.”
“Huwag na, kaya ko pa naman ang sarili ko.” Pinilit niya na tumayo.
“Aray!”
Nakaramdam siya ng kirot nang matukod niya ang siko sa mesa.
She was not used to it. Hindi siya umiinom ng alak kaya madali siya na natamaan.
Mayamaya ay may humawak sa beywang niya. At dahil nanlalabo na ang kanyang paningin, napakapit na rin siya sa braso nito.
“Hindi mo naman kailangan gawin ‘to Ron. Pero salamat ‘ha. Ang swerte ko talaga sa’yo kahit makulit ka minsan,” aniya habang naramdamang kinakarga siya palabas ng bulwagan.
Bumuntong-hininga ito. “What should I do to you, Meili?”
Saglit na natigilan siya. Rico?
She was familiar of his very own husky voice. Yet she wondered kung nag-ha-hallucinate lang ba siya o talagang si Rico ang kasalukuyan na kasama niya. She was drunk and she can’t clearly see things around her. But his scent was something that brought her comfort and joy.
Ganuon na lang ang paggapang ng kakaibang init sa buo niyang katawan na nag-udyok sa kanya na mas lalo pa na isiksik ang sarili sa katawan nito.
In some way, she wished it was Rico.

Just in Time (Completed)Where stories live. Discover now